ON

221 9 0
                                    

Tristan's POV

I've been ignoring Scarlet simula nang isakay ko siya sa kotse ko hanggang ngayon na nagda-drive na ako papunta sa hospital kung saan naka-confine si Mommy.

I'm still mad at her. I won't deny it. Hindi ko akalaing magagawa niya kay Mommy 'yon, although hindi galit sa kaniya si Mommy. Hindi no'n maalis ang katutuhanang magagawa niyang manakit ng iba nang dahil sa galit niya.

Ibinaling ko nalang ang buong atensyon sa pagmamaneho ko. Hindi ako nagsalita, hindi ko siya kinibo kahit nga ang tingnan siya ay hindi ko ginawa. Gusto kong iparating sa ka niya na galit ako.

Matapos kong i-park ang kotse ay agad na akong lumabas. Nakatalikod akong naghintay sa kaniya. Nang maramdaman ko siyang nasa gilid ko na ay saka ako naglakad ulit. Hahawakan niya kasi yung kamay ko... sana. Pero agad akong naglakad so nabitin yung kamay niya.

Bahagya ko siyang nilingon nang maramdamang hindi siya sumunod sa akin. Nakita kong nakatingin siya sa baba, malongkot at maga ang mga mata. Bahagya kong binagalan ang paghakbang para makahabol siya.

Naglakad na siya pahabol sa akin, nang magpantay kami ay bahagya ko uling binilisan ang hakbang para ako ang ma-una at hindi kami magpantay.

Kagaya kanina ay bahagya ko siyang nilingon at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya. Tapos parang gusto ko siyang yakapin nang makita kong pangiliran siya ng luha. But I stopped my self.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Hindi ko nalang siya nilingon para hindi ko makita kung ano man ang gawin niya kasi nga galit ako. I know I might hurt her, pero ayan lang ang kaya kong gawin para maisip niyang nasaktan ako at nadismaya sa ginawa niya kay Mommy.

Nang nasa elevator tuloy kami, nasa likoran ko siya. Madaming sakay ang elevator at karamihan ay lalaki. Kaya nasa likuran ko siya blocking them not see her. Pero meron talagang lilingon kaya lahat nang lumingon kay Scarlet ay sinamaan ko nang tingin. Saying papatayin kita isang tingin pa, look.

Nasa pinaka mataas kaming palapag kaya kami nalang ang huling laman ng elevator. Si Mommy lang kasi ang naka-admit sa palapag na iyon. May apat na kwarto doon isa 'yong kay mommy, ang dalawang kwarto ay sa akin at kay Sammy. Kaya may isa pang kwarto ang bakanti para sa mga bibisita. Doon nalang muna siya.

May space na ulit kaming dalawa hanggang sa bumukas ang elevator door. Ang pinaka unang kwarto ay ang kwarto ni Mommy kaya agad akong pumasok doon, nakasunod lang si Scarlet.

"Andito ka na pal..." napahinto sa akmang paghalik sa pisngi ko si Cassandra nang makitang kasunod kong pumasok si Scarlet. "Oh you're here." excited na sabi ni Cassandra itinuloy niya ang pagbeso sa akin at saka lumapit kay Scarlet at nagbeso rin dito.

Halatang gulat si Scarlet dahil naka tingin pa rin siya sa akin. And by the way Ayaw ni Sammy doon sa kwarto niya kaya doon siya natutulog sa kwarto ko. Si Cass naman ay doon na natutulog sa kwarto ni Sammy. Katulong ko siya sa pag-aalaga kay mommy.

Hindi ko matagalan ang titig ni Scarlet kaya hinarap ko nalang si Mommy na kasalukuyang natutulog. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Then she opened her eyes. She looked at me then smiled.

"How was it? Nasaan si Scarlet?" tanong niya agad sa akin.

"Nothing happened, dinaldalan lang ako ni Valdez tapos umalis na rin siya." sagot ko then tumabi ako para makita ni Mommy si Scarlet.

Agad siyang ngumiti nang matamis dito. Saka niya ito sinenyasang lumapit sa kaniya. Nag-aalinlangan pa si Scarlet no'ng una pero lumapit din siya kay Mommy. Naka ngiting hinawakan ni Mommy ang kamay niya bago siya tumingin sa akin.

My Girlfriend is a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon