Scarlet's POV
Inaral niya talaga nang mabuti. Napahanga ako sa paraan nang pagkaka-report ni Tristan. Yung parang mas magaling pa siya magturo sa teacher namin. Ginawa niyang madali yung topic na iyon na medyo mahirap para sa iba kong mga kaklase. Siguro kung magiging teacher ito maraming may favorite sa kaniya.
"You did a great job." masayang bulong ko nang makaupo na siya sa silya niya. Pero ganon nalang ang pagkabuhol-buhol nang sistema ko nang ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. Hello? 911? Yes report ko lang po sana itong katabi ko. Opo. Iligal po kasi ang ka-gwapuhan niya. Opo thank you.
Ayon nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"We, did a great job." ayon lang naman ang isinagot niya pero bakit parang napaka ganda sa pandinig? Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. shit.
He smiled again, nagulat pa ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. Ewan ko ba pero parang na magnet ang mga mata ko sa kaniya at hindi kona maialis pa. Dagdag pa yung ngiti niyang maka-laglag puso sa ganda. Para na nga akong binge, siya lang ang naririnig ko. Para na rin akong bulag, siya nalang din kasi ang nakikita ko. What the heck is happening to me? This isn't me, for god sake!
"Ano titigan portion kayo ulit?" mabilis na nabitawan ni Tristan ang kamay ko at sabay kaming napatingin kay sir na hindi namin namalayang nasa harapan na pala namin. Shit.
"Hindi ba kayo nagsasawa sa mga pagmumukha niyo?" Hindi. Pero sa mukha mo sawang-sawa na. "Tigilan nyo yang kalandian nyo at nasa paaralan kayo! Hindi porket kayo ang pinaka matalino dito ibigsabihin hindi na kayo makikinig sa ituuturo ko. Ilugar ang kalandian, okay?" Kalandian my ass. Sarap mambatok ng teacher shit! "Makinig kayo, hindi yung puro kayo kalandian!" sabi pa ni sir bago siya umalis sa harapan ko na pinagpasalamat ko. Kalma Scarlet, baka himatayin yan kung masapak mo.
Tss! Hindi ko naman kailangan pa makinig sa kaniya. Ako nga yung gumawa ng software diba? Malamang alam ko na yung ituturo niya. Mas magaling pa kaya si Tristan magpaliwanag sa kaniya. Feeling niya naman!
Hindi ako nakinig at wala akong balak makinig sa kung ano mang sasabihin ni sir panot. Nagpanggap nalang akong busy sa pagsusulat pero ang katunayan ay dino-drawing kona siya sa notebook ko. Ampangit kasi.
Tristan's POV
"Sigurado ka Boss? Hindi mo naman ito gagawin para sa misyon natin, diba?" tanong ni Lee nang sabihin ko sa kanila ni Andrei ang balak ko.
"Tristan this isn't a joke."
"I know mga ugok. At ngayon palang sinasabi kona sa inyo. Tinamaan talaga ako nang sobra-sobra. I didn't felt this don sa mga babaeng nakilala kona dati. This is different. So ano, tutulungan nyo ba ako?" nagmamakaawang sabi ko na kulang nalang lumuhod ako sa harap nitong mga gago kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Mafia
ActionA Mafia and a Secret agent not a very good combination right? But what if they accidentally fall in love? Would they choose love? Would they fight for what's in their hearts and not their minds? And if they choose love, if they choose their heart...