Sa mga oras na iyon ay walang kamalay-malay si Christian sa haharapin ng kanyang kaibigang si Mark sa ilalim ng mga sadistang kamay ni Ferdie.Ibinalik ni Mark kay Christian ang ninakaw na wallet at sinabing, "May natira pa. Hayaan mo ibabalik ko ang laman niyan." Pagkawika'y umisang malalim na buntong hininga si Mark saka ipinamulsa ang dalawang kamay. Tumingin sa labas ng bintana at muling humarap sa kanya.
Nakangiti lamang dito si Christian at tila tinatantya ang lakaki. Di niya maarok kung ano ang nasa isipan nito ng mga oras na iyon.
"Dyan sa bakery sa baba," wika ng lalaki habang ininguso pa ang direksyon sa labas ng bintana, "... bili ka ng almusal mo."
"Almusal natin." saad niya sa lalaki. Di pa rin nawawala ang ngiti niya sa mga labi.
Sinuklay ni Mark ang kanyang buhok palikod papuntang batok at marahang sinambunutan ang sarili. Napaka-sexy ng lalaki ng mga oras na iyon sa mga mata ni Christian.
"Hindi. Doon ka muna tumambay. May bisita ako."
Pagkasabi nun ni Mark ay nakarinig ang dalawa ng mga sunud-sunod na katok sa labas ng pinto.
"Ricky! Ricky!"
Boses iyon ng baklang tumawag sa lalaki kani-kanina lang, ito kaya marahil ang bisitang sinasabi ng kaibigang lalaki, sa isip ni Christian.
Tumalima si Mark at agad pinagbuksan ng pinto ang bisita.
Pumasok si Ferdie.
Nang makita ang dalawang naggagwapuhang adan ay lalong lumantik ang mga mata nito.
Hindi ito mukhang bakla kung hindi lang magsasalita at kikilos ng ganun. Mas matangkad ito sa kanya. Nasa edad 50-anyos pataas ito sa tantya ni Christian.
"Dalawa kayo?"
Agad inagapan ni Mark na di malaman ni Christian ang pakay ng bagong dating.
"Pinsan ko. Nakituloy lang nag-away kasi sila ng bebot nya."
Hindi inaalis ni Ferdie ang tingin kay Christian nang magsalita. "Game ka rin?"
"Po?" di maintindihan ni Christian ang tinuring ng bakla.
Agad sumalo itong si Mark. "Sige na insan. Usap lang kami nito. Tambay-tambay ka lang muna dyan sa labas." matigas na ang boses ni Mark.
Nangingiting napailing lamang si Ferdie.
Nagtatanong ang nga mata ni Christian na ipinukol kay Mark bago lumabas ng pinto. Relax lang ang mukha ni Mark na tila ba nais sabihing ayos lang ang lahat. Pero iba ang nararamdaman niya lalo nang mahagip ng kanyang mata ang pagpitik ng bakla sa pundilyo ni Mark bago pa man lumapat pasara ang pinto. Naulinigan din niya ang mahinang pag "Ah!" ni Mark na nasaktan ito sa ginawang pagpitik sa bukol ng pundilyo ng kanyang pantalon.Ibibili niya ng tinapay ang kinse pesos na baryang tangan niya at titirahan niya si Mark...
Sa silid. Naiwan si Ferdie at ang machong binata.
Di mapilit sa 3k si Ferdie. 2k lang daw ang kaya. Nabuwisit si Mark. Alam niyang binabarat siya nito dahil naamoy na kailangan niya ng pera. Kung hindi ba naman lagi na lamang siya hinihiritan nito ngunit soplang lagi ang inaabot nito sa kanya. Minsan nga inalok siya pa ng 4k pero ayaw nya talaga. Tapos ngayon 2k?!Naghanap ng tali si Ferdie at naguguluhan man ay
tinungo pa rin ni Mark ang cabinet at naglabas ng tali at iniabot kay Ferdie. Malanding nilaro-laro naman ito ng huli.
"I-submit mo sa sarili mo sa akin." utos nito sa kanya.
"Anong isa-submit?" Di maintindihan ni Mark ang sinabi niya.
Umirap na tila nadidismaya si Ferdie sa kausap. "Ibig kong sabihin, noh, eh magmimistula kang alipin sa kama. Yun ang gusto ko!" mataray nitong saad.
Huminga ng malalim ang lalaki. Nakita ni Ferdie ang pagtaas-baba ng alsadong dibdib ng lalaki kaya naman nalilibugan lalo ito sa kakisigan ng kaharap.
"2,500?" alok nito.
Inisip ni Mark ang mga maaaring gawin sa kanya ni Ferdie ayon sa mga naririnig niya sa iba nyang katropa.
Kung bugbugan lang din alam niyang kaya ng katawan niya, pero iba maglaro si Ferdie.
Naglakad ang huli papunta sa gawi ng kalan at kinuha ang walang sinding kandila. Nilaro-laro at muling humarap sa lalaki. "2,800 kahit ano." direkta ang mga mata nito sa kanya nang tinuran ang huling presyo ng tawaran.
Yumuko si Mark...pumasok sa utak niya ang maaliwalas na mukha ni Christian. Yung hintatakot na mukha nito sa underpass at ang masayang mukha nito habang ikinukwento ang pamilya at pag-aaral.
"Sige."Kasalukuyan namang nasa pasukang haldanan na nakaupo si Christian. Kinakain ang huling parte niya ng tinapay. May apat pang natira para kay Mark. Bigla niyang naalala ang pag-inom nito ng gamot. Ni wala pa ngang laman ang tiyan nito. Nagdadalawang isip siyang katukin ito. Seryoso ang mukha ni Mark kanina. May kutob siya sa pakay ng bakla sa lalaki. Wag sanang maisipan gawin yun ni Mark para sa pera, usal niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Balisong
RomanceSa dilim... nagkabangga... nagkapit-kamay... sa pait ng buhay... sumibol ang kakaibang pagkakaibigang hindi ninyo malilimutan....