Chapter 22 - Peaches Ancheta

258 9 0
                                    

Isa ito sa mga maraming gabi na nagdaan sa buhay ni Christian. Ngunit ni minsan hindi siya nanibago bukod sa gabing iyon matapos ang ilang gabing pinagsamahan nila ni Mark.

Tama lamang ang kwarto ng binata kung masasabi. Malinis dahil minsan pa nga'y mismong kanyang ina ang naglilinis nito sa mga pagkakataong bugbog siya sa pag-aaral.

Tahimik ang gabi. Maraming mga bituin sa kalangitan. Wala ang mga kulog at kidlat na kasama nilang natulog ni Mark sa mga gabing nagdaan.

Nasaan na kaya siya ngayon? Ni hindi niya nakuha ang number ng kaibigan. Naisip niya ang madidilim at masisikip na iskinita kung saan tumutuloy si Mark. Kung tuluyan na nga bang humupa ang lagnat nito o baka bumalik kaya at kinakailangang uminom ng gamot? Hindi pinatutulog ng kaba at kung anu-ano pang samu't saring pag-aalala ni Christian sa kanyang kaibigan.

Matagal bago tuluyang makatulog ang binata nang gabing iyon. Kaya naman kinabukasan ay tinanghali na siya ng gising. Araw iyon ng Lunes. Araw ng pagbabalik sa realidad ng buhay na kanyang kinatatayuan.

Tulad ng dati, ang gwapo at napaka-linis tingnan ni Christian sa kanyang puting uniporme. Handa na sa kanyang mga klase. At nag-umpisa nga ang normal na araw para sa binata. Sa unibersidad ay nagkita sila ni Mary at ng kasamahan nilang si Gaston at naidaos ang kanilang pinaghandaang report na nakakuha naman ng mataas na marka.

Ngunit tila ba may kulang sa araw na iyon. At alam ni Christian kung ano. May kailangan siyang puntahan. At ilang sandali pa ay dinala na siya ng kanyang mga paa sa kanyang pakay. Sa taong na iniwala siya na makakapag-pabalik kay Mark sa kanyang buhay. Si Peaches Ancheta...

Sa kanyang matiyagang paghahanap ay natunton ni Christian ang kinaroroonan ng babae. Nasa labas ng bahay ng dalaga si Christian at tila sinusukat ang tatag ng dibdib upang kausapin ito nang sandaling bumukas ang pintuan at mula dito ay lumabas ang pakay na dalaga.
"Peaches..."
Nilingon siya nito mula sa kanyang kinatatayuan at nagtama ang kanilang mga mata. At napagtanto ni Christian na puno ng buhay ang mukha nga dalaga. Larawan ng saya na malayo sa makakapal na ulap na kumukubli kay Mark.
"Yes?"
Lumapit dito ang binata, bitbit sa isang balikat ang dala-dalang bag habang nakapamulsa naman ang isang kamay sa bulsa ng suit na itim na khaki pants.
"Hi... ahmm... ako nga pala si Christian at may pakay lang ako sa'yo." Na sa mukha ng dalaga ang pagtataka kaya naman nagpatuloy siya, "Kaibigan ako ni Mark."
Pagkabanggit niya ng pangalan nito ay nabasa niya agad sa babae na kilala nito ang tinutukoy na lalake.
"Anong tungkol sa kanya?" Tanong sa kanya ng dalaga. Kalmado lamang ito nang magsalita.
"Kaibigan ko siya at sa tingin ko nangangailangan siya ng makakaramay sa ngayon at alam ko na mahalaga ka sa kanya hanggang ngayon." Abot-langit ang pagpipigil ni Christian ng kanyang emosyon habang sinasabi niya iyon sa dalaga. Para bang kung siya na lang ba ang nasa posisyon ng babae ay gagawin niya lahat upang maiahon si Mark sa kinasasadlakan nitong putik.
Tahimik lamang ang dalaga na tila ba pinag-aaralan muna ang mga sasabihin bago ito nagsalita, "
"Nabalitaan ko nga minsan. Mula sa isa sa mga kaibigan namin."
Banayad ang boses ng dalaga pero tila hinahanapan ni Christian ito ng pag-aalala ngunit tila hindi niya iyon matagpuan dito. Sa kabila nito, tahimik lamang ang binata at inihanda ang sarili sa mga susunod na sasabihin ni Peaches.
" Anong gusto mong gawin ko?" Di ito inasahan ni Christian ng mga sandaling iyon. Nagtatanong ang kanyang mga mata habang kalmado lamang ang dalaga na nakatingin at pinanonood ang kanyang reaksyon sa tanong binitiwan nito. Alam niyang hindi handa dito ang kaibigan ni Mark.
"Mahalaga sa akin kung anong meron ako ngayon. At kung nasaan ako. Ang buhay ko ay hindi umiikot lamang sa isang lalaki." Sandaling huminto si Peaches sa pagsasalita panandali bago magpatuloy. "Malabo ang bukas kay Mark. Hindi malinaw ang daan... wala... malabo... At hindi ko kayang isugal ang bukas ko sa liko-likong daan. Marami kaming pinagsamahan ni Mark, oo, pero hanggang dun na lang iyon."
Hindi ito inaasahan ni Christian na marinig anb mga salitang iyon mula kay Peaches. Pero kahit papaano ay siya lamang nag nakarinig nun at hindi si Mark. Kahit papaano ay naramdaman ni Christian na kahit sa ganoong paraan maiiwas niya ang lalake sa sakit na maari nitong maramdaman.
Taimtim na pinagmasdan ni Peaches ang binata. Nabasa niya ang awa sa mga mata nito na marahil ay para kay Mark. Nagbaba ng tingin ang dalaga at humugot ng isang malalim na hininga bago magpatuloy. Sa puntong ito, tila nagbago ang expression sa mukha ni Peaches... wala ang bahid ng kasungitan, ngunit ang mga mata'y tila humihingi ng pang-uunawa.
"Ano kamo pangalan mo?" tanong ng dalaga.
"C-Christian..."
Tumango-tango ang dalaga na tila ba sinusukat ang sarili bago muling magpatuloy.
"Christian... look... 'di ako masamang tao. Mahirap ang buhay. Hindi dahil nasa maganda kang estado eh yun na yun. Nandun lagi ang pangamba, ang takot... na isang araw maaring may trahedya kang haharapin. Tumatanda na ang mga magulang ko. Gusto ko balang araw hindi sila maghirap dapuan man sila ng sakit. Na nandun ako para sa kanila. Balang araw kung magkapamilya man ako at maging ina, ayokong dumaan sa hirap mga anak ko... hindi sila makakapamili ng buhay na dadatnan nila sa mundo... pero ako pwede... kailangan lang na handa ako at ang buhay na ilalaan ko sa kanila... hindi pwede na kung ano lang ang gusto ko. Hindi ako masamang tao."
Natahimik ang binata sa tinurang iyon ni Peaches. Habang taimtim lamang ang dalaga na nakatingin sa binata. Bigla tila nag-iba ang tingin ni Christian dito.

Beep!!!

Pinutol ng busina ang katahimikang namamagitan sa dalawa. Katahimikan na tila ba naging batayan ng nagtulay na pag-uunawaan ng dalawa.

Lumingon si Peaches sa pinanggalingan ng busina. Doo'y nakaparad ang kotse at isang lalaking tila na medyo may-edad na at naka long-sleeves na pang-opisina ang bumaba mula dito.

Kumaway dito ang dalaga habang nakangiti at ganun din ito.

Bago pa man tuluyang iwan si Christian ng dalaga ay nagsalita ito sa mahinang boses, "Maging mabuti kang kaibigan kay Mark ha... at di ako galit sa kanya..." Yun lang at nagpatuloy na ang dalaga.

Bye, Peaches...

Bye, Peaches

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon