Chapter 9 - Apat Na Sulok

407 12 0
                                    


Hindi kalakihan ang banyo ng silid ngunit pansin ang pagiging malinis nito. Bagay na lalong nagbigay ng magandang impresyon kay Christian sa lalaki.
Matapos makapaghilamos ng mukha si Mark ay iniupo muna siya ni Christian sa silya sa gilid ng labas ng pinto ng banyo at saka inihanda ang mainit na tubig panligo.
Nang makapaghugas ay kinuha niya ang mga tinirang tinapay at pinakain sa lalaki.
Ayaw pa nito nung una pero pinilit niya, "Kailangan mo ng makainom ng gamot, Mark. Dapat may laman yang sikmura mo. May antibiotic ka ring iinumin, eh."
Walang nagawa si Mark kundi sundin ang hinihiling ng binata. Alam ni Mark na nag-aalala lamang ito sa kanya.
Kumuha si Christian ng silya at naupo sa harapang ng lalaki. "Alisin na natin yang mga natuyong patak ng kandila sa katawan mo para di ka na magbabad gaano sa tubig."
Tila nahihiya naman itong si Mark na obligahin ang binata. Magmula pa kagabi nang una siyang apuyin ng lagnat ay hindi na siya tinantanan sa pag-aasikaso ni Christian.
"T-tulungan kita..."
"Hindi na. Kumain ka na lang dyan." banayad ang boses ni Christian sa kabila ng pag-aalala.
Nag-alangan pa ng kaunti ang binata dahil nakita na naman niya ang maskuladong pangangatawan ni Mark na muli ay nangangailangan ng kanyang aruga.
Nakita niya na kumapit sa mga buhok nito sa katawan ang mga natuyong patak ng kandila. Nang subukan niyang alisin ang mga iyon ay napapangiwi si Mark sa bawat paghila sa mga buhok niya lalo na sa magkabilang mga utong na inunang asikasuhin ni Christian. Ayaw ng binata na masaktan pa lalo si Mark. Sapat na ang mga sakit na iniinda nito. Kahit pinananatili nito ang tigas ng pangangatawan ay tao pa rin itong nakadarama ng sakit.
"Masakit pag hinihila, ano?"
Tumango lamang si Mark na may sumilip na konting ngiti sa labi tanda ng pagsang-ayon sa tinuran ng binata.
"Teka.." Nag-isip si Christian ng ibang paraan para tanggalin ang mga nakakapit na wax sa katawan nito. Naka-isip siya ng paraan. "Guntingin na lang natin?"
"Ayos lang." sagot ni Mark.

Nakaramdam si Mark ng kakaibang sensasyon nang dumaiti na sa kanyang dibdib ang lamig ng metal na parte ng gunting. Lalo na pag marahang ipinapagpag ni Christian ang mga napaggupitan sa katawan niya. Minsa'y pinong hinihipan pa ni Christian ang mga ito na labanan man ng isip ni Mark ay sadyang nagpapalibog sa kanya ang mga bawat dampi ng mainit na hininga ng binata sa kanyang kahubaran.
Nahihiya man si Mark ngunit ang katotohanan ay di niya pa rin maalis ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa patuloy na naninigas niyang pagkalalaki.

Buong buhay niya ay lagi na lamang na ang turing sa kanyang katawan ay matigas na tila walang kapaguran at hindi marunong masaktan. Kahit sa anu mang aspeto, sa sex ay laging inaasahan sa kanya ng mga nagiging kapareha ay sirkusero o di kaya'y nasasabak sa bakbakan. Kaya niyang gampanan ang mga iyon. Ngunit ang alagaan, ang mapailalim sa mapag-arugang mga kamay ay sadyang kakaiba.
"Hayaan mo, Mark, tutubo rin naman agad ang mga ito." panlilibang ni Christian sa binatang si Mark na noo'y tahimik lamang na nakikinig sa kanya.
Buong ingat ang paggupit ni Christian sa mga balahibo sa dibdib ni Mark upang di masira ang isang bagay na nagbibigay diin sa kamachohan ng lalaki.
Bumaba pa ang paggalaw ng gunting sa mamasel na abs ni Mark. Minsa'y napapakislot si Mark pag dumidila ang malamig na parteng bakal ng gunting.
Di pinapahalata ni Christian ang panginginig ng kanyang kamay tuwing hahaplusin niya ang humpak na tiyan ng lalaki upang pagpagin ang mga ginupit na balahibo.

Si Mark naman sa mga oras na iyon ay naghihirap na sa pamimiigat ng kanyang mga betlog dahil sa kanina pang pag-aalburuto ng kanyang ari. Gustong-gusto na niyang magpakawala.

Si Christian nama'y nanlulumo sa lagay ni Mark. Lalo na nang makita ang pamumula ng ibang bahagi ng katawan nito.
Pati buhok nito sa kili-kili ay di-pinaligtas. Ginupit niya ang ibang parteng natuluan ng kandila.
Habang inaasikaso ni Christian ang isang kili-kili ni Mark ay di naiwasang tanungin niya ang lalaki.
"Bakit ka pumayag, Mark?" seryoso ang tono ng boses ni Christian.
Simple lang ang sagot ni Mark. "Ito yung napagkasunduan."
Tila hindi matanggap ni Christian ang kasagutan ng lalaki, "Kahit na, Mark." Tinimbang niya muna ang kanyang mga susunod na salita bago nagpatuloy, "Eh papatayin mo ang sarili mo nyan, Mark. Hindi tama 'yun. Hindi tamang ilagay mo ang sarili mo sa ganung sitwasyon." madiin ang bawat bigkas ng mga salita ng binata.
Bumuntong-hininga si Mark. Isang ugali na ng lalaki na napapansin ni Christian.
"Tingnan mo tuloy ang nangyari." wika ni Christian na kahit na ganun ang tuwiran ng mga salitang binitawan ay di mariringgan ng panunumbat sa boses nito. Bagama't ito'y puno ng awa.
Tinapunan ng tingin ni Mark ang ginagawang paggugupit ni Christian sa ilang buhok niya sa kili-kili at ipinukol ang tingin sa binata. Muling nagtama ang kanilang mga mata.
Nananantya ang mga tingin ni Mark kay Christian nang magsalita, "Eh, ano sa'yo kung may mangyari saken?"
Tila na-corner siya ng lalaki. Checkmate, kung baga sa larong chess.
Nagtataka rin ang binata kung bakit wala siyang maapuhap na mga salitang pwedeng maisagot kay Mark. Wala siyang lakas ng loob para sa kasagutan.
Sumilay ang pilyong-sigang mga ngiti ng lalaki nang tila tuod siyang napako at walang maisagot.
Mayabang na isinandal ni Mark ang ulo sa pader at saka pumikit. Na tila bang sinasabi na tapos na ang pag-uusap nila sa bagay na iyon.
Nagtataka si Christian kung bakit ganoon ang turing ng lalaki sa kanyang pag-aalala.
Ngunit sa kabila nun ay di nabawasan ang pag-aalala niya sa lalaki.

BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon