Chapter 13 - Sabitan ng Medalya Ito

324 9 0
                                        


Ibang-iba ang mood ng bahay nila Christian sa pakiramdam ni Mark. At gusto niya ang bagay na iyon. Mula sa labas ay mahina mong maririnig ang nagpapatugtog mula sa loob ng bahay.
'Its Friday I'm In Love' pa ang tugtog.
"Hehe, si Anafrid!" masayang wika ni Mary na ang tinutukoy ay nakababatang kapatid ni Christian na kasalukuyang nagpapatugtog.
Nauna lumakad sa kanila si Mary. "Ana!" tawag pa nito.
Tumingin si Mark na nakangiti kay Christian, matipid lang ang ngiting binalik ng huli sa lalaki. Naisip tuloy ni Mark na nahawaan niya ng sinat ang binata kaya tumamlay.

Lumabas ang isang babae na sa tingin ni Mark ay mas nakatatanda kay Christian.
"Ate Em!" salubong nito kay Mary.
Ito ba yung kapatid? isip-isip ni Mark.
Nagyakap ang dalawang babae.
Sumilay ang mga ngiti kay Christian at sinalubong ang babae. At ipinakilala ito ng binata habang yakap-yakap.
"Kapatid ko, si Anafrid."
"Ana na lang."
"Si kuya Mark mo. Sa kanya ko nakituloy kagabi."
Ningitian ito ng lalaki. At tila di naman matago ni Ana ang hiya sa mga ngiti nito.
Di mo mapagkakamalang magkapatid ang dalawa. Kung bakit, basta na lamang hindi sila magkamukha. Ngunit kahit magkaganun pa man, mahal na mahal ito ng kuyang si Christian.
Nagkumustuhan ang kanyang kapatid at kaibigan.Hindi mahirap makapalagayan ng loob si Mark, sa isip-isip ng binata.
Maging nang ipakilala niya ang lalaki sa mga magulang niya. Maging ang ama ni Christian ay magiliw na nakipag-usap kay Mark tungkol sa makina ng mga sasakyan.

Tulad ng sinabi ni Mark, inasikaso nga nito ang makina ng sasakyan upang siguraduhin.
Inabala naman ng ina ni Christian ang sarili sa paghahanda ng babaunin ng tatlo.
Matapos makapaghanda ni Christian ay tinungo niya ang ama at kaibigan upang silipin ang kanilang ginagawa.
Tinawag pa siya ng mama niya bago lumabas at nagpadala ng inumin at meryenda para sa kanilang mga lalaki. Habang ang dalawang babae naman ay nasa kwarto sa itaas at pinapanood ang mga lalaki sa labas.
"Ang gwapo ni kuya Mark, noh?" kinikilig na wika ni Anafrid.
Sinilip ito ni Mary. Hubad-baro ang binata ng mga oras na iyon at medyo pinagpapawisan na. Lalong nagpakintab sa macho nitong pangangatawan. Ngumuso si Mary at pabulong na sumagot, "Mukhang goons."
"A-ano sabi mo, ate?" di nito masyado narinig ng dalagita.
"Wala ikaw talaga." pag-iiba ni Mary ng usapan.

********************

Napako si Christian sa pagkakatayo mula sa pintuan dala ang meryenda. Napukaw ang kanyang atensyon ng senaryong nasa harapan niya.  Ang kanyang ama at ang holdaper na si Mark, na ngayo'y magkatulong sa pagkukumpuni ng sasakyan. Bawat sandali ng pagsasama nila ni Mark ay tila wala sa hinagap niya ang mga sumusunod na pangyayari. Ibang klaseng lalaki. Ni wala pa nga silang isang araw na magkasama ay para bang matagal na itong parte ng buhay niya. Naisip niya tuloy, matapos ang lakad nila, maaring hindi na rin sila magkita ng lalaki. Wala silang bagay na pagkakaparehas para magkasama sila. Pabor lang lahat ng ito na nag-umpisa sa holdapan.

Tiningnan niyang muli ang lalaki na sabak sa pagkukumpuni habang masayang nakikipag-usap sa kanyang ama. Hindi siya mekaniko, isang bagay na pagkakaiba nilang mag-ama. Gusto rin kaya ng ama niya na makakwentuhan siya tungkol sa makina ng sasakyan?
Masaya naman siya ng walang Mark. Kasama ang pamilya at si Mary. Pero bakit ganun? Hindi niya alam kung bakit isipin pa lang niya na darating ang isang araw mawawala na rin ang lalaki may tila labis na lungkot ang kanyang nadarama.
Si Mark, na parang parte na ng kanyang buhay. Ang lalaking inalagaan niya. Pumasok sa isip niya na halos lahat ng sulok ng katawan nito ay kabisado na niya. Hindi maintindihan ni Christian ang sarili. Naalala niya ang magandang mukha ni Mary. At kung bakit parang walang lasa ang biscuit nito kanina...
Tumingala siya sa ulap. Hindi pa rin lubusang sumisikat ang araw. Kailan kaya magliliwanag?

"Christian!"
Napansin na pala ni Mark ang kanyang pagkakatayo mula sa may pintuan. Nakangiti ang lalaki sa kanya. Nakita na naman niya ang mga pilyong ngiting iyon.
Lumapit siya rito at iniabot ang meryenda at ganun din sa kanyang ama.
"Okay na ba 'yan, Mark?" bungad niya.
Masayang sumagot ang lalaki, "Ayos na ayos na 'to."  sabay tapik sa hood ng sasakyan. At bumaling ito sa ama ni Christian, "Hindi na po mahihirapan ang karelyebo ko kung sakali." pagmamalaki ni Mark sabay akbay sa kanya. Mabigat ang braso ng lalaki sa pagkakadantay sa kanyang balikat. Pero may naramdaman siyang kuryenteng gumapang sa buo niyang pagkatao.
Iyon ang una niyang naramdaman na napakalapit nila sa isa't-isa. Ngumiti lamang si Christian upang itago kung ano man yung nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Lingid sa kaalaman nila, pasimpleng nakadungaw si Mary mula sa bintana. Masayang pinagmamasdan ang mga nagkakasiyahang mga lalaki. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang kasiyahan sa mga mata ni Christian kasama ang isang kaibigan. Si Christian, na sadyang seryoso at tahimik. Ngayo'y puno ng mga ngiti. Maaari ngang mabuting tao ang lalaking ito. Hindi ito magiging kaibigan kagaya ng isang Christian kung hindi ito isang mabuting tao. Naalala niya ang tungkol sa biscuit na halos maubos ng lalaking ito. Ang rugged, ang dirty look, ang mukhang goons, at higit sa lahat, isang kaibigan kay Christian, na mahalaga sa kanya.
Mula sa pagkakatanaw ni Mary mula sa bintana ay muli niyang nasilayan ang mga ngiti ng lalaki, mukhang pilyo, pero sa unang pagkakataon parang naging cute si Mark...
Pero mas cute pa rin si Christian!

*******************

Napagkasunduang si Christian muna ang magmamaneho para makapahinga naman si Mark. Aayaw pa sana ng lalaki sa kasunduan ngunit nang ang mga magulang na ni Christian ang naghikayat kay Mark ay di na nakatanggi pa ang lalaki.

Noo'y lumabas sila Mary at Anafrid, na sa tingin ni Christian ay may pinagmumukmok.
"Oh, bakit?"
"Paano gusto sumama." saad ni Mary.
Agad itong pinagsabihan ng ina na wag na magmukmok ngunit lalo lang humaba ang nguso ni Anafrid.
"Hayaan mo at papasalubungan ka namin pag-uwi." alo ng kuya sa nakababatang kapatid.
Lalo lang humaba ang nguso nito.
Hindi naman matiis ni Mary ang kanyang 'baby sister', alam niya na kailangang samahan ni Christian ang may dinaramdam na si Mark. Kaya naka-isip si Mary ng paraan para tulungan ang kaibigan sa problema sa kapatid at ganun din kay Anafrid.
"Naku ganito na lang." panimula ni Mary at saka nagpatuloy, "Tutal ay may baon naman akong mga damit, sasamahan ko na lang dito si Ana sa paghihintay sa pagbabalik nyo." nakangiti ang dalaga matapos magsalita.
Tuwang-tuwa naman si Anafrid sa narinig.

Ewan ni Christian sa mga oras na iyon, sa isiping dalawa lamang silang muli ni Mark magsasama sa mahabang biyaheng kakaharapin, ay parang gusto niyang sabitan ng medalya ang ginawang pagmamaktol ni Anafrid.

Ewan ni Christian sa mga oras na iyon, sa isiping dalawa lamang silang muli ni Mark magsasama sa mahabang biyaheng kakaharapin, ay parang gusto niyang sabitan ng medalya ang ginawang pagmamaktol ni Anafrid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon