Chapter 20 - Mark

306 9 0
                                    

Tahimik ang dalawang lalaki matapos ang nag-aapoy nilang sandali... medyo nahihiya pa si Christian dahil ng makabaw ng lakas si Mark matapos itong labasan ay jinakol pa siya nito habang nakaturok ang sarili nitong pag-aari sa kanyang puwitan patalikod... nang marating ni Christian ang rurok ay narating din ni Mark ang pagsabog sa ikalawang pagkakataon... nag-alala pa ang lalaki dahil sa mga dugong lumabas kay Christian pero sa pagkakataong ito alam ng binata na hindi dapat pa mag-alala ni Mark... ayaw niya itong mag-alala pa kaya nagpakita siya ng lakas dito...

"Mark... bakit?" Hindi niya alam kung saan niya naapuhap ang lakas ng loob tanungin iyon pero gusto niyang malaman.
Tumingin sa kanya si Mark. Naroroon ang lalim sa mga tingin ng lalaki.
"Hindi ko alam..." banayad na sagot ng lalaki...
Tuningnan siya ni Christian. Ngayo'y tila ba may pagkatao si Mark na nais niyang maintindihan ng lubusan... hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at tiningnan ito sa mga mata... "Sino ka Mark?"
Tumiim-bagang ang lalaki... na tila ba pinipigil ang sarili sa naghaharing emosyon sa kanyang puso... "Mark... nandito lang ako... makikinig... hindi ako aalis..." toto sa puso ni Christian ang mga sinabi sa lalaki... handa siyang buksan ang puso upang makilala ng lubusan si Mark... gusto niyang makilala pa ito dahil alam niya na may mabigat na bagay ang dinadala ng lalaki sa dibdib...

Katahimikan...

Tulad ng gawi ng lalaki... bumuntong-hininga ito at inihanda ang sarili...

Si Mark.

Sino nga ba siya?

Nagsimulang magsalita si Mark, tulad ng gawi nito, banayad, walang pagmamadali... pero tila ba napakalalim ng pinaghuhugutan ng mga bawat salita...

"Hindi ko alam... di ko alam kung saan dapat magsimula..."

Tahimik lamang si Christian at inihanda ang sarili. Alam niya na sa mga ganitong oras... ang kailangan lamang ng lalaki ay isang kaibigang handang makinig... na walang panghuhusga...

"Sikat na modelo ang mama ko..." walang himig pagyayabang. Nagpatuloy ito, "Mahal na mahal siya ni papa..." Huminto si Mark, na tila ba may bumara sa kanyang lalamunan ng binanggit ang kanyang ama...

Kaya pala makisig ang mukha maging pangagatawan ni Mark... may pinagmanahan... naisip tuloy ni Christian.
Napagkaalaman din niya na ang ibang kapatid ni Mark ay nasa America na... mga anak ito sa unang asawa ng kanyang mama. At nag-iisa lamang siyang anak ng kanyang ama...

Nagpatuloy si Mark, "Wala akong alam noon na ganito pala ang buhay... na sa isang iglap..." Huminto siya at alam ni Christian ang pinaglalabanang emosyon sa dibdib ng lalaki... Gusto niyang magsalita pero hinayaan niya si Mark... alam niya na kailangan ilabas ng lalaki ang naghaharing emosyon sa kanyang puso... at naroroon siya handang umalalay dito...

"Hindi kinaya ni papa nang iwan siya ni mama... Sumama sa pinakilalang business man na kano ng isa sa mga kapatid ko sa ina sa US... At si papa... naging sugarol... sinisisi ko ang sarili ko... na hindi ko man lang siya sinamahan sa paghihirap niya..."

Nanatili lamang si Christian sa pakikinig...

"Napagbenta halos lahat ng properties namin dahil sa sugal at pambabae ni papa... nagalit ako sa kanya nun at sinisi ko silang parehas..." Tumingin si Mark sa kawalan na tila ba may binabalikan...

"Ang mahalaga lang sa akin noon ay ang kung anong meron ako... alam ko na mali na sisihan sila... lalo na si papa... huli na ng naintindihan ko siya..."

"Nagmahal ako noon... ibang klase... pagkasama ko siya tila ba lahat tinitungala ako..." Tumingin siya kay Christian... "alam mo ba ang pakiramdam ng ganun..." at muling tumingin sa kawalan... "ang sarap sa pakiramdam... parang ang lakas-lakas ko dahil niya... pero nawala lahat yun ng masira ang buhay namin... pati mga barkada ko nawala... di ko siya malilimutan..."

"Sino siya?" Lakas-loob na tanong dito ni Christian. Gusto niyang malaman kung sino ang taong ito dahil alam niya makakatulong ito sa pagbabalik ng pagkatao ng lalaki.

Sumagot ni Mark, ".... Peaches."

Si Peaches Ancheta ang una at marahil ay ang huling babae na tanging minahal ni Mark ng lubos. Classmate niya ito at laging naroroon ang babae sa bawat mga laban niya sa basektball. Naroroon upang bigyan siya ng lakas ng loob bilang nobyo.
Hindi tulad ng ibang babae na masasabi mong magaganda ay may angking talino si Peaches. Kaya maging sa mga beauty contests ay nagwawagi ang dalaga. At laging naroroon si Mark... na tinitingala ng mga kapwa niya kalalakihan.
"Tol bilib na ko sayo..." minsan biro sa kanya ng isa sa mga matalik niyang kabarkadang si Josh, habang pinapanood nila ang dalaga na kinokoronahan sa entablado.

Ngunit dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari... at ayaw ni Mark na idamay sa dalamhati niya ang masayang dalaga.
Minsan ay tinanong siya nito na kung ano nga ba ang plano niya para sa kanilang dalawa... dahil lagi na lamang siyang wala sa klase at sa mga laro. Lingid sa kaalaman ni Mark na nag-aalala sa kanya si Peaches at handa siya nitong alalayan ngunit tila ba nasasaling ang kanyang pride bilang lalake na obligahin pa ang nobya...

Isang hapon sa walang taong basketball court ay nagkita ang dalawa... nagkamustahan ngunit naging mailap si Mark... ilang araw na lang ay graduation na nila sa highschool...
"Natanggap ako sa PUP..." panimula ni Peaches. Pinagmamasdan niya ang nobyo na noo'y tahimik lang. Gusto niyang marinig mula dito ang mga plano nito sa buhay after highschool...
Ngunit ano nga ba ang sasabihin niya? Ano nga ba ang pwede niyang maikwento o maibida sa dalaga?
"Congrats..." mahina ang boses ni Mark nang sabihin ito.
Ngumiti lamang ang dalaga at may saya sa boses nang muling magsalita na tila ba pilit pinasasaya ang sitwasyon... "After graduation... may plano sila.. Tagaytay yata."
Hindi na sinagot pa ni Mark ang dalaga. Alam niya na niyayaya siya nito magliwaliw. Pero para saan pa?
Nagpaalam sila ng hapong iyon sa isa't-isa sa basketball court na naging saksi sa masasaya nilang ala-ala ng dalaga tuwing napapanalo nila ang laro. Ngunit napakatahimik ng court nang hapong iyon. Na para bang maging ito ay nakikidalamhati sa lungkot na namamayani sa dalawang magkasintahan.
Hindi alam ni Mark na yun na pala marahil ang huli nilang pagkikita ng dalaga. Dahil nang gabing iyon ay pinakilala sa kanya ng ama ang bago nitong nobya. Haliparot ang mga tingin sa kanya ng may kabataang babae. At alam ni Mark ang mga ganitong babae. Parang sasabog ang puso ng binata nang mga sandaling iyon. Kaya nilisan niya ang kanilang tahanan kagabihan. Hindi na rin niya muling nilingon ang pinanggalingan. Hindi na rin siya naka-attend sa kanilang Graduation Day... na kung saan ay buong araw siyang hinintay ni Peaches.

May halos isang taon na rin ang lumipas nang mabalitaan niyang pumanaw ang kanyang ama sa stroke. Doon naiintindihan ni Mark bilang lalaki ang kanyang ama. Ang mga sugal, alak, pambabae ay tila ba maibabalik nito ang nawalang dangal bilang isang lalake.
Halos wala na ring naiwan sa kanya ang kanyang ama. May utang pa ito sa banko nang mamatay.

At eto siya... si Mark... sa kasamaang palad ay patuloy na inaagos ng buhay... itinago ang pagkatao sa masisikip at mataong mga iskinita ng kamaynilaan... at nakilala bilang si Ricky... ang taong kayang kumapit sa anumang patalim mabuhay lang. Kung saan laman ng mga madidilim na daan sa mga alanganing oras sa gabi... na kung saan ang bulsa sa likod ng suot na kupas na maong ay may tangang balisong...

 na kung saan ang bulsa sa likod ng suot na kupas na maong ay may tangang balisong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon