Chapter 11 - Ang Holdaper Vs Ang Sntacher

318 10 0
                                    


Si Mark!

Ang holdaper niya na ngayo'y pinagtatanggol siya sa snatcher. Bilog nga talaga ang mundo!

Kitang-kita ni Christian ang bangis ni Mark sa pakikipagsuntukan. Pero hindi papahuli ang snatcher, nang makabawi, isang right punch ang pinakawalan na tumama sa panga ni Mark. Nakakuha pa ito ng kahoy at naipukpok sa lalaki. Tumulo ang dugo mula sa kilay ni Mark. Di matiis ni Christian na panoorin lamang si Mark, lakas-loob siyang susunggaban ang snatcher ng nakabawi ng malakas na suntok ang lalaki. Pinaatras siya agad ni Mark. Binaranda nito ang kaliwang kamay para patabihin si Christian. Nang nagtama ang kanilang mga mata ay nawala ang bagsik sa mga mata ni Mark na kanina lamang ay umaapoy sa bagsik sa snatcher. Nakita ni Christian na ayaw siyang idamay sa kapahamakan at tila nagsasabing kaya niya patumbahin ang kalaban.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nakita ni Christian ang tulis ng icepick mula sa kamay ng snatcher na iuumang kay Mark.
"Mark!"

Mabilis ang mga pangyayari. Pagharap ni Mark sa snatcher ay tila may kung anong puwersa ang pumigil sa rambulan ng dalawa nang magkaharap mabuti.
Parang huminto ang tibok ng puso ni Christian.
Doon nagsalita ang snatcher, "Putang ina mo, Ricky." galit ang boses nito pero di galit na mananaksak, kundi galit na dismayado.
Kumunot ang noo ni Mark nang makilala ang holdaper. Dala siguro ng bugso ng emosyon ng dalawang lalaki ay di nila agad napagkakilanlan ang isa't-isa.
Nanatiling nakatingin lamang dito si Mark. Tila sinusukat ang susunod na kilos ng snatcher. Ngumisi dito ang snatcher at umiling-iling, saka umatras ng hakbang habang ibinabalik sa bulsa sa likod ng pantalon ang tangang icepick. Nakita ni Christian na kumalma ang tindig ni Mark hanggang nakalayo na ang snatcher. Palakpakan ang ibang mga usisero at natatawang umiiling naman ang ilang taga-roon na nakakakilala na sa dalawa.

Dinampot ni Mark ang cellphone sa kalsada at iniabot kay Christian. Tuwang-tuwa naman ang binata sa kabutihang ipinamalas ni Mark.
Nagpasalamat pa siya rito. "Maraming salamat!"
Ngunit banas ang anyo ng lalaki. Nawala tuloy ang ngiti ni Christian.
"B-bakit?" maang tanong niya sa lalaki.
Umisang buntong-hininga ito, na tulad na nakagawian na napuna ni Christian, bago nagsalita, "Tingnan mo nga... tsk tsk tsk. Pina-snatch mo yang cellphone mo!" Kahit galit ay banayad ang boses ng lalaki. Isang bagay na hinahangaan dito ni Christian.
Pero teka, pina-snatch? Siya raw itong "pina-snatch" ang sariling cellphone? Saan kaya nakuha nitong Mark na 'to yung salitang iyon? Para bang lumalabas na ang tanga-tanga niya, sa isip-isip ni Christian.
"Hindi ko naman ginusto yung nangyari, eh." pangangatwiran niya.
Galit pa rin ang lalaki. "Eh ano nga ba ang nangyari?" sarkastikong tanong nito sa kanya. Tahimik lang si Christian. Nakanguso.
Di pa rin papaawat si Mark, "Hindi ba nai-snatch?".
"Hawak-hawak ko naman, eh." naiinis na sagot ng binata. "'Yun nga lang..." Tumingin sa kanya si Mark na tila hinhintay ang susunod niyang sasabihin. "... nai-snatch."
"Yun nga 'yun. Nai-snatch nga."

Hmmmp! Naiinis si Christian sa sarili na kung bakit siya mismo ang nagkanulo sa sarili.

"Kakahiwalay lang natin, eto na naman." sermon ni Mark.
"Eh di sana pinabayaan mo na lang makuha sa akin ito. Tutal kung tutuusin nagawa mo na yung sinabi mo na ibabalik mo lahat ng nawala sa akin. Kumbaga klaro ka na sa mga obligasyon mo. Di mo na kasalanan kung mai-snatch ito sa akin. Wala ka na dun. Hindi ba?" pagmamaktol ni Christian. Sino ba namang hindi maiinis na siya pa itong sesermonan sa kabila ng lahat na nangyari. "S-saka... di ko naman hiniling yun sa'yo, Mark. "
Parang natigilan si Mark sa mga narinig mula sa binata. Alam niyang nagdamdam si Christian sa kanya. Hindi niya intensyon ang magkaganun.
Wala na ang galit sa boses ng lalaki ng muling magsalita.
"Di naman sa ganun. Alam mo naman na pugad to ng mandurukot. Akin lang naman, sana maging maingat ka."
Alam ni Christian na inaalo na siya ni Mark. Pero may kaunti pa rin siyang inis ng muling magsalita. "Di ko nga sinasadya. Nawala lang talaga sa isip ko."
Ang hindi inaasahan ni Christian ay ang susunod na itatanong ni Mark.
"Ano ba kasi yung iniisip mo?"
Iyan na naman, sa pagkakataong ito ay matatameme na naman siya. Di niya masabi kay Mark na nalulungkot siya kanina nang magkahiwalay sila at nai-snatch yung cellphone na hawak niya habang tinatanaw niya sa huling pagkakataon ito. Pero syempre, di niya yun kayang sabihin kay Mark.

BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon