Chapter 14 - Wishing On Another Lucky Star

245 9 0
                                    


Hindi gaano traffic ang araw na iyon ng sabado at kung sabagay wala pa rin ang rush hour para sa uwian ng mga nag-oopisina at yung mga pumapasok sa kolehiyo.

Tahimik na nagmamaneho si Christian, samantalang, kampante naman na nakaupo sa tabi niya si Mark.
"Matulog ka muna, para makapagpahinga ka." saad niya sa lalaking di biro ang pinagdaanan nung araw na iyon. Iniisip niya nga kung saan nakukuha ni Mark ang lakas nito. Saan niya kaya binubunot yun? Tanong niya sa sarili. Bigla pumasok sa isip niya ang hubad na pagkalalaki ni Mark sa ibabaw ng kama. Kung saan doon sa ibaba ng gatla ay mayroong malalaking dalawang bilog.
"Ikaw itong inaalala ko. " nasira ang agam-agam ni Christian nang magsalita ang lalaki.
"H-ha?" tanong niya habang di magawang tapunan ng tingin ang lalaking katabi dahil tila nahihiya siya na mabasa nito kung ano ang nasa isip niya. Bakit ba naman kasi kung anu -ano itong naiisip niya sa lalaki.
"Sabi ko, ikaw itong parang magkakasakit." panlilinaw ni Mark, na walang kamuang-muang sa kung anong bagay ang tumatakbo sa isipan ng binata.
"Okay lang ako." mabilis na sagot ni Christian.
Taimtim siyang tiningnan ng lalaki. Parang pinag-aaralan siya. Nahuli ito ni Christian kaya inulit niya rito ang sinabing okay lang siya.
"Para kasing hindi."
Ngumit lamang siya sa lalaki. Ano ba yan, bati tuloy si Mark ay naguguluhan na sa kakaibang kinikilos niya.
Iniba niya ang topic, "Matulog ka na, Mark. Para may kapalitan nako mamya." nasa tinig niya ang pagbibiro. Ayaw naman niyang lumabas na sobrang caring. Pero kung iisipin ang mga pag-aalagang nagawa niya sa lalaki ay sapat na para tawagin siyang 'caring'.
Kumampante si Mark sa pagkakaupo. Iniunat ang katawan at iniunan ang isang braso sa likod ng ulo.
Di niya tuloy naiwasang sulyapan ang balahibo nito sa kili-kili na sumisilip sa maigsing manggas na fitted shirt ng lalaki. Bigla niyang naaalala na kung paano niya ito ginupitan ng buhok sa kilikili. Alam niyang hindi niya ito sinagad pero parang ang lago na ulit ng tubo. Nakaramdam ng paninikip ng pundilyo ang binata sa tanawing iyon ni Mark.
Ang hindi niya inaasahan ay nang sa pag-akyat niya ng tingin sa inakalang nahihimbing na lalaki ay nagtama ang kanilang mga mata!
Ibinalik ni Christian ang atensyon sa kalsada, at naramdaman ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Di man niya nakikita ang sarili, alam niyang pinamulahan siya ng mukha. Alam niyang huling-huli siya ni Mark sa pagtingin niya sa kili-kili nito. Wala naman siyang narinig mula sa lalaki. Umunat lang ito at pinagbuhol ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at ipinikit ang mga mata.

Mag-aalas kwatro na ng hapon nang sapitin nila ang NLEX, ligtas na sila sa badya ng traffic.
Dahil maghapong makulimlim ang panahon ay malamig ang buga ng hangin na nagmumula sa labas ng bintana.
Maya-maya'y dagling umubo si Mark. Paisa-isa, hanggang maramdaman ni Christian na dumadalas ang pag-ubo ng lalaki.
Nilingon niya ito at nakitang medyo nagigising si Mark sa dagliang pag-ubo.
"Mark..." marahang tawag niya. "Mark..."
Bumaling sa kanya ang lalaki. Napansin ni Christian ang pamumula ng mga mata nito. Ito na ang binat, isip-isip ng binata.

Huminga ito ng malalim at sa kabila ng hindi magandang pakiramdam ay nagawa pa nitong ngumiti sa kanya.
Ito na naman ang ngiti nito, bulong ni Christian sa sarili.
"Ngingiti-ngiti ka pa, tingnan mo nga, nabinat ka na." may halong pabirong saad niya sa lalaki na kasalukuyang dinederetso ang sariling pagkakaupo. Inaayos-ayos nito ang nagulong buhok at muling bumaling sa kanya at nagbiro rin, "Bakit? Pagod ka na?" sabay nguso sa manibela. Matapos ay umisang ubo ulit.
Sinakyan ni Christian ang biro ni Mark. Inundayan niya ito ng isang ngiting-aso at saka nagsalita, may himig ng pagsesermon. "Tingnan mo yang sarili mo dyan, isara mo na yung bintana at nahahamugan ka na."
"Mainit naman." agad na reklamo ni Mark sa kabila ng malumanay na pagsasalita.
"Nagreklamo pa." inis na sumbat ng binata saka iniabot kay Mark ang sarili nitong bag ng kanang kamay saka muling nagwika, "May gamot ka pa dyan. May tubig din tayo dyan. Nilagay ko kanina. Saka isara mo na yung bintana mo. Nakabukas naman itong akin."
Tatango-tangong sinunod ni Mark ang bilin ng binata. Inisip din niya ang makakabuti sa kanya. Nahihiya rin siyang hayaang ito lang ang magmaneho gayung siya naman talaga ang nakatalagang driver.

BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon