Chapter 21 - Isang Pangako

264 10 0
                                    

Mula sa pagkakatitig ni Mark sa kawalan... ay nilingon niya ang binatang katabi. Ningitian niya ito na di maikukubli ang pait sa mga ngiti.
"Gusto kong mangako ka sa akin, Christian." wika ng lalaki.
Hindi maintindihan ni Christian kung bakit tila ba natatakot siya ng mga oras na iyon. Na tila basa isang iglap ay gigising siya sa isang magandang pangarap... isang magandang mundo na pinagsaluhan nila ni Mark. Ang mundong masasabi mong puno ng pait ngunit magkahawak-kamay nilang sinusuong...
"Ano 'yun?" mahina ang boses ni Christian. Na tila ba tinatakasan siya ng lakas sa anumang sasabihin ni Mark.
Tinitigan siya nito sa mga mata. Naroroon ang mga ngiti sa mga mata ng lalaki. Na tila ba inaalo siya na magiging ayos din ang lahat.
"Ipangako mo na magpapatuloy ka sa buhay." matigas ang boses ni Mark. Na tila ba mapapagtibay nito ang mga bawat kataga na nais maiparating kay Christian.
Nagpatuloy si Mark, "Na kahit anong mangyari... magpapatuloy ka." Hindi inaalis ng lalaki ang pagkakatitig sa kaibigan na noo'y nag-uumpisa ng maghabulan ang mga luha sa magkabila nitong pisngi.
Umiling si Christian. Na tila ba sinasabi niya na di niya kaya. Pero naging mas matatag si Mark. Alam niya ang kahinaan ng kaibigan kaya alam niya na sa mga oras na iyon ay kailangan niyang magpakatatag.
"May magandang bukas ang naghihintay sa'yo, Christian. Kailangan ka ng pamilya mo... at si Mary..." Sandaling huminto si Mark at umisa ng malalim na buntong-hininga. Ipinako ang tingin sa kawalan na tila ba inaarok ang magiging bukas. "Balang araw magkakapamilya ka...kung saan bubuo ka ng pamilya... at kailanman... hindi ka na matatakot sa dilim..."
"Mark..."
Ngunit tila bingi si Mark. Nagpatuloy ito na tila di narinig ang mahinang pagtawag sa kanya ni Christian.
"Ako marahil ay wala na." Tumawa pa si Mark nang sabihin iyon at sinundan ng konting pagtawa. Na naroroon ang pait at bigat na dinadala. "Wala akong kasiguraduhan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa bukas sa isang taong tulad ko. Pero..."
Pinutol nito ang pagsasalita at saka muling humarap kay Christian. "... isang bagay ang ikinatutuwa ko alam mo ba 'yun?"
Nagtatanong ang mga mata ni Christian kay Mark.
At nang muling magsalita ang lalaki ay hindi na napigilan ni Christian ang pag-iyak.
"... na nang makilala kita... natuto akong mangarap."

Napakabigat ng mga hakbang ni Christian nang ihatid si Mark sa tarangkahan ng bahay. Mataas ang sikat ng araw nang mga oras na iyon. Wala na ang makakapal na ulap sa kalangitan. Pinanood niya si Mark habang naglalakad papalayo hanggang maglaho sa kanyang paningin.

Nang dumating ang kanyang pamilya mula sa misa ay hinanap pa ng mga ito si Mark. Abot-langit ang pagpipigil ni Christian sa kanyang emosyon upang ikubli ang kanyang kalungkutan sa kanila. Buti na lamang ay laging naroroon si Anafrid na lagi na lamang madaldal at maingay kaya naikukubli nito na hindi sinasadya ang kanyang kalungkutan. Lalo na nang iniabot sa kanya ni Mary ang biniling mamon na para sana kay Mark.

Hindi agad nakatulog si Christian ng gabing iyon. Lumabas siya ng balkonahe ng kanilang bahay at tumingala sa dilim ng kalangitan. Punong-puno ng mga bituin ang kalangitan. Binalikan niya ang mga kwento sa kanya ni Mark. At bigla... naalala niya ang lumang ID sa bag nito kung saan nakasaad ang pangalan ng paaralang pinasukan ng kaibigan. Naalala niya ang pangalang Peaches Ancheta.... at nabuo ang isang magandang plano ni Christian para sa minamahal na kaibigan.

 at nabuo ang isang magandang plano ni Christian para sa minamahal na kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


*****

BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon