Hindi mawala kay Christian ang naghaharing emosyon nang magkasarilinan muli sila ni Mark. Ramdam kasi ng binata na napansin ng lalaki ang kanyang paglalamig kaninang nagpaalam ito sa kanya. Inisip tuloy marahil ni Christian na tinapos na niya ang pakikisama dito ngayong tapos na rin lang ang kanilang usapan. Na tila ba pabor lang ang lahat. Kung alam lamang ni Mark kung gaano ang pagpipigil niyang wag maiyak sa kanilang paghihiwalay..."Christian..." Si Mark na rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Napakamalumanay ng tinig ng lalaki, "... saan ba pwede magpalit ng bihisan at makapagpunas?"
Napamaang si Christian kay Mark, agad niyang naisip na maaaring mapasma ito.
"Masama yun, Mark. Mapapasma ka."
"Kahit konti lang. Lagkit ng katawan ko." pagrereklamo ng lalaki.
Saglit na nag-isip ang binata. Sa mukha kasi ni Mark ay halata na di ito kumportable sa pawisang katawan at maging siya rin. Naka-isip siya ng okay na paraan para kay Mark.
"Ganito, sa likod ng bahay namin may poso. Kapag ganitong mataas ang sikat ng araw tiyak medyo maligamgam iyon. Dun ka na lang, Mark." paliwanag ng binata habang tahimik lamang na nakikinig sa kanya ang lalaki. Gustong-gusto ni Christian ang mga pagkakataong nakikinig sa kanya ng taimtim si Mark. Kung tutuusin kasi wala sa itsura ng lalaki ang makikinig sa tulad niyang good boy. Napaka-astigin kasi ni Mark.
Nagpatuloy si Christian, "Kukuha lang din ako ng pamalit ko at susunod ako."
Tumango ang lalaki at agad tinungo ang likod-bahay bitbit ang malaki nitong bag.Mula sa silid ni Christian ay abot-tanaw niya ang likuran ng kanilang bahay. Sinilip niya ang lalaki. Kasalukuyan nitong binobomba ang poso. Nakita niya ang mga butil ng pawis nito sa noo na bumababa hanggang sa magkabilang gilid ng mukha na lalong nagpapalabas sa prominenteng panga ni Mark. Pati ang mga masel nito sa braso ay tila buhay na buhay sa pag-indayog sa bawat paggalaw.
Hindi alam ni Christian kung bakit sobra ang paninigas ng kanyang ari sa kabila ng panghihina ng kanyang mga tuhod.
Tumingin siya sa salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon. Ngunit bakit ganun, parang hindi na niya kilala ang sarili.
Ni hindi na niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman."Nakapag-igib na ko." bungad sa kanya ni Mark habang isinasaayos ang huling timba.
Inilagay ni Christian ang mga pamalit niya sa isang silya saka tinungo ang kinaroroonan ng poso.
Binasa ni Christian ang dalang bimpo at saka ipinunas sa mukha. Habang si Mark nama'y ganoon din, at nang matapos ay inirolyo pa nito ang magkabilang manggas na lalong nagpalitaw sa mamasel nitong braso upang mapunasan ng maigi.Naramdaman ni Christian ang dampi ng preskong hangin na tumama sa kanyang basang mukha.
Nananatiling tahimik lamang siya ng mga oras na iyon. Di na niya alam kung ano ang tamang salita na sasabihin sa lalaki. Mga salitang magtatago sa tunay niyang nararamdaman.Nang magtama muli ang kanilang mga mata ay ngingitian sana siya ng lalaki ngunit mabilis na tumayo si Christian at tinungo ang pamalit na damit. Nakatalikod siya sa lalaki nang hubarin niya ang suot na t-shirt at saka isinuot niya ang itim na sando.
"Ipapasok ko lang tong mga pinagbihisan ko. Magsabi ka na lang kung tapos ka na." wika ng binata na di lumilingon sa lalaki.Tuluyan na sanang aalis si Christian nang magsalita si Mark.
"Ayos ka lang ba?" Sa kabila ng tigas sa boses ng lalaki ay mariringgan mo ito ng tinig ng pag-aalala.
Nang lingunin ni Christian si Mark ay tila naantig ang kanyang puso. Bakas sa mukha ni Mark ang lungkot at pagtataka. Basa-basa pa ang mukha nito mula sa basang bimpo. Nakokonsiyensya tuloy sa inasta sa lalaki.
Tumango si Christian kay Mark upang sabihing ayos lang siya.
Ngunit di kumbinsido si Mark, "Para kasing hindi."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng binata, "Ayos nga lang ako." sagot niya rito.
"Kanina ka pa ganyan." sumbat ni Mark.
Bumuntong-hininga si Christian. Ano ba yan, pati mga gawi ni Mark ay nakukuha na niya... Naupo siya sa silyang katapat na kinauupuan ng lalaki.
"Bakit, Mark, di ka ba sanay na tahimik ako?" pabirong tanong niya sa lalaki.
Tiningnan lamang siya ni Mark na tila sinusukat siya kung ano nga ba ang pakiramdam niya.
Tumawa ng marahan si Christian, "Ayos nga lang ako sabi." paniniguro niya sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Balisong
RomanceSa dilim... nagkabangga... nagkapit-kamay... sa pait ng buhay... sumibol ang kakaibang pagkakaibigang hindi ninyo malilimutan....