Izia's POV
Nasa classroom na ako at katabi ko yung tumulong sa akin.
Tama ang basa nyo katabi ko lang yung tumulong sa akin at hindi ko inaasahang magkaklase kami.
Sya pala si Yuhan Garcia at masasabi kong ang bait bait nya.
Nung inalalayan nya ako papunta dito sya na nagdala nung bag ko.
Pero bakit ganun nalang ang bulungan sa hallway ng Hillwood University kapag dumadaan kami.
Kesyo ang landi ko daw lumalapit ako sa Principe. Tapos kung ano anong bulaang hindi naman totoo ang ginagawa nila tungkol sa akin.
Hindi naman ako nasasaktan pero di ko maiwasang matakot lalo na kung makatingin yung mga babae sa akin ay halos patayin na nila ako.
Ano bang ginawa kong masama? Kasalanan ba ang maaksidente.
Kahit man nagbubulungan sila ay hindi ko nalang pinansin.
Hanggang sa may pumasok na Babae at sa tingin ko sya ang professor namin.
"Hello Everyone... My name is Ara Cruz Fuente and I will be your Class Professor for this Second Year College..." sabi ni Miss Ara.
Lumakad sya sa gitna ng room at lumapit banda sa pwesto namin which is kalagitnaan.
"May I know your name lady?!" sabi nya habang tinitignan ako.
Agad naman akong sumunod ang kaso hinawakan ako si Yuan at pinaupo ulit.
Napatingin ako kay Yuan dahil sa ginawa nya at pati kay Ma'am Ara na nagulat sa ginawa ni Yuan.
Nagkaroon ulit ng bulungan sa loob ng room.
"Quite!!" sabi ni Miss Ara na agad namang sinunod nila.
"What's your problem Mr. Yuan?!" seryosong tanong ni Ms. Ara sa kanya.
Hindi sumasagot si Yuan nakatingin lang sya dito.
Tumingin uli sa akin si Ms. Ara at gusto nyang sagutin ko yung tanong nya.
Kaya tumayo ako kahit hawak ako ni Yuan.
Napatingin si Ma'am sa hawak ni Yuan sa akin.At napangiwi sya.
"My Name is Izia Salvador..." sabi na ikinagulat naman nya.
"S-sit d-down!" sabi ni Ms. Ara na uutal utal pa.
Ano bang meron??
Bakit parang hindi maganda ang meron sa kanilang dalawa.
Bumalik si Ma'am sa desk nya at magdidiscuss na sana ng biglang hawakan ako ni Yuhan at lumabas ng Classroom.
Nakita kong gulat na gulat si Ma'am at ang mga student sa loob bago kami makaalis.
Napansin nya sigurong hindi ako gumagalaw kaya bigla nya akong binuhat at dinala kung saan.
Nasa isang hardin kami.
Tinignan ko sya at nginitian nya ako.
Ngayon ko lang napansin na may earings pala sya sa tenga.
"Baduy ba?" tanong nya na kinagulat ko naman.
"ahh hindi naman.." sagot ko naman at tumingin sa langit.
Isang mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.
"If you only knew..." basag ni Yuhan sa katahimikan(Yuan and Yuhan are the same but his real name is Yuhan but some call him Yuan)
Napatingin ako sa kanya.
Ngumiti sya at tumingin sa akin at tila tinitignan ang mukha ko kung may dumi.
Nahihiya ako sa ginagawa nya.
"Matagal tagal narin simula nung huli kong makita ang mukha na ito...." sabi nya na ngayon puno ng lungkot ang mata nya.
Ano bang nangyayari kay Yuhan.
"Can you be my friend Izia?" sabi nya.
Tinatanong nya ako...
Mabait naman syang tao atsaka wala pa akong gaanong kakilala dito sya palang.
"Oo naman!" sabi ko at ngumiti.
Ngumiti din sya at tumingin sa langit.
Nung una akala ko ay masususpende kami dahil sa ginawa nya pero sabi nya hindi kasi First Class palang naman daw wala pang gaanong gagawin.
Kaya medyo nakampante ako.
"Ahmm pwede bang magtanong?!" tanong ko sa kanya.
Tumango lang sya sinyales na Oo.
"Ano meron kanina sa classroom bakit ganon nalang ang reaksyon ni Ms. Ara sa---" hindi nya ako pinatapos dahil nagsalita sya agad.
"Don't mind it...wala lang yun!" sabi nya at ngumiti.
Bakit ba ang gaan ng loob ko sa lalaking ito.
Maya maya may kinuha sya sa bulsa.
"Ware this.." sabi nya at may binigay sya sa aking kwintas.
"Ano naman ito?" takang tanong ko.
Ayaw ko sanang tanggapin pero nilagay nya na sa leeg ko. Agad ko namang hinawi ang buhok ko para mailagay nya ng ayos yung kwintas.
"Ingatan mo iyan... Kasi kaibigan na kita kaya dapat suot mo iyan!" sabi nya na tuwang tuwa.
"ahh ganun ba..." sabi ko.
"Yeah ..." sabi nya at hinawakan kamay ko.
Bigla akong nagulat sa ginawa nya.
Nakatitig lang sya sa akin habang hawak yung kanan kong kamay.
Kumunot ang nuo nito.
"Why your blushing??" sabi nya na natatawa.
"Hah hindi naman ahh!" sabi ko at hinawakan ang pisngi ko.
"Haha I'm just Joking..." sabi nya at ginulo ang buhok ko ng marahan.
"Stay away from my GIRLFRIEND....." sabi ng isang boses na nagbigay dahilan para kabahan ako.
Tumingin ako at nakita ko si Kenneth na blanko ang mukha at nakapamulsa.
Napatingin din si Yuhan kay Kenneth at tumayo.
Tinignan ko si Kenneth. Tinignan nya ako at yung bandage sa tuhod ko tapos bumaling sya ng tingin kay Yuhan.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
Feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya.Anong gagawin ko nito.
Hinawakan ako ni Yuhan. Wrong move Yuhan huhuhuhu...
(A/N: So Yun na nga Sana Naenjoy nyo ito hahahahaha Kaboggg ang utak kakatype sa scene na ito.)
BINABASA MO ANG
Fake Relationship Project
RastgeleShe will Be the Most Lucky Girl who will have the Empire Son which is Kenneth Ethan Monteverde... Kakayanin nya kaya ang buhay ng kasama ang lalaking unang magpapatibok ng puso nya. Kaya nya bang tanggapin ang parusa at ang katotohanan na Hindi toto...