Izia's POV
Nasa kwarto ako ngayon at inaayos ang mga gamit ko sa dapat paglagyan.
Halos hindi ako makapaniwala na yung mga damit ko ay ilalagay ko sa napakagarbong kabinet. Actually napakasimple ko lang talagang babae at ni arte wala ako nun.
Atsaka mahilig ako sa gawaing bahay kaya pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko.
Yung dalawa kong maleta na yung isa ehh malapit ng masira dahil sa kalumaan ay inilagay ko sa ilalim ng kama nila.Hindi ko sineset ang mind ko na kama ko ito or kwarto ko ito. Kasi nandito ako para magtrabaho hindi angkinin ang mga gamit na hindi dapat akin. (Sana all ganyan haha)
(A/N: nasa taas po yung itsura nung magiging kwarto ni Izia sa bahay ng Monteverde)
"Ma'am Izia? Tawag na po kayo sa baba kakain na daw po kayo!" sabi ng ni Ate Wendy.
Gabi na nga pala pero hindi parin ako nagugutom.
"Pakisabing susunod po ako!" sabi ko.
Hindi ko gustong tinatawag nila akong ma'am.
Pakikiusapan ko nga sila mamaya.
Nang maayos ko na lahat ng niligpit ko ay nagpalit ako ng damit.
Pagkatapos ay agad akong bumaba.
"Come here Izia! Join me!" sabi ni Mr. Loudemir.
Agad naman akong umupo duon sa upuan na tinuro nya.
Masarap ang nakahain halos lahat ng makita ko sa hapag kainan ay bago lang sa aking mga mata.
Pagkaing pangmayaman kumbaga.
"Kain ka na wag ka ng mahiya Izia" sabi ni Sir Loudemir.
"Busog pa po ako Sir.." sabi ko.
"Pls Izia samahan mo ako! Hindi naman siguro masama na tumikim ka lang kahit kaonti!" sabi ni Mr. Loudemir.
"Let her if she doesn't want to eat..." sabi ng isang boses na papalapit sa amin.
Napalingon ako at nakita ko si Sir Kenneth.
Napatayo ako at gusto kong sabihin kay sir Loudemir na aakyat na ako pero hindi ko ginawa.
Umupo ulit ako.
"Izia don't mined him ok! Kung busog ka talaga sige pwede ka ng magpahinga!" sabi ni sir Loudemir.
"Thank you sir!" sabi ko at nagbow bago ako sa kanilang dalawa bago umalis.
Papasok na sana ako ng kwarto ng biglang may humila sa akin.
Si ate Samara.....
Agad syang pumasok sa kwarto nya at hinatak ako duon.
"Izia nasisiraan ka na ba?!!" biglang tanong sa akin ni ate Samara.
"hah? Baket po???" takang tanong ko.
" Hindi mo dapat tinatanggihan si sir Loudemir lalo na ngayon na nakita ka ni Sir Kenneth na tinatanggihan mo ang papa nya!" parang natatarantang sabi nya.
"Hah!!!" lalo akong naguluhan. Anong meron sa pagtanggi ko?
" Hindi mo alam kung paano magalit si sir Kenneth kapag ganun jusko Izia!" sabi ni Ate Samara.
Kinabahan naman ako sa sinabi ni Ate.
Magalit? Paano ba magalit si Sir Kenneth?
"Pero baka palagpasin ka lang nya kasi Girlfriend ka nya ehh hahahaha nakalimutan ko hahaha!" sabi nya.
"hehehe!" pilit kong tawa.
"Sige na Izia alis na ako maghuhugas pa ako ehh!" sabi ni Ate Samara at lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ni Ate Samara ay naupo ako sa kama.
Bakit nasabi yun ni Ate.
Naalala ko sila mama,papa at ate ano na kanyang ginagawa nila.
Sana ayos sila.Inayos ko nalang ang aking sarili at nagpalit ng damit.
Maya maya pa ay may biglang may kumatok.
Baka si Ate Samara ulit...
Kaya agad akong pumunta sa may pintuan para pagbuksan ng pinto yung taong nasa labas ang kaso iba ang nakita ko.
" Tsk feel at home ahh!!" sabi ni Mr. Kenneth.
Yeah tama kayo si Sir Kenneth yung kumakatok.
"Sir!" sabi ko ng makita ko sya.
Pumasok sya sa loob at umupo sa isang couch.
"Where you from?" walang ganang tanong nito.
"I'm from DelyVille Village..." naibulalas ko kasi parang kakainin nya ako.
"Poor Girl tsk Let me tell you this! Tomorrow will be the start of your class! This is your uniforms and P.E's.. For tomorrow wear your uniform and also know your limitations.. Ayoko ng mabagal na tao kaya bilisan mo ang kilos kung ayaw mong iwan kita tss bukas..." sabi nya at lumabas ng kwartong gagamitin ko.
Napabuntong hininga ako.
Cute sya at Mukhang mabait naman pero bat ganun ang sungit nya. Ni hindi manlang ngumiti asar bat ganon yun??
Napangiwi ako ng makita ko yung uniform na susuotin ko.
Grabeng uniform ito parang kita na ang kaluluwa mo.
Perang di ko kering suotin gulay. Bakit may gantong uniform... Nakakahiyang suotin.
Nakakailang pwede bang pahabaan naman ng onti yung uniform sa P.E kasi wala akong problema. Sa uniform lang.
Tapos bukas na pasok wahh hindi ko nga alam kung anong mga subjects ko at kung anong room ko ihhhh.
Tumingin ako sa wall clock at 8:27 na ng gabi.
Gusto kong lumabas para makitawag ang kaso walang tindahan dito na pwedeng puntahan. Kundi puro mga bahay na matataas pangmayaman.
Napaupo nalang ako sa couch kung saan nakaupo kanina si Sir Kenneth.
Teka may tumutusok sa pwet ko.
Tumayo at may nakita akong singsing.
Ang ganda nya. Marahil kay sir Kenneth ito.
Ibibigay ko nalang bukas sa kanya. Sa ngayong kailangan ko ng matulog.
Zzzzzzzzzzz
(A/N: sana maayos nyong naintindihan yung chapter 5 hahaha! Excited ba kayong mabasa ang POV ni Mr. Kenneth? Hahahaha)
![](https://img.wattpad.com/cover/205637476-288-k358900.jpg)
BINABASA MO ANG
Fake Relationship Project
CasualeShe will Be the Most Lucky Girl who will have the Empire Son which is Kenneth Ethan Monteverde... Kakayanin nya kaya ang buhay ng kasama ang lalaking unang magpapatibok ng puso nya. Kaya nya bang tanggapin ang parusa at ang katotohanan na Hindi toto...