Izia's POV
Nasa kwarto ako at inaayos ang mga gamit ko sa kabinet.
Its been 1 week since nung tumira ako dito...
Magaling narin yung sugat ko dahil ginagamot naman ni Ate Samara yung sugat ko.
Sa pamamalagi ko dito still malamig parin ang pakikitungo ni Sir Kenneth.
Utos dito Utos duon. Hindi nya ako tinitignan kapag pumupunta ako ng office nya. Kapag naman nasa University kami hinahayaan nya lang ako. No clingy attachment. Sabay kaming pumasok at umuwi. Ganon lang ang routine.
Minsan naiinis na sa akin yung mga kaklase ko kung bakit nilalapitan ako ng mga Prinsipe. Kesyo witchcraft daw ako at malande.
Hindi ok sa akin yung ganun pero wala akong magagawa.
Mas ok na siguro yung gantong trato sa akin ni sir Kenneth kaysa magalit sya sa akin.
Kung tatanungin nyo kung nasan Yuhan lagi kong kasama kapag breaktime o kaya gumagala sa Campus.
Wala namang pakialam si Sir Kenneth.
Yeah nakikita kami ng mga student na magkasama pero ang alam nila katulong lang ako nito kaya kami magkasama.
Pero still may mga humors parin na kumakalat about sa akin.
Hindi lang kay Sir Kenneth kundi pati kay Yuhan.
Hindi ko nalang iniisip iyon.
Mas tinuon ko ang sarili ko sa pagaaral.Fast foward:
Sabado ngayon. Nasa office si Sir Kenneth dahil may inaasikaso ito para sa department nila.
Tinutulungan ko na si Ate Samara sa pagliligpit ng mga gamit at paglilinis ng malamasyon na bahay ni Sir Loudemir.
"Izia musta naman ang pagiging jowa ni Mr. Kenneth? Mahirap ba hahaha!" sabi nya habang naghuhugas ng plato habang ako nagmamap ng sahig.
"Ok naman medyo mahirap pero kailangang intindihin.." sagot ko nalang.
"Wow napakaswerte naman ni Sir Kenneth na magkaroon ng girlfriend na iintindi sa kanya at mabait pa!! Usually kasi yung mga ex-girlfriend nya wala masyadong ganap dito at suplada pa! Magaganda nga ugali naman ay ugaling kuhol!!" sabi nya tapos nagact na parang kuhol.
Natawa ako sa aksyon na ginawa ni Ate Samara.
"Palabiro karin pala Ate!" sabi ko sa kanya.
"Hahaha naman hahahah" sabi ni Ate kaya sabay na kaming tumatawa.
"Ehem" isang boses mula sa likod.
"Ay hello Sir Kenneth!" sabi ni Ate Samara.
"What are you doing here?" walang ganang tanong ni Sir Kenneth.
"Ahh Kenneth I'm just helping Ate Samara!" sabi ko sa kanya.
Hindi ko sya pwedeng tawaging sir kapag may taong nakatingin o may kasama kami dito sa mansion nila.
Hindi na sya nagsalita pa at dumiretso pabalik sa opisina nya sa taas.
Laging ganyan yan pagdating sa akin.
"Nagaway ba kayo ni Sir Izia?!" tanong ni Ate Samara habang sinasalansan ang mga plato.
"Medyo." sagot ko nalang ng hindi na sya magtanong ulit.
"Alam mo ganyan lang talaga yan si Sir Kenneth! Kumbaga daig pa babae!" sabi ni Ate Samara ng matapos sa pagsasalansan ng mga plato.
Tumingin ako sa wall clock 12 na ng tanghali.
"Izia alis muna ako ah bibili lang ako ng mga ingredients para sa tanghalian mamaya!" sabi Ate Samara bago lumabas.
Nang makaalis si Ate Samara sobrang tahimik na ng Mansion nila Sir Loudemir.
Nilibot ko ang mga mata ko kung may gagawin pa ang kaso wala na.
Kahit napakalaki ng bahay nila hindi naman ito naaalikabokan sobrang linis kung titignan.
Si Sir Loudemir at Kenneth lang ang nakatira dito bukod kayla Ate Samara, Ate Wendy at Kuya Nhil(Driver)
Paakyat na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.
Nakita ko si Sir Kenneth na nakapamulsa mula sa itaas.
Ayoko syang istorbohin dahil sigurado akong magagalit na naman sya.
Ng makaakyat na ako sa taas at kapantay ko na sya ay agad akong kumaliwa para hindi ko na sya makasalubong ang kaso hinawakan nya ako sa braso na sya namang kinabigla ko.
"Sir saan mo ako dadalhin sir?!" tanong ko habang naglalakad kami patungo kung saan.
Hindi sya nagsasalita tuloy lang sya sa paglakad habang hila hila ako.
Kinakabahan ako sa kinikilos ni Sir Kenneth..
Maya maya di ko namalayan na tumigil kami sa isang kwarto.
Binuksan nya iyon at hinila ako papasok.
Binitawan nya ako.
"Find my book..." walang gana nyang sabi sa akin.
Pagkatapos nun sinarado nya yung pinto.
Napakadilim halos walang liwanag.
Hindi ako gumagalaw dahil feeling ko lalamunin ako ng kung ano.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Pilit ko mang iwasan na ipikit ang mata ko feeling ko mawawala ako sa sarili ko.
Pilit kong binubuksan yung pinto pero still hindi parin binubuksan ni Sir. Kenneth.
Napahikbi ako. Ano ba ang nagawa kong mali para gantuhin ako ni Sir. Kenneth.
Gusto kong pigilan ang mga luhang tumutulo sa mata ko.
Nahihirapan narin akong makahinga sa sobrang dilim dito na halos wala akong makita.
Pls ilabas nyo ako dito.
Pilit kong inaabot ng doorknob para buksan ito ang kaso nawalan na ako ng malay.
Kenneth's POV
I smirk when I close the door.
Yes I lock her there.
Its because I don't have anything to do so I set her that makes me glad.
I hate her. She really reminds me that I can't choose another girl except her fuck. For pete's sake I don't love her.
I turn my head and go back to my office.
Don't blame me I know that she can out from there.
A/N:ANG SAMA OHHHH ANYARE NA KAY IZIA.
(I want to clear lang po na hindi po alam ni Mr. Kenneth na hinire ni Sir Loudimer si Izia bilang fake girlfriend nito... Kaya ang alam ni Kenneth ay pinipilit ng ama nya na mahalin nito ang babaeng ipinakilala sa kanya which is yun yung plano ni Mr. Loudimer...Sana naintindihan nyo)
BINABASA MO ANG
Fake Relationship Project
De TodoShe will Be the Most Lucky Girl who will have the Empire Son which is Kenneth Ethan Monteverde... Kakayanin nya kaya ang buhay ng kasama ang lalaking unang magpapatibok ng puso nya. Kaya nya bang tanggapin ang parusa at ang katotohanan na Hindi toto...