Sssh... I Saw What You Did

568 16 2
                                    

Noon isa lang akong ordinaryong tao na mahilig kumain at maglutas ng mga kaso sa Mystery File Case na laro. Makisali kay detective conan sa paghanap ng killer. Manood ng CSI at NCIS pero hindi ko inaasahan na isang araw, ako mismo ang maglulutas ng isang krimen na hindi nila pinapaniwalaan at ang katangi tangi lang na saksi ay isang baliw..

''Bakit pa ako sasama?'' Tanong ko sa kaibigan kong si Shaiya. Gusto niya kasi akong isama sa Grand Mansion na pagmamay-ari daw ng Tito niya. Pinapapunta daw sila dun ng Tito niya, para sa huling habilin nito dahil nararamdaman na daw nito na malapit na siyang kunin ng itaas.

Tsk.. tsk.. nararamdaman pala yon?

''Naomi Shanice, i need company there and beside wala ka namang gagawin kundi tumutok sa T.V o kaya sa laptop mo para manood ng Mystery movies o maglaro ng kahit ano may koneksyon sa mystery...'' Habang dumadada siya ginagaya ko pagsasalita niya. Saulado ko na nga ang mga sinasabi niya saken. Paulit ulit na lang kasi.

''Kaya nga---'' hindi ko na siya pinatapos magsalita, ako na ang nagpatuloy nito.

''Kaya nga nagtataka ako kung bakit Business Ad ang kinuha mo kung pang imbestigador naman ang gusto mo'' pagpapatuloy ko sa sinabi niya.

''Whatever Naomi'' sabi niya at inikutan ako ng mata. Taray!

''So ano sasama ka o hindi?'' Tanong nya sa napipikang tono.

Nagkibit balikat ako. ''May magagawa pa ba ako? Baka umiyak ka pa diyan pag di ako sumama, kelan ba yan?''

''Mamayang gabi na kaya.. See yah! Susunduin kita sa bahay niyo!'' Tumakbo na siya palayo, iniwan akong napanganga.

Grabe! Ang hirap talaga pag may demanding na kaibigan. Ang sarap lagyan ng lubid sa leeg at isabit sa puno.

Napailing na lang ako. Ano pang magagawa ko kundi ang umuwi at mag ayos. Dalawang araw lang naman yon.

''Handa ka na ba?'' Agad na tanong saken ni Shaiya ng pumunta ng bahay namin.

Tiningnan ko ang sarili ko. Mula sa sapatos hanggang sa ayos ng buhok. ''Sa tingin mo?''

''Handang handa ka na! Di nga halatang excited ka! Anlaki ng bag mo o! Mag aabroad ka?'' Nang aasar na tanong niya.

''Tsk! Kelangan ko ng mga pagkain! Ayokong magutom!'' Sabi ko sabay tapik sa bag kong punong puno ng pagkain.

''Tanga! Grand Mansion nga e! Syempre may mga pagkain dun!'' Hindi niya lang ako sinigawan! Binatukan pa!

Yong totoo? Ako ang humihingi ng pabor o siya?

''Mas tanga ka! Buti ka kamag anak! Ako hindi! Alangan namang kumuha lang ako ng kumuha ng pagkain! Ang kapal ko naman nun!''

Di siya nag iisip. Tsk!

''Pwede yon! Akong bahala sa'yo tsaka wala namang kumakain ng mga pagkain dun. Mga katulong lang at yong isa ko pang pinsan ang nakatira dun at hindi naman sila kasing takaw mo no!''

''So ano pinapalabas mo ha!?'' Naiinis na tanong ko. Hindi ko namang itinatangging matakaw ako pero di naman makapal ang mukha ko.

Konti lang. Hihihi

''Joke lang!'' Nginitian niya ako at nagpeace sign. Di naman yon uubra saken ''Di ka na mabiro Naomi! Halika na nga!'' Hinatak na niya ako patungo sa sasakyan nila.

Sa buong durasyon ng byahe namin na inabot lang naman ng isa at kalahating oras ang ginawa ko lang ay magconcert at kumain ng kumain ng kumain lang. Napagod nga ako ng sobra e. Nakakapgod pa lang ngumuya, ngayon ko lang nalaman.

''Tito bakit niyo po pala kami pinatawag?'' Tanong ni Shaiya. Nasa Grand Living Room na kami ng Grand Mansion ng Tito ni Shaiya.

Ang tinutukoy niyang kami ay hindi ako at siya, kundi yong ibang mga pinsan niya pang iba. At siya lang yata ang may bitbit na sabit.

First Attack - Know Your GenreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon