Paintings of Blood and Sorrow

194 11 7
                                    

"H'wag, h'wag, parang awa niyo na h'wag po-"

Walang anlinlangan niyang itinarak ang kutsilyo sa leeg ng lalaki, dahilan upang halos maging kulay rosas na ang kaniyang buong mukha. Nakuha pa niyang ngumiti, at mas lalo pang nilaliman ang pagkakatarak ng patalim sa leeg ng kawawang nilalang. Pumailanlang sa paligid ang kaniyang halakhak-isang tawa ng tagumpay sa pagdudusa ng nilalang na kaniyang pinaslang.

Hinugot na niya ang kaniyang patalim at umatras ng kaunti sa bangkay, at hinayaan itong matumba sa sahig na para bang isang manikang biglaang binitawan ng nagmamay-ari sa kaniya. Ngayon naman ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi, na tila ba nagpapakita ng kasiyahan sa kaniyang tinuturing na obra.

Tama. Isa itong obra maestra. Isang sining na tanging siya lamang ang makakagawa.

Matapos no'n ay lumakad na siya palayo sa kaniyang obra at kinapa ang earpiece sa kaliwa niyang tainga. "All cleared. Nothing to worry about, sir."

Isang baritonong boses ang sumagot sa kaniya. "Good."

Isinilid na niya ang kanyang pinakamamahal na sandata sa kaniyang leather jacket at tumungo sa kaniyang motorsiklo. Pinuyod muna niya ang kaniyang mahabang buhok, saka nagsuot ng helmet at humamrurot papaalis.

Nakakapit pa rin sa kaniya ang amoy ng kamatayan. Kahit kalian naman ay alam niyang hinding-hindi na ito maiaalis sa kaniya. Kumbaga, ito ang personal niyang pabango. Her signature scent. Miski ang mga sigaw ng lalaki kanina, habangbuhay nang nakasilid iyon sa kaniyang isipan. Memoryado niya kung gaano kataas ang tono nito, ang paghihirap sa boses nito. Lahat naman ng kaniyang napaslang ay hinding-hindi niya malilimutan. Sino nga naman ang makakalimot sa kaniyang mga obra? Ito ay mga mistulang buhay na larawan kung saan ang ginamit ay dugo at kutsilyo upang maisagawa ito.

Pero sa likod ng mga larawang kanyang ipininta, ay isang batang babaeng humuhiling lamang ng kasiyahan. Ng kalinga. Isang batang babaeng nawawala, ni hindi alam kung saan ba siya pupunta. Inside her was a fragile soul, one that may break into very fine pieces in just one little push. Inside was a girl wishing that she never, ever took lives of innocent people. But then it gave her pleasure, sated her need for the sake of having fun and at the same time, accomplishing something. And whenever she reaped another poor soul, it seems like her body's shivering with anticipation and it makes her high. But just like the other drugs, the effect lasts only a short time.

As she sped down the highway, she noticed bad-ass looking motorcycles like hers matching her speed, as if inviting her into some competition of sorts.

Idiots, she thought, and revved up her engine more.

Napailing na lang siya at tumungo sa kanilang bahay.

--

Nanatili lamang siyang nakatayo sa tapat ng kanilang tahanan, nakatitig sa pintuan nito. Bukas pa ang ilaw sa loob at nakikita pa niya ang anino ng kaniyang ina sa bintanang gawa sa salamin. Maliit lamang ang bahay, sapat lang para sa dalawang tao. Hindi siya umalis sa kanilalagyan niya, tulad ng mata niya sa pintuan ng bahay nila.

Paalis na sana siya noong marinig niyang malumanay at malamig na boses ng kaniyang ina, na para bang humahagod sa buong pagkatao noiya. Na para bang sinasabi sa kaniyang naroroon lamang siya, at di siya nag-iisa.

"Sana'y di magmaliw, ang dati kong araw..."

Hindi niya mapigilang lumingon sa bintana nila. Kitang-kita niya ang ina na hawak-hawak ang isang sanggol sa mga bisig nito. Nagawa pa nito na iugoy ng kaunti ang bata sa pamamagitan ng marahang paggalaw ng mga paa. Kahit nab a malayo siya sa kinaroroonan ng ina, ay alam niyang mahimbing na ang tulog ng batang karga nito.

First Attack - Know Your GenreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon