"Kill everyone. Make sure na walang matitirang buhay." Isa- isang kumilos ang mga tauhan niya ng marinig ang utos niya,.
Walang tigil na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Nagkalat ang mga bangkay ng mga di kilalang tao.
He walked upstairs to find what he needs. Dahan-dahan siyang pumasok sa isang silid at lumapit sa lamesang mayroong nagkalat na mga papeles. Isa-isa niyang kinuha ang mga iyon at pilit na hinanap ang bagay na kailangan niya.
"Fuck! Nasaan na iyon." Frustrated niyang tanong at saka binalingan ang isang maliit na cabinet na malapit sa kanya. Isa isa niyang binuksan iyon at halos itapon na niya ang mga laman noon ng hindi niya pa rin makita ang hinahanap niya.
"Boss, may bata." Nilingon niya ang kasamahan niya ng bigla itong magsalita. Nabungaran niya ang isang batang babae halos namumugto na ang mga mata, kakaiyak.
"Kill her." Malamig na utos niya..
"But Boss, she's just a----"
A loud gunshot echoed in the room. Binalingan niya ang tauhan niyang gulat na nakatigin sa bata na ngayon ay nakahandusay na sa sahig.
"Sa susunod na panghinaan ka nanaman ng loob na pumatay. Ako na mismo ang papatay sayo." Malamig niyang sabi at saka nilisan ang lugar.
***
"Death ano pang hinihintay mo? Kill that kid." napabalik akong muli sa aking sariling diwa ng marinig ko ang sigaw sa akin ni Cifer. Tinignan ko ang batang lalaking kaharap ko, na ngayon ay walang tigil na umiiyak.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga magulang niyang kapwa nakahandusay sa sahig at parehong wala ng buhay.
"Let him live." Ani ko at saka ibinaba ang baril na hawak ko.
"Ano? Are you out of your mind Death? Nakita tayo ng batang yan. Pwede niya tayong isumbong sa mga pulis." Hindi makapaniwalang sabi sa akin Cifer.
Muli kong itinaas ang hawak kong baril at saka itinutok mismo sa kanya.
"D-Death. Anong ibig sabihin nito?" kinakabahang tanong niya.
"Leave that kid alone. Hayaan mo siyang mabuhay. Nagawa na natin ang dapat nating gawin. Wala ang bata sa listahan. Pero kung talagang mapilit kang patayin ang bata." nilingon ko ang batang ngayon ay namumutla at nanginginig na sa takot. "Fine then. But in one condition." Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Cifer. "After we kill the kid. I will kill you also. What do you think? Magandang ideya hindi ba?" I asked him as my gun traces his head down to his chest.
Ramdam ko ang paninigas niya sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi ko. I smirked. "Mukhang nagkakaintindihan na tayo. Let's leave now. Siguradong parating na ang mga pulis." Ani ko sa kanya at saka tinahak ang daan palabas ng silid.
Bago kaming tuluyang makaalis ng lugar ay muli kong nilingon ang silid kung saan naming iniwanan ang batang lalaki. I sighed.
"Looks like someones life is ruined now. Just like mine, before."
***
"Deathrina!" I stopped on my track as someone called my name. Nilingon ko ang pangahas na iyon at nabungaran si Tander o mas kilala sa tawag na Satan.
"Ano nanamang kailangan mo Satander?" iritableng tanong ko. Agad ding kumunot ang noo niya ng marinig niya ang pangalang itinawag ko sa kanya.
"Sinabi ng wag akong tatawagin sa pangalawang iyon e! Ano ba naman Death!" Galit na bulyaw niya.
"Ikaw ang nauna. You call me Deathrina a while ago. I just gave you your own dose of medicine." Walang ganang sabi ko at saka ipinagpatuloy ang paglalakd.
