Bigote

338 12 2
                                    

December 22, 2013. 10:00PM

Napakaliwanag ng buwan na siyang tumatanglaw mula sa kalangitan. Napakaganda nitong tingnan. Wari ba'y magkapares talaga sila ng mabining hangin. Hangin na humahaplos sa kaibuturan ng puso ng kung sino man.

Ang buwan lang nakakasaksi sa kung ano mang milagrong nagaganap sa gabing madilim. Gaya ngayon, mula sa terasa. Isang babae ang wari'y nilalamig sa kilos nitong bahagyang nanginginig at yakap yakap ang sarili. Mula naman sa dilim isang pangahas na lalaki ang dahan-dahang lumapit rito.

Isang pangahas na gumambala sa pagbubulay ng babae. "Akin ka lang," anas ng lalaki sa babae. Napapapikit na lang ang babae nang simulan nitong kintalan ng mga maninipis na halik ang kanyang leeg. Ang bigote ng lalaki'y nagdudulot sa kanya ng kakaibang kiliti. Napangiti siya. Memoryadong memoryado na niya ang bawat parte ng lalaking yaon. From top to toe. From his mustache to his dick.

Alam na alam niya na rin kung ano ang pinakapaborito nito sa kanya, ang kanyang mga labi. Napapaliyad siya nang maramdaman ang pagsaklot ng lalaki sa kanyang mga dibdib. Dinadarang na naman siya ng mainit nitong mga palad. Ang paggiya nito sa kanyang ulo pababa, naghahatid lamang ng mensaheng gusto nitong makantot ang kanyang bibig.

Habang unti-unting pinapahiga ng lalaki ang babae sa terasang iyon, alipin na naman ito ng makamundong pagnanasa. Gaya nang dati, wala na naman ito sa katinuan. Ang nasa isip lamang ng lalaki ay mapuno ng mga timping halinghing ang terasang iyon.

Sa halip na ungol ay nabalot ng sigaw ang lugar na iyon. Sigaw na mula sa lalaki at babae. Sigaw ng pinaghalong galit at pagmamaka-awa. Galit mula sa babaeng walang tigil sa pagsaksak sa lalaking sumisigaw ng pagmamakaawa.

Nangingiti na lang ang babae. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, sa huling pagkakataon nasilayan niya ng maigi ang itsura ng lalaki. From top to toe without mustache and dick.

December 23, 2013. 8:30AM. Baranggay San Miguel, Consolacion.

Napapalibutan ng dilaw na tape ang parteng iyon ng Baranggay San Miguel.

Napapailing na muling tinakpan ni Officer Ramirez ang katawan ng kawawang alkalde. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan. Kabilang na doon,ay kung sino naman kaya ang may kagagawan noon? Ano ang motibo ng pagpatay? May kinalaman kaya ito sa politika?

"Paniguradong matindi ang galit ng taong gumawa nito sa alkalde," turan ng Forrensic Officer na nakatalaga. "Putol ang ari't tinapyas ang bigote,"

Iyon nga ang napansin niya. Wala na ang tatak ng alkalde-ang bigote nito. Napatango naman si officer Ramirez na inilabas ang maliit na notebook at isinulat ang impormasyon.

"Tingnan mo 'to sa tingin mo ba ang killer ang may kagagawan nito?" Ang tanong nito na inaabot ang isang transparent at sealed na cellophane kung saan naroon ang isang papel na namantsahan ng dugo. Bagamat may mantsa ay malinaw na mababasa ang mga letrang naka-sulat.

ZME ETZ ZME ZAT TEZ NZO NZT HEZ PRZ INZ CEZ SSZ LAZ IRZ.

ORZ ELZ SEZ THZ EZP RIZ NCZ ESZ SZD IEZ SZ.

Nangungunot ang kanyang mga noong nakatitig lang sa letra.

"Sa tingin mo makuhanan kaya natin ito ng lead?" untag sa kanya ng forensic officer. Agad namang lumipat ang paningin niya dito mula sa pagkakatungo sa papel.

"Sana,"sambit niya na muling inilabas ang maliit na notebook at kinopya ang mga letrang nakasulat sa papel. Pagkatapos niyon ay muli niyang binalik ang cellophane sa officer.

"Dadalhin niyo pa ito sa lab, hindi ba?"

Tumango naman ang officer at nagwikang, "Nawa'y may patutunguhan itong ating imbestigasyon, napakabait pa naman ng ating alakalde."

First Attack - Know Your GenreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon