Detective Daitu: The Lock Room Murder

282 13 4
                                    

Daitou POV

Click !

Flash !

Flash !

" Pangalan , Miranda Lotto : Edad , walumpu't siyam. Oras ng kamatayan , 12:13 a.m. " saad ni Detective Reizu.

" Sanhi ng kamatayan , isang direktang saksak mula sa puso ; Ginamit na pangpatay , isang kitchen knife. "

Dinig ko pang report ni Detective Reizu kay Inspector Castillo.

Kung aanalisain ang katawan ng bangkay ay masasabing nasa mahimbing itong pagtulog nang pinatay , maayos din ang higaan nito na nagsasabing walang lumapit rito bukod sa kaniya , wala ring natagpuang finger prints o foot prints sa kama , wala ring natagpuan bakas ng dugo sa iba pang bahagi nito bukod lamang sa dugong malapit sa katawan nito na galing sa dugong dumaloy mula sa dibdib ng biktima.Maayos din ang mga kagamitan nito walang mababakas na nagulo , ginulo o binago pero may dalawang bagay ang kumuha ng aking pansin , napansin ko kasing dalawa ang ataul na nakapatong sa maliit na lamesita sa gilid ng kama nito.Nasisigurado kong ang isa rito ay para sa abo ng kaniyang asawa , ngunit ang isa ? Kanino kaya ?

Ang matinding palaisipan ngayon sa akin ay kung paano siya napatay at pinatay gayong naka kandado ang lahat ng mga bintana at gayundin ang pinto.

Isa lang ang sigurado ko sa ngayon may kakaibang ginawang taktika ang salarin dito at iyon ang dapat kong alami---

" Detective Daitou. " biglang tawag sa akin ni Detective Reizu dahilan upang mapatigil ako sa aking pag iisip.

" Ano iyon ? "

" Klaro na, ayon sa kuha ng CCTV sa labas ng pinto nitong silid ay wala ng nakapasok o pumasok dito mula alas otso ng gabi hanggang kaninang alas siete ng umaga bago nila matuklasan ang pangyayari. Mabuti na lamang ay walang nagtangkang lumapit sa kanila sa biktima kanina , at isa pa .. . "

" Ano pa iyon ? "

" Sabi kasi ng panganay na anak ng biktima na si Mr Kesuke Lotto , ang pinto daw sa silid na ito ay espesyal. . . . "

Espesyal ?

" Dahil pagsapit ng alas nuebe nang gabi ay awtomatikong naglo-lock ang pintuan at sa alas sais na ito nang umaga muling nagbubukas.Ang sabi pa nito sa oras na mag sarado na ito ay walang kahit sinuman na ang maaaring makapagbukas pa nito maging ang biktima mismo.Tinanong ko kung bakit ganoon , ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin niya alam kung bakit iyon ang ipina-program ng kanilang ina. "

Mahabang pahayag nito.

Isa nga itong lock room murder case.

" Detective Reizu ! Detective Daitou ! Pinapatawag na po kayo sa ibaba ni Inspector para usisain ang mga maaaring salarin. " tawag sa amin ng isang officer.

" Sige susunod na kami. " sagot ni Detective Reizu.

Tinanguan ko muna si Detective Reizu bago kami tuluyang bumaba.

Sa sala.

Naka upo sa isang mahabang sofa ang mga taon rito sa mansion. Iyon ay sina Mr. Kesuke Lotto, Limampu't walong taong gulang , panganay na anak at isang matagumpay na Bussinessman ngunit sa ngayon ay nasa bingit na ng pagka lugi ang kompanya nito.Ang katabi naman nito ay ang bunsong anak ng biktima , ang kapatid nitong si Ms. Asona Lotto , tatlumpu't anim na taong gulang , hanggang ngayon ay dalaga pa , may itinayo rin itong sariling painting shop, napag alaman ko ring naaksidente ito dati at na operahan ang kaliwang paa.Katabi naman nito ay ang kanilang katulong na si Mrs. Damona Cruz, dalawampu't siyam na taong gulang, may kalakihan rin ang pangangatawan nito. Ang sumunod naman sa kaniya ay ang bagong tagapag alaga ng biktima na si Ms.Angelic Santos , dalawampu't dalawang taong gulang. Katabi naman nito ay ang dalawang guwardiya dito na sina Mr. Razi Quinto , limampu't walong taong gulang at si Mr. Allan Sandiego , tatlumpu't isang taong gulang.

First Attack - Know Your GenreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon