Ang buhay ay puno ng supresa. Ngayon ikaw ang sikat at matalino sa inyong eskwela kinabukasan ikaw na ang most wanted sa inyong lugar. Mapaglaro ang tadhana kaya kung ako sa iyo maghahanda ako ng plan B. Hindi yung tipong pumalpak ang una mong plano tapos wala ka nang gagawin kundi magmukmok na lang sa isang tabi. Dapat matuto kang bumangon at muling harapin ang pagsubok sa buhay.
Parang ganito ang nangyari sa akin. Just a snap nagbago ang buhay ko at hindi ko napaghandaan ang mga sumunod na pangyayari. Iniisip ko kasi na fix na ang aking future kung baga planado na ang lahat. After highschool papasok ako sa first class universities dahil scholar naman ako and after that tatanggapin ko na ang pwestong naghihintay sa akin sa kumpanya ni daddy.
Ang ganda na ng kinabukasan ko pero lahat ng ito ay nawala dahil sa isang panaginip. Nasa labas ako ng bahay at nakita ko ang isang bata na pamilyar sa akin ang mukha dahil lagi ko siyang nakakasalubong tuwing umuuwi ako. Pinapatalbog niya ang hawak niyang bola at kitang-kita ko sa kanyang mukha na siya'y masaya hanggang sa mapalakas ang talbog ng bola. Tumalbog ito papunta sa kalsada. Hinabol ng bata ang bola at inasahan ko na ang susunod na mangyayari pero hindi ko siya nabalaan. Dumating ang isang bumubulusok na sasakyan at nasagasaan ang bata.
Nagising ako na basang-basa ng pawis. Parang totoo lahat ng iyon dahil naramdaman ko lahat ng pangyayari. Hindi na ako nakatulog ng gabing iyon kakaisip sa masama kong panaginip.
Kinabukasan, kahit walang tulog, bumangon ako sa kama para maghanda sa pagpasok sa eskwela. Finals pa naman ngayon, sana hindi ako antukin dahil kung bumagsak ako baka mawala ako sa listahan for valedictorian. That's why two cups of coffee ang ininom ko.
"Ang dami mo namang ininom na kape hindi kaya nerbyusin ka niyan," sabi sa akin ni mommy habang chinecheck niya ang kanyang FB sa tablet.
"Finals po namin ngayon kaya bawal ang antukin," sagot ko sa kanya.
"Osiya, good luck sa exam," sabi ni mommy habang nakapokus sa kanyang tablet.
Ganito kami sa bahay, walang family bonding. Late na kasi sila umuuwi ni daddy galing trabaho kaya sandali lang kami nagkikita. Wala silang pasok ngayon, ito sana ang araw kung kailan kami pwedeng magbonding kaso ako naman ngayon ang hindi available dahil nga may final exam pa ako.
Paalis na ako nang biglang may sumagi sa paningin ko. Parang may naglakad papasok sa kwarto ko. Dahil curious, pumasok ako sa kwarto at nakita ko ang isang matandang babae na nakatalikod sa akin.
"Excuse me, ano pong ginagawa nyo sa kwarto ko?" tanong ko sa matanda.
Hindi niya ako sinagot at parang hindi pa niya ako narinig. Inisip ko agad kung paano siya nakapasok sa bahay baka naman bisita siya ni mommy. Hindi rin nawala ang posibilidad na multo siya pero hindi ako naniniwala sa multo kaya hindi ako natatakot na lapitan siya.
"Bisita po ba kayo ni mommy?"
Sa wakas humarap na siya sa akin pero napaatras ako nang makilala ko siya. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ngayon ang aking pumanaw na lola.
"Nasa panganib ang buhay mo apo," kaboses din niya si lola kaya lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Lumabas agad ako ng kwarto. Sa kamamadali ko nabangga ko si mommy.
"Oh Claire, akala ko pumasok ka na," sabi niya sa akin.
"Mom, ssi lo-lola nnasa ku-kwar-to koo."
"Ano ba relax ka lang diyan, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."
"SI LOLA nasa kwarto ko!"
Nanlaki ang mata mommy sa sinabi ko. "Hindi magandang biro 'yan Claire."
