Maingay ang pangalang Victoria Constanuevas sa buong paaralan, hindi ko nga alam kung bakit siya at bakit ba andami raming estudyante ang pinaguusapan siya. Napansin ko rin na maraming mga mata ang nakasubaybay sa bawat galaw ko. Aaminin ko, marami akong alam sa kanya, kilalang-kilala ko siya mula ulo hanggang pa. Marami rin siyang nakuhang parangal para sa paaralan pero kaunti lamang ang nakakakilala sa kanya. Ako nga pala si Naomi Noreen, isang Marketing Management student. Habang bumibili ako ng pagkain, matunog ang pangalang iyon, hindi ko ba alam pero nabwi-bwisit na ko. Hindi naman sa insecure ako o bitter ako sa kanya, hindi rin kasi kaaya-aya yung mga naririnig ko tungkol sa kanya.
"Si Victoria, siya yung babae diba?" Bulong ng nasa likuran ko. Pagkatapos malagyan ng ulam ang plate ko, dumiretso na ko sa sulok ng cafeteria. Oo, tama kayo, dead kid ako sa klase. Iisa lang ang kaibigan ko at ito ay si Victoria Constanuevas. Nagulat na lang ako ng biglang may lumapit sa aking babae na may nakasukbit na camera sa kanyang leeg. Inialay niya ang kanyang kamay pero tinitigan ko lang siya.
Sitti:"Ako nga pala si Sitti, I'm from the Journalism club." Pagpapakilala niya sa sarili pero dinedma ko lang siya. Ngumiti siya bilang tugon at umupo sa aking harapan. Napatigil ako sa pagkain ng bigla niyang binanggit ang isang pangalan.
Sitti:"Victoria, Victoria Constanuevas, hindi ba't matalik mo siyang kaibigan?" Tanong niya sa akin. Nawalan na ko ng gana dahil sa kanya, sinukbit ko na ang tali ng bag sa aking balikat at tumayo, akmang aalis na sa upuan. Sinabayan niya ang aking pagtayo at sinubukang pigilan ako.
Sitti:"S-S-Sandali, may kaunti lang akong itatanong sayo." Wika niya pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Dumiretso akong banyo para manalamin at magbanyo na rin. Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa cr, sumalubong sa akin ang isang malamig na simoy na hangin. Nakarinig rin ako ng boses pero hindi ko na lang ito pinansin, baka kasi galing lang ito sa labas. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng banyo at napansing walang katao-tao sa loob ng banyo. Dumiretso na ko sa pangatlong cubicle at umihi, patapos na sana ko ng biglang bumukas ang pintuan. Napahawak ako ng mahigpit sa palda ko at tila tinitignan ko lamang ang tubig sa sahig. Sinusubukang tignan ang repleksyon ng pumasok na babae, pero wala. Wala kong nakitang repleksyon. Hindi na ko nagsalita at inayos ko na lang ang suot kong damit. Dahan-dahan kong binuksan ang cubicle at nagulat sa aking nakita. Isang babaeng nakauniporme ang nakatayo sa harap ng salamin at umiiyak. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil natatago ito sa mahaba niyang buhok. Mabilis akong tumakbo palabas ng banyo at nakasalubong ko naman si Sitti.
:"K-Kilala mo ba kung sino yung pumasok sa banyo?" Nanginginig kong tanong sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
Sitti:"Ha? Wala pang pumapasok diyan, kanina pa nga kita hinihintay dito sa labas eh." Tugon niya. Napahawak ako sa aking dibdib at malalim na lumunok. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa aking bag at nagpaalam.
:"A-A-Ahh? Ganun ba? Sige, mauna na ko. May klase pa kasi ako, baka malate na ko." Paalam ko sa kanya pero hinawakan niya ang aking braso para mapigilan ako.
Sitti:"Huwag mo na kong iwasan, alam kong tapos na klase mo kanina pa." Wika niya na ikinagulat ko. Paano niya nalaman na kanina pa tapos ang klase ko? Anong mayroon sa babaeng ito na gusto niyang malaman sa akin? Hindi kaya't gusto niyang malaman kung anong mayroon sa amin ni Vic-. Ahh basta, wala! Wala akong ibibigay na impormasyon sa kanya.
Naomi:"May pupuntahan pa ko, sige Sitti, mauna na ko." Pangalawang beses na paalam ko sa kanya. Sumakay na ko ng jeep papuntang Marikina kung saan ako nakatira, walang tayo sa jeep bukod sa driver at isang babaeng kaschoolmate ko sa harap. Alam kong kaschool mate ko siya dahil nakilala ko yung uniporme niya. Dahan-dahan akong lumapit sa driver at iniabot ang bayad ko. Nang maiabot ko na ito, bumalik na ko kung saan ako nakaupo kanina, sa bandang dulo kung saan malapit sa labasan ng jeep. Kinuha ko ang earphones ko at ipinasak sa dalawa kong tenga. Nakashuffle ito para iba-iba ang uri ng musika ang aknig mapakinggan. Sa gitna ng pakikinig, nagulat siya ng kusang lumipat ang kanya kahit na hindi niya pa ito inililipat. Nagplay ang isang pamilyar na kanta sa kanya.
