Prologue :
Sa buhay may mga tao na hindi mo alam na maaring magpahamak sayo. Maaring kakilala mo o di kaya'y pinagmamsadan kalang ng hindi mo nalalaman.Papayag kabang gambalain ka nila?
Ika nga, mag-ingat sa mga taong hindi mo pa lubos na kilala.Dahil baka magsisi ka pa.
CHAPTER 1: The Unknown
*vbrrrt*vbrrrt*vbrrrt*
"Aish ano ba yun"
Well, alam ko naman talaga kung ano yun. Ang celphone ko. Malamang si Geline yun. Ang kaibigan kong aswang na ang aga- aga nambubulabog sa mga natutulog.
Agad kong kinapkap ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Pagbukas ko ng cellphone ko ay 11:30 na pala. Napabawi tuloy ako sa sinabi ko kanina.
A/N: "S" means siya at "A" ay ako.
2 Messages Recieved
From: Uknown
S: Hi
"Hi daw? Sino naman to?"
Ah, baka nan t-trip lang.
A: Sino to? San mo nakuha number ko?
Yun ang itinanong ko dahil wala naman akong matandaan na binigyan ko ng number ko.
S: I'm Jude, binigay kase tong number mo ng kaibigan mong si Geline *smiley emoticon*
S: Pwede bang makipag kaibigan sayo?
A: No. Hindi kita kilala at ayokong ring makilala ka pa kaya pwede bang burahin mo nalang ang number ko? Sinasayang mo lang kase ang oras ko at lalong nagsasayang kalang ng oras mo sa'ken. Okay?
Alam kong malaman ang sinabi ko pero sinabi ko lang naman yun para tumigil na siya agad. At ang kaibigan ko ang lagot sa'ken mamaya.
__________________________________________________________________________________
Ako si Denise, 23 at walang boyfriend. Hindi naman sa panget ako, kundi bitter,mataray at wala lang talaga akong pakealam sa mga lalake. Nakatira lang ako sa isang condo na niregalo sa'ken ng mga magulang ko. Kahit kailan ay ayokong makipagkilala ng kahit kanino kaya ganun-ganun ko nalang putulin ang balak ng Jude daw na yun. Marami na ngang ipinakilala ang kaibigan ko sa'ken pero lahat sila sumuko.
Haisst. Maliligo na nga lang muna ako. Tanghali narin talaga ako nagising.
Pagkatapos kong maligo kumain na ako. Habang kumakain ako napansin ko ang cellphone ko na malapit nang mahulog sa couch dahil sa pag v-vibrate nito. Sa couch ko lang kase iniwan kanina habang naliligo ako. Tinitingnan ko ito pero patuloy parin ang pag urong nito kaya di'ko na natiis at kinuha ito.
5 Messages Recieved
From: Unknown
S: Ang sungit. *pout emoticon*
S: Makikipagkaibigan lang naman po.
S: Sige na.
S: Please?
S: Andyan ka pa ba?
Nakaramdam ako ng inis sa pinagsasabi niya.
"Aba, ang kulit nga naman ng lolo nito. Ano bang naka--"
*tok*tok*tok*
Napatigilako sa pagsasalita nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Denise? May I come in?"
Babae ang boses nito at napagtanto kong si Geline ito. Tumayo naman ako at binuksan ang pinto.
"Hi Denise? Kumusta kana? May kasama kaba? Narinig kase kitang nagsalita kanina eh."
