"Hey, Goodmorning Pretty. Where have you been? Ang aga mo atang nagising."
Hansel asked me. NakaJersey short lang ito at nakasandong puti.
"Isn't it obvious? *sigh* Nagjogging po kaya ako. Tss. Ang laki ng Village na to kaya di ko na inikot at baka mawala pa ako. Hahahaha"
Sarcastic kong sabi at tawa.
Lumapit naman sya saakin dito sa kinatatayuan ko sa may pinto.
"Ang init ng ulo mo, may problema ba? Kahapon pa mainit ang ulo mo ah? Simula ng nanggaling ka sa Car Racing Village ni Suzy."
Tanong nya sa concern na boses.
"*sigh* I'm sorry."
Sabi ko sa mababang boses.
Ginulo nya naman buhok ko sabay hawak nya sa wrist ko at hinatak ako papunta sa kitchen.
"Pauwi na ang Lolo't Lola mo, kaya Smile naman dyan. Tumawag sila saakin kanina kaya napaaga ang gising ko. Sabi ng Lola ipasyal daw mo na kita. Kaya I decided to woke up early and prepare myself para makaalis din tayo ng maaga, may pupuntahan tayo."
He said while toasting bread at kinuha nya sa Hanging Cabinet sa taas ng sink ang Nutella.
"A..Ahh, okey!"
Nasabi ko nalang.
Pagkatapos nyang itoast yung bread ay naglagay na syang Nutella sa toast bread at ipinatong sa dalawang small plate. Kumuha sya ng dalawang Cup at naglagay ng mainit na tubig at nagtimpla ng kape sa isang cup at sa isang cup naman ay nagtimpla sya ng gatas at iyon ang binigay saakin.
"Eat."
Utos nya saakin. Tiningnan ko naman sya ng masama.
"Aso lang?"
Sabi ko sabay kain ng sandwich ko. Tss. Pasalamat tong lalaki'ng to at mahal ko to eh. Para ko na tong kapatid.
"Pagtapos kana kumain maligo kana ah? At magsuot ka na komportable'ng damit. Okey?"
Sabi nya sabay gulo ng buhok ko. Nagpout naman ako.
"Oo na po."
Sagot ko sakanya sabay nguso ulit. Inubos ko na yung niready nyang almusal ko at tiningnan ko naman sya na kumuha ng bowl at kumuha nanaman ng cereal sa Hanging cabinet at nilagyan ng mainit na gatas.
"Ang takaw mo naman. Akala ko ako lang yung matakaw, ikaw din pala."
Biro ko sakanya. I heard him chuckle. Hahaha, Ang cute naman ni Hansel pag nagch-chuckle. I gigled.
"Maliligo na ko. Maligo ka na rin Hansel baby."
Sabi ko at natawa dahil namula ito sa sinabi ko. Iiling-iling nalang ako habang binabagtas ang daan paakyat sa kwarto ko.
Natapos na ko ng lahat-lahat, di pa rin bumababa si Hansel. Haaay! Daig nya pa ang babae. Datirati ako tong inaantay nya at ako tong matagal nyang inaantay at ngayon ako na ang nag-aantay sakanya? Yung totoo? Tss. Kinuha ko yung Cellphone ko sa Pouch bag ko at nagsimula ng tawagan ang Celphone ni Hansel. Tatawa-tawa sya ng sinagot nya ito. .
"Hey, Inip kakaagad. Ito na ko oh. Pababa na ng hagdan."
Sabi nya. Di ko na sya sinagot at ibinaba ko na ang Celphone ko.
"What took you so long?!"
Iritang tanong ko sakanya.
At padabog na tumayo ako sa kinauupuan ko. I heard him chuckle.
