"Bakit may gas-gas tong Jaguar Sport's car ko?!"
Sigaw ni Hansel sa labas ng mansyon. Namutla naman ako.
Paktay! Nahalata nya pala yung gas-gas ng Jaguar SC nya. Tumakbo naman ako palabas ng mansyon.
"At saka bakit may yupi ito?!"
Sigaw nya ulit. Nakalapit na pala ito sa may gas-gas at yuping parte ng sasakyan nya. Hinawakan nya yung gas-gas at yupi ng sasakyan nya. Kinabahan naman ako.
Gosh!! Bakit may yupi yun? Akala ko gas-gas lang? Napuruhan ko pala.
Tumingin si Hansel saakin.
"Hala! Di ko alam yan. B-baka nung nag park ka? Hmm, B-baka naman di mo napansin na nabangga ka? Hmm, Oh di K-kaya na hmm, *sabi ko habang nag-iisip ng mga possibleng nangyari sa Jaguar SC nya* na.. na.. may.. may nakabangga nyan?"
Sabi ko ng di nagpapahalata. Paktay talaga ako nito. Nako! Saree po Papa God, nagsinungaling ako sa taong to. Ang dami ko na po atang kasalanan. Pwd pakilista mo na po? Hehe, magbabayad naman po ako. Promise!
Tumayo ito ng tuwid at nagpagpag ng kamay nya at bumuntong hininga.
"*sigh* siguro nga. Tara na sa loob. Kumain na tayo kasi isasama pa kita sa bahay ng Kaibigan ko. Naimbitahan nya kasi ko na pumunta sakanila at may unting salo-salo daw sakanila. Anak yun ng may-ari ng Chaceford Academy."
Sabi nya sabay lakad papunta sa direksyon ko.
HoooohH! Thankz God. Promise aamin din po ako mamaya. Pag di na mainit yung ulo nya. He-he-he. ^__^v
--
Nakapasok na kami sa Velvet Village. This is it! Bago kami bumaba ng KIA SC ni Hansel. Aaminin ko ng ako ang nakagas-gas ng Jaguar SC nya. Aigoo! I'm sure, Mapapatay ako nito. Hindi literal pero sa tingin. Huhuhu TT^TT
Nakapark na kami sa tapat ng napaka-gandang bahay. Nakakamangha, pero yung isip ko parang lumilipad. HUHUHU, tinanggal na ni Hansel yung seatbelt nya. Napatingin ito sa direksyon ko kasi di ako gumagalaw. Tinanggal na nito ang pagkaka-lock ng seatbelt ko at binuksan ang pinto sa banda nya.
"Let's go?"
Yaya nya saakin.
Lumabas na sya at sumunod naman ako. Nakatingin sya saakin at nagtataka siguro dahil di ako umiimik. Huhuhu TT^TT Mamaya ko na nga lang sasabihin pagkatapos ng Kunting salo-salo na to. Aigoo! Di ko naman kasi kilala yung taong pinuntahan namin dito sa Velvet Village. Tss.
"Ang tahimik mo?"
Tanong nya saakin. At di ko napansin na nakalapit na pala sya saakin.
"A..Ahh, w..wala. He-he-he. Nahihiya lang ako? Yea. Tama nahihiya lang ako. He-he"
Sabi ko sabay tingin sa baba.
Inakbayan nya naman ako.
"At bakit ka naman nahihiya?"
Sabi nya sabay lakad, kaya napa-lakad na rin ako gawa ng pagkakaakbay nya.
"Ah..Eh.. K..kasi di ako invited? Oo! Tama! Di ako invited kaya ganun nga, Nahihiya ako."
Sabi ko. Natawa naman sya.
"Hahaha, Ikaw talaga. Alam kong hindi ka Gate Crasher. Hahaha, Invited tayo dito. Ano kaba! Kasi invited ako kaya invited ka rin."
Sabi nya sabay kurot ng isa kung pisnge habang nakaakbay pa rin sya saakin. Nagpout naman ako. (-.-) Kainis naman to oh! Batukan ko kaya to? Tss.
"Oo na lang"