Hansel P.O.V
"Hansel, ikaw na bahalang magdala kay Zoe sa lugar kong saan naroon ang Surprise natin sakanya. Ok?"
Kausap ko ngayon si tita Liza ang mommy ni Zoe. Kanina pa kami gising at naka-ayos dahil excited kami para sa Surpresa namin kay Zoe.
"Yes po tita, don't worry. Ako,magdadala sakanya doon."
Sabi ko at tumayo na rin para gisingin si Zoe.
"Sige Hansel, mauuna na kami dun para icheck kung maayos na."
sabi ni tita at lumabas na. Kanina pa kasi lumabas si Tito Emman at hinihintay na si tita Liza para makaalis na sila.
Umakyat na rin ako sa taas para gisingin ang tulog mantika na si Zoe. Pagkatapat ko sa pinto nya ay kumatok ako ng tatlo'ng beses at binuksan ang pinto ng kwarto nya.
*Click*
(Sound effect pagbukas ng pintuan. HahahaXD)
Nakita ko si Zoe nabalut nabalot pa rin ng comforter at tulog na tulog pa rin. Napailing nalang ako.
Haaaay! Kahit natauhan na ko na hindi si Zoe ang gusto kong makasama pang habang-buhay ay di pa rin ako magkakamaling ibigin sya. Kahit tulog sya napakaganda nya pa rin. Maamo ang mukha, maninipis ang mapupulang labi, matangos na ilong, sexy na katawan, makinis na balat, at maputing kutis. Kaya talaga walang lalaki'ng di mahuhumaling sakanya. Pero ngayon talaga nasa ibang babae na ang puso ko.
SureGurado na ko sa nararamdaman na si Suzy ang mahal ko, minahal ko, at minamahal ko. Nabulag lang ako noon na akala ko itong natutulog na anghel ang mahal ko. Mahal ko lang pala sya bilang nakababatang kapatid, kaibigan at pinsan.
Lumapit ako sa aircon at pinatay ito at naglakad nanaman ako papunta sa kama ni Zoe.
Tingnan mo nga naman. Kaya ko ata napagkamalan na mahal ko si Zoe dahil kong babanggitin mo ito parang Suzy pakinggan. Hahaha
"Zoe, wake-up."
Sabi ko habang inaalis ang kahiblang buhok nya na nakatakip sa mukha nya.
"Hmmmm..."
Sagot nya at tumalikod saakin.
Natawa ako ng mahina. Namiss ko tuloy sya ng sobra. Halos dati-rati noong mga bata pa kami, palagi kaming magkasama ni Zoe, magkatabi sa pagtulog, magkasama sa paaralan, magkaklase, magkatabi sa upuan, at magkasabay pumasok at umuwi. Para na nga kaming magkapatid dahil sa palagi kaming magkasama, hindi na kami napaghihiwalay noon dahil hindi sanay si Zoe na wala ako. Matatakutin sya. Sa pagkaka-alam ko na trauma sya dahil sa aksidenteng nangyari sakanya.
"Zoe, gising na. Aalis tayo.,May pupuntahan tayo. Dali na!"
Sabi ko at niyugyog ang balikat nya.
"WaaaaaahH!"
Sigaw nya at napabalikwas sya.
"Nasaan ang magnanakaw?! Nasaan?!"
Sigaw nya na parang naghihisterical na. Napailing nalang ako at ginulo ang buhok nya.
"Walang magnanakaw! Wag kang exxag Pretty. Tumayo kana dyan at maligo na! Aalis tayo."
Sabi ko at tumayo na ko
"EehH! Hansel naman ehH! Kala ko may magnanakaw na. Puyat pa kaya ko! Nakakainis kasi si SeHun!"
Sabi nya na parang wala sa sarili.
"SeHun?"
Sabi ko na nagtataka. Natuptop nya naman ang bibig nya at bumulong pa.
"Paktay!"
