Zoe P.O.V
Nasa loob ako ng isang sikat at mamahaling Cafe.
Inaantay ko si DongHyun Oppa, Nitext nya kasi ko kanina na magkita kami dito sa FruitCake Cafe. Hindi pa naman ako masyadong nagtatagal sa loob ng Fruitcake Cafe ay may nagtakip na ng mata ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at para akong nakuryente sanhi ng pagkakadikit ng balat nya sa balat ko.
Hindi si DH Oppa ang makikipagkita saakin. Malinaw na si YM ang nagplano nito.
Naramdaman ko na lumapit si YM saakin hanggang sa naramdaman ko na ang mainit nyang hininga sa left ear ko.
"I miss you."
Sabi nya. Dahilan para lumundag lalo ang puso ko sa Saya, Excitement, at galak na makita at mahawakan sya. One week na ang nakalipas simula ng magtampo ako sakanya at pagselosan si Lime na Leading lady nya sa movie'ng ginagawa nila. Alam kong wala pa naman akong karapatan pagselosan sya kasi wala pang Kami ni YM. Pero napagdesisyonan ko ng Handa na ulit akong pumasok sa isang relasyon at magmahal muli ng tapat.
"YM."
Sabi ko sa masayang tono.
Inalis nya na ang dalawa nyang kamay sa pagkakatakip sa mga mata ko at umupo naman sya sa harap ko.
"Kumusta?"
Tanong nya saakin at hinawakan ang left hand ko.
Natawa naman ako.
"Kahapon magkasama palang tayo ah, Ang bilis mo naman makamiss."
Sabi ko na kinakantyawan sya. Namula naman sya.
"Ahh.. Eh.."
Sabi nya sabay kamot sa batok nya.
"Gutom kana?"
Pag-iiba nya ng topic. Natawa naman ako at umiling.
"Hindi pa."
Sabi ko ng nakangiti.
"Oorder lang ako ng Strawberry cake at ng favorite natin!"
Sabi nya at nag wink pa bago tumayo. Natawa naman ako sa inasal nya. Sa loob ng 1week ay palagi na syang sweet saakin at pinagkakasya nya ang schedule nya sa isang araw na kasama ako. Wala syang ibang inisip kundi ako.
Bumalik naman sya dala ang isang tray na may lamang 1Chocolate cake para sakanya at 1Strawberry cake para saakin at 1 malaking strawberry milk shake with dalawang straw pa. Ganito na ang naging kaugalian namin ni YM kada magkikita kami. Palagi namin binibili yung mga gusto namin. Kumakain ng sabay at nagkakatuwaan kahit kaming dalawa lang ang magkasama.
"Masarap?"
Sabi nya. Tumango naman ako. At sumubo ulit ng cake. Napansin kong nakatingin lang sya saakin at di ginagalaw yung cake nya.
"Bakit?"
Tanong ko. Umiling naman sya at ngumiti.
"Sige kain kalang."
Sabi nya na nakatingin pa rin saakin. Ang weird nya. Sumubo ulit ako at parang may matigas akong nakagat.
