Vera P.O.V
Aish! Kaasar talaga si Kuya! Di nakikinig saakin. Sarap sapakin!
Kanina ko pa sinusundan si Kuya kung saan pupunta at nakakatuwa nga naman. Makikipagkita sya kay Zoe Akala ko ba may boyfriend yan? Nako! Iba talaga paghabolin. Magands kasi talaga sya at mukang may ibang lahi. Tss!
Habang sa pagmamasid ko sakanila sa labas ng Yellow Cab ay may tanga namang nakatapon ng inumin sa damit ko sa tagiliran ko sa may Right side.
"What the f***!"
Bulyaw ko sa tangang tao at hinarap ko ang tangang tao nakatapon ng Malamig na soda sa damit ko.
"Sorr..."
Di ko na sya pinatapos magsalita ng makilala ko na si..
"Canna?"
Sabi ko sakanya.
"Vera?"
Sabi nya rin ng patanong.
"Oww the Ugly duck is back. So how's your vacation kung saan mang impyerno ka ng galing?"
Sabi ko sa mataray na boses at tinaasan ko sya ng kilay.
"Ah.. A..ayos naman."
Sabi nya sa nauutal na boses. Tss. What a weak girl?
"So, feel na feel mo talaga ang pagiging anak ng Daddy ko? Ganun? Feel na feel mong gastusin ang pera ng daddy ko na para naman talaga saamin ganun?"
Sabi ko sa mapang-insultong boses at mataray na boses. Nanlaki naman yung mata nya.
"OhMy! No! Pinagtrabahuhan ko yung pera Vera. Hindi ako humihinge sa Daddy mo. Saka kung may pera man ako galing sakanya ay kusa nya yung binigay saakin "
Sabi nya na parang iiyak na.
"Really? Hahaha"
Sarcastic kong sabi at tawa sakanya
"Talaga lang huh? Di ka naman magiging sikat at makakarating sa taas at magiging Performer kong hindi sa tulong ng Daddy at kuya ko! Inampon kalang kaya wala kang karapatang sagot-sagutin ako!"
Sigaw ko na nanggigigil sakanya
"Di ka naman makikilala sa U.S. Vera kong hindi din naman sa Lola mong Fashion Designer! At di pa sya nagreretiro sa posisyon nya kaya hindi kapa ang may-ari ng VERA WANG PRINCESS Botique!"
Sigaw nya saakin na nakapagpainit lalo ng ulo ko. Kaya naman yung isa pang Soda na hawak nya na sigurado akong puno pa ay kinuha ko at ibinuhos ko sa ulo nya.
"F*** you ka Canna!"
Sabi ko na nakangiti sakanya at titig na titig sa mukha nyang paa habang dahan-dahang ibinubuhos ko sa ulo nya ang Soda. Nakatitig naman sya saakin at parang naiiyak na yung mukha nya at sa tingin ko nanlalabo na rin ang paningin nya dahil sa nagtutubig na rin ang dalawa nyang mata. Natatawa ako sa nakikita ko. Masaya ako sa tuwing magkakasalubong kami ng pangit na to dahil napaparamdam at pinapakita ko sakanya ang nararamdaman kong galit at pagkamuhi sakanya. At natutuwa akong gawing miserable ang buhay nya. XD
"OhMy! What are you doing to her?!"
Sampal sa kamay ko ni Shannon. Nabigla ako dahil di ko inaasahan na nasa tabi na namin pala sya. At kahit di ko pa sya nakikita ay kilala ko na ang malanding boses nya.
"OhMy! Isusumbong kita sa Kuya mo!"
Bulyaw nya saakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Really? Gusto mo samahan pa kita? And how dare you slap my hand? Puro germs ang kamay mo! Baka mahawa ako sa kalandian mo!"
Sabi ko kay shannon while punas ng kamay ko na tinapik ni junkfood ng kamay nya gamit ang tissue na nasa soda na hawak ko kanina na nahulog na sa semento dahil sa pag sampal ng Junkfood na to sa kamay ko.
"Demenyo ka talaga!"
Sigaw nya saakin.
"Really? You should respect me Kiddo! Hahaha, ang bata mo pa para sagot-sagutin ako!"
Sabi ko sakanya sabay duro-duro ng kamay ko sa mukha nyang junkfood!
"I'm not a kid here! Ikaw nga tong isip bata eh!"
Sabi nya sabay flipped ng hair nya. Aba! Hilahin ko kaya yang buhok nya na maraming pesteng alaga! Nakakaloka! Ke-bata-bata ang landi na!
"Really? Oh well.."
Sabi ko at nahagip ng mata ko si kuya at si Zoe palabas ng Yellow cab. Oh My Gee!!
"Mauuna na ko sainyo! I don't want to waste my silver time here! Dealing with your Ugly duckling face and Ugly junkfood face! Eww!"
Sabi ko sa mataray na boses at tinalikuran na sila sabay flipped ng beautiful hair ko. Tss. Narinig ko naman na napatili si Nova na nanggigigil. Hahaha *EvilLaugh* tawang tagumpay!
---
Zoe P.O.V
Palabas na kami ng Yellow cab ni SeHun ng my humablot sa kamay ko. Nagulat ako at tinitigan maigi yung kamay na may syang hawak sa kamay ko. Napakahigpit ng pagkakahawak nya na parang may gustong iparating. Napataas naman ang tingin ko sa mukha ng taong humablot sa kamay ko. At maging si SeHun ay napahinto sa paglalakad. Nasa likod ko kasi sya.
"YM?"
Gulat kong tawag sakanya na nakatingin sa mga mata nya. Kilalang-kilala ko ang mga matang yan na pagmamay-ari ng taong mahal ko. Titig na titig rin sya sa mga mata ko. At parang nakikita ko sa mga mata nya ay tila pagkatampo, pagkalito, pagkalungkot, at pagkagalit. Ewan ko kong tama ba ang nakikita kong expression ng mga mata nya.
"Anong ginagawa mo dito? Miss na miss na kita!"
Sabi ko sa masayang boses at niyakap sya.
Niyakap ko sya ng pagkahigpit-higpit.
"ImissyousoomuchYM!"
Mabilis na sabi ko sakanya at hinalikan sya sa pisnge at humiwalay na ko sa pagkakayakap sakanya.
"Ehem!"
Narinig kong tumikhim sa likuran ko si SeHun. At muntik ko ng makalimutan na kasama ko pala sya.
"YM si Hun-nie pala. Kaibigan ko. Pupunta na sana kami ng Boutique kasi gusto nya magpadesign at tahi ng gagamitin nyang formal suit para sa upcoming Boy group tour nila sa Europe."
Sabi ko kay YM sa napaka-excited na tono.
"Hello men!"
Bati ni SeHun sakanya na nakangiti.
"Hello Dude!"
Bati rin ni YM sakanya at nakipag shake-hands.
Ang tagal nilang magshake-hands at parang nagpapasukatan sila ng tingin.
"Ahh.. Ehh. Pwede bang umalis na tayo? Pinagtitinginan na tayo ng tao oh. Tsaka baka makilala kayo!"
Sabi ko na nakangiti ng alanganin kasi naiilang ako sakanila. Parang gusto nilang magpatayan sa way ng mga titig nila sa isa't-isa.
"Ok. No, problem my girl."
Atlast! Nagsalita na rin si YM my loves ko.
"Ok. Let's go boss?"
Sabi ko sakanya at tumingin kay sehun.
"Follow us."
Sabi ko at ikinawit ang dalawa kong kamay sa braso ni YM. At lumabas na sa yellowcab. Buti at nakapang-disguise silang dalawa kong hindi paktay!
--
UD! UD! XD