"Señorita Zoe. May naghahanap pong Lalaki sayo sa baba."
Sabi ng katulong namin.
"Sige yaya. Susunod nalang po ako."
Sabi ko sa katulong at lumabas naman na sya sa kwarto ko. Pagkayuko ng pagkayuko nya saakin.
Tumingin ulit ako sa salamin at maayos na ako para sa Date namin ni YM. Pagkatapos kong tingnan sa salamin yung sarili ko ay sumunod na ko sa Baba.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang isang familiar na lakaki. Akala ko si YM na. Hindi pala.
"Ah.. H..Hi!"
Bati nito saakin.
"Hi."
Bati ko ng nakangiti.
"Anong kelangan mo?"
Tanong ko sakanya.
"Di mo ko naaalala?"
Tanong nya saakin. Kumunot naman ang noo ko.
"I guess, Hindi nga. Hi Empress I'm No, Minwoo. Bestfriend of Youngmin-shi."
Sabi nya sabay extend ng kamay nya saakin para makipagshake-hands. Tinanggap ko naman ito at pilit inaalala kong saan ko sya nakita at ng mag sink-in na sa utak ko.
"Oww! YaahH! No, Minwoo! The Maknae of Blue Prince."
Sabi ko ng tatango-tango.
"Ahh.. Ano palang kelangan mo? Bakit ka pumunta dito?"
Tanong ko sakanya. Kumamot naman to batok nya.
"Ahh! Pinadala kasi ko ni Youngmin dito. Para sabihin na di matutuloy yung Date nyo."
Sabi nya.
Nalungkot naman ako sa sinabi ni Minwoo. Parang nanghina ang tuhod ko.
"Ahh.. Ehh.. Ga..ganun ba? Dapat pala tu..tumawag nalang sya saakin. Naabala kapa ata."
Sabi ko kay minwoo na pilit pinapasigla ang boses ko.
"Nakoo! It's ok. Wala naman akong ginagawa sa bahay ko."
Sabi nya sabay tingin saakin taas baba.
"Ang ganda mo pala kapag nakaayos. Sayang naman ang ayos mo. Gusto mo bang Ipasyal nalang kita?"
Pagyayaya nya saakin.
"Ahh.. Nasaan ba si YM?"
Tanong ko ng wala sa sarili.
malumanay naman tong sumagot.
"May pipirmahan kasi syang Contract. Kinuha sya sa isang palabas na pagbibidahan nya. Nakoo! Wag mo ng isipin si Youngmin. Alam kong babawi naman yun."
Sabi nya na para paliwanagin ang mukha ko.
"Saan mo naman ako ipapasyal?"
Tanong ko sakanya. Kasi tama naman sya. Sayang yung ayos ko. Sayang na sayang!
"Hmm, sa park! Kung saan kami palaging nagtatambay ng Blue Prince."
Sabi nya sa masayang boses.
"Gusto mo ba may iba pa tayong kasama para di ka mailang?"
Tanong nya. Natawa naman ako sa sinabi nya. Hindi naman ako maiilang sakanya. Kay YM siguro Oo.