Zoe P.O.V
"Ang aga mo naman. Saan ka pupunta?"
Tanong ko kay Hansel. Tiningnan nya naman ako ng seriouso.
"Tumawag si Tita Liza. Kinukumusta ka. At inuutusan akong lakarin lahat ng kakailanganin para sa..."
Di na nya tinuloy yung sasabihin nya na parang nabigla sya at tumawa.
"Ahh... wala-wala. Hahaha, Sige na aalis na ko. Ingat ka dito sa bahay! Atsaka gusto ko makilala yung Boyfriend mo!"
Sabi nya at sumeryoso ng banggitin nya ang katagang Boyfriend. WaaaahH! Bakit nya nalaman na may boyfriend na ko? Hindi pa naman ako ready para sabihin sakanila. Alam kong sasabihin ni Hansel yun kila Daddy at Mommy. Nako naman kukulitin nanaman ako ng mga yun!
"Ahh.. Ehh.. B..boyfriend?"
Sabi ko ng nauutal. Tumango naman sya at nilapitan ako.
"Yea! Boyfriend mo. Tumawag sya kagabi sa Telepono. Kaso tulog kana kaya sabi ko tumawag nalang sya pag-gising kana."
Sabi nya at hinalikan ako sa noo.
"Pakilala mo sya saakin pag hindi na ako busy ah. Wag basta-basta magtiwala ok? Mag-iingat ka."
Sabi nya at ginulo ang buhok ko.
"Yes Daddy Hansel."
Sabi ko at tumawa. Tumawa rin sya.
"Hahaha, Baliw! Sige na aalis na ko. Tawagan mo ko pag may kelangan ka ah?"
Sabi nya at naglakad na palabas ng bahay.
"Yes Hansel Baby!"
Sigaw ko sakanya at narinig ko naman syang tumawa.
Maloko talaga si Hansel. HahahaXD--
YM's P.O.V
(First P.O.V ko ito kaya walang eepal! HAHAHA)
Ang boring ng araw ko kapag wala si Empress. Gusto ko palagi ko syang kasama at kausap. Gusto ko palagi ko syang nakaka-usap. Ewan ko ba kung bakit simula palang na magtagpo ulit kami sa Bar ng pinsan ko ay parang may Connect na kami sa isa't-isa. Parang matagal ko na syang kilala. Oo alam kong matagal ko na syang kilala pero may iba. Atsaka may naaalala ako sakanya. Oo since High School Crush ko na sya kahit na magkaiba kami ng School. Pero iba na ngayon ang nararamdaman ko. Ibang-iba sa nararamdaman ko dati sakanya. Dati Attracted lang ako sa Simple'ng kagandahan nya pero ngayon, ibang-iba na. Sakanya lang ako nagkaganito kahit noong High School kami. Palagi syang dinadala ni Suzy sa bahay nila at palagi rin akong natambay kila Suzy pero hindi ako nagpapakita sakanya. Siguro dahil na rin sa hiya. Palagi kong tinatanong kay Suzy kong Kumusta na si Empress? Anong ginagawa ni Empress? Tatambay ba ulit dito si Empress? Gusto ko rin mapalapit kay Empress. Mabait ba si Empress? Saan ba nakatira si Empress? Marami akong katanungan kay Suzy noon about kay Empress. Pero ni-deadma lang ako. Sabi nya alamin ko daw mag-isa. Wag daw yung tanong ng tanong sakanya. Kaya simula noon naging Stalker, I mean admirer na ako ni Empress. Napakasaya ko noon tuwing sinusundan ko sya. May mga gusto akong bagay at pagkain na magkapareha kami ni Empress kaya naman mas lalo akong nagkainterest sakanya. Even, convincing my mom na ilipat ako sa pinapasukan nila ay ginawa ko pero di sila pumayag dahil na rin sa kambal ko. Kaya tiniis ko nalang na hindi makita si Empress tuwing busy na kami sa school. 1st year to 4th year High School ay inaalam ko lahat tungkol sakanya. Magpapakilala na sana ako sakanya pagkatapos ng Graduation noon. Pero huli na. Nabalitaan ko kay Suzy na bumalik na sya ng England at kalat pa sa school nila noon na may Boyfriend sya at kaya sya bumalik ng England ay dahil sa pag-iwan ng boyfriend nya noon sakanya. Di ako naniwa sa Rumors na yun at inisip kong matatanggal at lilipas din ang pagkaka-gusto ko sakanya noon. So, pagdating kong College ibinuhos ko lang sa pag-aaral yung Oras ko. At I decided na mag-training ulit sa JYP. Marami ng nangyari saakin kaya tinatagan ko ang loob ko. Sumuko na ko noon sa pag-aakalang wala na talaga. Kasi lahat nalang ng gusto ko ay iniiwan ako. Katulad nalang noong bata pa ako. May Babae akong kaibigan, JYP Trainee rin sya ang tawag sakanya ay Liz. Iniwan rin ako. Simula ng magkaroon kami ng Outing sa Tagaytay ay di ko na sya nakita at wala na rin akong balita sakanya. Haaayy! Ang dami ko ng nakwekwento sainyo uyy! Pero Move-on na! Kasi sa kabila ng pag-iwan saakin ni Liz noong mga bata pa kami ay nakilala ko naman noong High School si Empress at kahit umalis sya ay bumalik naman sya, kahit di nya dati alam na nag-eexist ako atleast ngayon alam na alam nya na.
Napaka-gandang regalo naman to ni Lord saakin. Ang makilala at maging Girlfriend si Empress. Napaka-swerte ko at napasaakin sya. At wala na kong balak pang pakawalan si Empress. Dahil ramdam kong sya na ang Forever ko! ^__- *Smile&Wink*
"Haaaay! I want to see my Girl."
Sabi ko at nag-unat ng kamay at paa ko ng naka-upo.
Nang may biglang nambatok saakin..
"Aww!"
Sabi ko while rubbing my head.
"Bakit mo naman ako binatukan, DongHyun Hyung?"
Sabi ko ng nakasimangot.
Tumabi naman sya sa pagkakaupo ko sa couch.
"Tss. Nagsasalita ka kasi mag-isa."
Sabi nya sabay kain ng Sliced apple na dala nya na nakalagay sa bowl.
"Sorry naman Dong Hyung, I miss my Girl na eh. Anong magagawa ko? Eh sobrang tinamaan ako kay Empress."
Sabi ko sabay kuha ng remote ng T.V. sa tapat kong lamesa at lipat ng Channel.
"That's Life! Kelangan mainlove at kelangan maramdaman at maexperience ang salitang Love."
Sabi nya sabay tayo. Parang may pinanghuhugutan si Domg Hyung ah. Tiningnan ko naman sya at nakatingin rin pala sya saakin.
"Sige na. Magready kana at magdate kayo ng Girlfriend mo. Bago kapa kainin ng Boredamn mo!"
Sabi nya sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti naman ako ng malapad.
"Sure ka?"
Tanong ko with sparkling eyes. Tumango naman sya at naglakad na papuntang kusina. Tss. Kukuha nanaman yun ng Apple.
Pero ayos lang kasi makikita ko nanaman ulit si Empress. Nagdaan na kasi ang One week simula ng maging kami at naging busy na ko at sya naman nakakadalaw pa rin diti sa Apartment ng Blue Prince. Minsan nga iniisip ko na kung sana di ko nalang pinirmahan ang kontrata eh di sana marami kaming oras ni Empress na magkasama, diba? Ang laking sayang ng mga araw ko na hindi ko sya nakikita at nakakasama at nakakausao na rin. Hehehe
Eh sa Mahal ko yun eh! Hahaha.
Dali-dali akong naligo at nagpagwapo. Napag-isipan kong tumambay sakanila para din makasama at mabantayan ko naman ang Girlfriend ko. Mahal ko kasi yun. Sobraaa!
*******
After 123456789 years ay natapos na ko maligo at magpagwapo so I decided na umalis na at puntahan si Empress sa mansyon nila. I will give her a surprise visit. ;)
SsshHh! Hahaha.
--
BadbutGoodPrincess:
Annyeong! ;">
Kaway-kaway mga Blue Prince & Blue Princesses! Hahaha.
Umulan man bumagyo ayos lang!
Kumusta kayo? ^__-
Ako irr. I'm fine. Hehehe
*****
