Haaaay. Nakakapagod!
Kanina ko pa nililibot ang buong mall. Pagod na pagod na ko. Niisa wala pa akong nabibili. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakita kong 11:50 na. Kaya pala kaninang 9:00am ay kabubukas palang ng mall at magtatatlong oras na ko kakalibot ng Mall. Napadaan ako sa isa sa mga kainan ng mall na ang pangalan ay "Mang Inasal" Nakita ko palang ang pangalan ay nakakatakam at pinoy na pinoy!Lumapit ako sa Cashier at nag-order ng isang Spicy paa na nalalagay ay unli rice?! Wow! Makakatipid ako nito. Tamang-tama! Gutom na gutom ako kanina pa. Bago ako umalis ng bahay ay Chinese Spicy Noodles lang ang kinain ko kaya naman gutom na gutom ako. Naupo na ko at inantay ang order ko.
Habang inaantay ko ang Order ko ay bigla nalang..
"Hi miss? Can I seat beside you?"
Tiningnan ko naman ang buong paligid at nakita ko na madaming tao pala ang kumakain sa Fast food Chain kaya naman tiningnan ko yung lalaki na gustong makitabi saakin at nginitian ko naman.
"Sure!"
Sabi ko ng nakangiti sakanya. Nag smile naman sya at nagbow.
Tinitigan ko naman sya kasi.... Parang familiar sya saakin. Parang nagkita na kami pero di ko lang matandaan kong saan. Napatingin sya sa direksyon ko kaya naman ipinilig ko sa ibang direksyon yung mukha ko para di nya makitang tinititigan ko sya.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sa wakas ang order ko. Kagaya rin sakanya dumating na rin ang order ng katabi ko.
Kumain na ko at di ko nalang pinansin ang katabi ko kasi nararamdaman ko namang kumakain na rin sya. Gusto ko ng matapos kumain kasi iba yung na fe-feel ko dito sa katabi ko eh. Parang may something strange kaya parang mauubusan ako ng hininga pag katabi ko tong lalaking to. Minadali ko ang pagkain na in-order ko. Masarap sya. Gawang pinoy! Pero kahit ituon ko ang pansin ko sa pagkain ko parang nakatitig saakin tong katabi ko! Sh*t lang! Mamaya Kidnapper o Holdaper to. Pero impossible naman dahil nasa loob kami ng mall.
"Why are you keep on murmuring?"
Tanong ng katabi kong lalaki. What the?? Yung mga iniisip ko? Lumalabas na pala sa bibig ko?
"You keep on talking to yourself? Huh? Hahaha, If I'm not mistaken you're Empress Farleigh, Am I right?"
He asked me. Sh*t lang. Parang gusto kong murahin tong lalaking katabi ko. Bakit ba ko kinakabahan? Bakit ba mabilis yung tibok ng Puso ko? Bakit di naman ako nakakaramdam ng takot? Pero bakit ako kinakabahan? Sino ba to?
"Oww! You think that I'm a Kidnapper and Holdaper huh? Hahaha, This handsome face? Hahaha, You've got to be kidding."
Tumingin naman ako sa direksyon nya. Whaaat?! Eh, mayabang pala to eh! Sapakin ko kaya to! Handsome face his ass. Tiningnan ko naman sya ng masama.
"Whaaat??"
He asked me with a Smirk. Konti nalang Masasapak ko na to. ^___~
"Excuse me Mister! Why are you keep on talking to me? We're not close either! Tss. And my mom told me that, "Don't talk to strangers." So, back-off Dude!"
Sabi ko sabay flipped ng hair ko at tayo.
"If you don't mind, I'm going! Nawalan na kong ganang kumain."
Sabi ko sa mataray at galit na boses.
Nagsimula na kong maglakad at naririnig ko pa rin ang malakas na tawa nya! ArgghH! That pathetic jerk! Gutom pa ko! Di ko tuloy naubus yung Kinakain ko! Ang sarap-sarap pa naman.
Naglalakad na ko para bilhan ng Damit si Hansel. Tama! Bibilhan ko nalang ng Business Attire si Hansel. Total Fashion designer naman ako kaya bibilhan ko ng mga pang-Business Attire si Hansel na babagay sakanya.