Empress P.O.V
"Ma'am may bisita po kayo sa baba."
Sabi ni Yaya saakin habang nag-aayos. Kakatapos ko palang kasi maligo at alam kong ang aga ko talagang mag-ayos dahil maagang umalis at nagpaalam saakin si Hansel. Busy daw kasi sya.
"Sige yaya. Susunod na po ako sa baba."
Sabi ko at tumayo na.
***
Pagbaba ko agad kong nakita si YM na nakaupo sa sala at may dalang Isang box ata ng Cake kasi halata naman sa tatak. Red Ribbon at may dala pang tatlong paper bag.
"Goodmorning!"
Bati ko ng nakangiti sakanya.
"Hi, Goodmorning Empress."
Sabi nya at tumayo.
"Upo ka lang."
Sabi ko at lumapit sakanya.
"Ano yang mga dala mo?"
Tanong ko sakanya.
Napakamot naman sya sa batok nya.
"Ah.. Eh.. Para sayo yan."
Sabi nya na nahihiya.
"Chocolate cake. Tsaka, Couple shirt yung nasa isang paper bag."
Sabi nya at yumuko sya. Nakatayo pa rin ako sa harapan nya. Medyo malayo-layo nga lang dahil sa mesa'ng nakaharang.
"Couple shirt?"
Tanong ko na nagtataka. Bakit nya ko binigyan ng cake at couple shirt? Di naman namin Anniversary?
"Ahh.. Oo couple shirt. Gusto ko suotin mo sa Fan signing naming Blue Prince. Susuotin ko rin yung akin."
Sabi nya na nakangiti. Parang may bumundol na takot sa dibdib ko ng sinabi nya yun.
Gosh! Paano kapag nahalata ng mga Fans nya? Binalita nga lang kagabi na nakita sya ng ilang Fans nya na may kasamang babae. At may pinadala pang maraming larawan sa News. At ibinalita na nakunan ng picture si YM kasama ang di kilalang babae na kasama nya sa EK. Na nakikipaghabulan at bigla syang binalikan ng babae na hinahabol nya at hawak kamay silang tumakbo palayo sa fans. Sabi sa balita kagabi. Ang dami naming litrato na ipinalabas sa T.V. Maging dyaryo, magazine, at Social Networking site.
At napakaraming katungan sakanya kong sino ang babaeng kasama nya."S..susuotin ko sa Fan signing nyo?"
Tanong ko ng may pag-aalinlangan.
"Umm-umm!"
Sabi nya ng nakangiti habang tuma-tango.
Wala naman sanang problema saakin yun kaso sa mga Fans nya. Napakalaking problema! Pati na rin sa Career nya. Alam kong maaapektuhan.
Ngumiti lang ako ng pilit.
"Umm!"
Sabi ko at tumango.
Yumuko naman sya at parang may inaabot sa ilalim ng mesa sa bahay. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong ginagawa mo?"
Tanong ko na nakakunot noo. Nagtataka lang ako kung anong ginagawa at inaabot nya sa ilalim ng mesa namin sa sala.
"Saglit.. Ito oh!"
Sabi nya at tumayo iniabot nya saakin ang isang bouquet na rosas na pula. Napaka-ganda. Ang pupula ng mga bulaklak.
"T..thankyou."
