Empress P.O.V
1 week has passed...
Naging busy lalo si YM sa career nya. Natapos nga nya yung ginagawa nilang movie may nagbigay nanaman sakanya ng Contract at sya nanaman ang magiging Leading man sa palabas na yun at katambal nanaman nya si Lime.
Naging busy man sya ay hindi pa rin naging hadlang yun dahil kapag break time nila ay nagkakachat kami at nagkaka-usap sa Celphone. Minsan nalang din kami magkita dahil hindi pa rin sya nagpapa-interview sa issue'ng nakasangkutan nya dahil saakin. Laganap pa rin sa internet, dyaryo, magazine's, Radio station, ang tungkol sa mystery girl ni YM. At kahit di pa nga nakikilala ng publiko ang babaeng yun "which means ay ako!" ay marami na kaagad akong Bashers at Haters. Dahil gusto nila si Lime ang maging Girlfriend ni YM dahil sila ang palaging magkatambal sa mga Palabas at magkatambal sa mga projects na ibibigay ng MoonStar Entertainment. Nakoo! Nakoo! Kahit nasasaktan ako hindi ko,nalang pinapahalata kay YM maging sa Blue Prince. Kung tutuusin palagi ko ngang nakakasama si Donghyun Oppa kesa kay YM. Ewan ko ba kong bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sakanya. Siguro dahil para ko na syang Kuya. Dahil sa marami itong naibibigay na mga advice saakin.
Haaaayy! Si Hansel naman ayun wala ng time saakin. Palagi na syang busy! I don't know why? Pero halata naman na ayaw nya saaking sabihin ang business na pinagkakaabalahan nya. Wala na nga syang time na kamustahin ako. T.T
Haaay! Bakit ba napaka-busy ng mga tao ngayon?
*Riiiiiiing*
Nagulat ako ng biglang tumunog ang Celphone ko na nakapatong sa mesa. Nandito kasi ko sa Starbucks at makikipagmeet kay Suzy.
"Hello?"
Sagot ko sa kabilang linya.
"Hello? Zoe!"
Bati ni Suzy saakin.
"Oh! Nasan kana ba? Ang tagal mo naman."
Sabi ko na nakasimangot. Ang ayaw ko kasi talaga sa lahat ay yung pinag-aantay ako.
"Nakoo Zoe, I can't make it. Sorry talaga ha? May meeting kasi kami dito sa JYP Entertainment. May pipirmahan nanaman akong Contract. Nako. Nakalimutan ko kasing sabihin sayo kagabi. Sorry talaga."
Sincere nyang paghingi ng tawad. Napabuntong hininga nalang ako at nalungkot sa sinabi nya.
"Yea! Sure. It's ok. Don't worry. Hmm. Basta next time ah? Miss na kasi kita."
Sabi ko sa malungkot na boses. Sa nkalipas na isang linggo ay palagi na kaming my communication ni Suzy sa tulong ni YM at sa loob ng isang linggo na yun palagi nalang nya akong iniindyan.
Haaayy! Buhay nga naman. Akala ko magkikita na kami ni Suzy. I miss her.
"Nako. Salamat Zoe. Pasensya na talaga ah? Promise babawi ako next time. Bye. Iloveyou GBF just take care. Bye!"
Sabi nya then she hunged-up the call.
"Bye"
Sabi ko nalang ng mahina.
Nako! Ang boring nito sa bahay! Saan ba ako pwedeng tumambay? Yung di ako maboboring. Hmmm...
Sabi ko sa isip ko.
Patayo na sana ako ng..
Nagulat nalang ako ng may nagpatong may tumayo sa harapan ng kinauupuan ko sa loob ng Starbucks at may ipinatong pa itong Mainit na Coffee sa harap ko.
"How are you Lizoe?"
Sabi ng lalaki'ng nakatayo sa harap ko (isang tao lang ang nagnigay saakin ng nickname ng Lizoe na yan!) ng iangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang naglagay ng Coffee sa harap ko at ang nagtanong saakib ay..
