YM's P.O.V
Kanina pa ako di mapakali sa loob ng Sports car ko. Naka park kasi ko sa tapat ng bahay or should I say mansyon ni Empress dahil sa laki ng gate at bahay nito. Di ko kasi malaman kong magdo-door bell ba ako o hindi? Tatawagan ko ba sya para sabihin na nasa labas ako o hindi? AaargHh! Nakakainis. Bakit ba para akong kinakabahan na teenager na makikipagkita sa ultimate crush ko? Eh sa katunayan kami na nga eh! Nako naman bakit ata ngayon pa ko na torpe kong saka kami na? Eh dati-rati kinukulit ko pa sya at blina-blackmail para,makipag-date saakin. Aigoo!
Napalabas na ko ng Sports Car ko at pumunta na sa may gate sa tapat ng Door bell at nag door bell. *Malamang kasi nga Door bell diba? Tss.*
Sa pangdalawang ulit ko ng pagpindot ng doorbell ay binuksan ito ng Security Guard.
"Yes sir? Ano pong kelangan nila?"
Tanong ng SG at tiningnan ako taas baba.
"WoooaAahH! Jo, Youngmin ng Blue Prince? "
Sigaw ng SG na hindi makapaniwala. At nagtata-tatalon at may kinuhang papel at ballpen sa bulsa nya.
"Nakoo! Pa-autograph po ako Mr. Jo, Youngmin. Idol na Idol ko po ang Blue Prince. Katunayan marami na po akong album nyo sa bahay."
Sabi nya at inabot saakin ang hawak nyang papel at ballpen. Natawa naman ako sa reaction ng SG na to. Tiningnan ko naman sya at nginitian at pinirmahan yung papel na binigay nya saakin.
"Ito na ho Oh."
Sabi ko ng nakangiti at inabot yung papel at ballpen sakanya.
"Nakoo. Maraming salamat po. Alam nyo po ba Idol din kayo ng Dalawa kong anak na babae. Nakoo sir. Ikwe-kwento ko po ito sakanila na nakita ko na kayong personal. Nakoo Sir. Salamat po talaga."
Sabi ng SG saakin at yumu-yuko-yuko pa na animo'y sinasamba ako. Natawa naman ako.
"Maraming salamat ho sa pag-a-idolized saakin. At sana wag ho kayong magbago at paki-sabi na rin ho sa mga anak nyo. Salamat."
Sabi ko at hinawakan sya sa balikat gamit ang isa kong kamay at tinapik-tapik ito. Nginitian nya naman ako..
"Sir ano po palang kelangan nyo? Nawawala po ba kayo?"
Tanong nya saakin. Muntik ko ng makalimutan kaya pala ako nasa Blue magic Village ay para i-date si Empress.
"Ayy, Manong SG. Andyan po ba ang amo nyo?"
Tanong ko at tumingin sa loob ng gate dahil nakabukas kasi ito dahil napasugod saakin ng di oras si SG.
"Ayy, Sinong amo po? Yung matandang mag-asawa po ba? Nako wala po nasa bakasyon po. Oh si Sir Hansel po ba? Nako kanina pa po umalis. May aasikasuhin daw po kasi. O si ma'am Zoe po ba? Andyan po sya sa loob ng Mo-movie marathon lang po. Nakoo! Napakahilig talaga ni Ma'am Zoe manuod ng mga DVD mga Zombies. Katulad nalang ng Residence evil at The walking dead. Pero matatakutin naman si maam."
Sabi ni manong SG. Natawa naman ako sa kakulitan at kadaldalan nya. Kasi kalalaking tao at Security Guard pa ay di mo aakalaing ganito sya kasayahin.
"Hahaha, Yung huli nyo pong nabanggit na mahilig mag Movie marathon po ang hinahanap ko."
Sabi ko ng natatawa.
Lumaki naman yung mata nya.
"S...si ma'am Zoe po?"
Sabi nya na di makapaniwala.
"Opo manong SG sya nga po."
Sabi ko sa masayang boses at tumango-tango pa.
