Hansel P.O.V
Andito ako ngayon sa Number9 Club. Kanina pa ko kakainom simula ng ihatid ko sa Cherry Village sila Chan kasama na rin si Suzy. At di ko alam kong bakit ako nagkakaganito. Kaya ko tinawagan si Zoe kasi gusto kong maliwanagan ang nararamdaman ko para kay Zoe at kay Suzy. Gusto kong malaman kong ano nga ba talaga saakin si Zoe at si Suzy? Para na kong mababaliw sa sakit na nararamdaman ko. Parang mamatay ako tuwing nakikita ko si Suzy kasama si Chan. Parang gusto kong bawiin ang mga taon na nagdaam at ibalik sa dati na si Suzy ay magtatapat saakin at babaguhin ko ang sagot ko sakanya. Oo aaminin ko dati palang crush ko na si Suzy pero Mahal ko naman noon si Zoe. Magulo pa saakin ang lahat. Dahil akala ko noon gusto rin ako ni Zoe, kahit alam kong may SeHun na sya! Dahil sa tingin ko noon hindi sila magtatagal. Aaminin ko na alam kong aalis si SeHun noong 4thyear HighSchool kami. Alam kong pupunta sya ng Japan kasama ang Daddy nya para sa Career nya. Andun din si Chan sa Japan noon. Dahil doon kami sa Japan nagkakilalang tatlo ng nasa business tour pa kami ng parents ko. Si Chan at SeHun ang unang naging magkaibigan bago ako pumasok sa Friendship nila. At ngayon di ko inaasahan na magkakakilala sila ni Suzy at Chan. Ang liit naman ng Mundo? Peste!
Makalipas ang ilang oras dumating na rin si Zoe..
"Hansel? Anong nangyayari?"
Tanong nya saakin. Tiningnan ko sya at niyakap. Hindi bumilis ang tibok ng puso ko parang normal nalang ang lahat. Ngayon nalinawan na ko. Nabulag lang ako sa pag-aakalang mahal ko si Zoe pero ngayon. Malinaw na malinaw ng si Suzy ang mahal ko simula palang. Si Suzy na talaga. Nabulag lang ako sa nararamdaman ko dahil palagi kaming magkasama ni Zoe. Ngayon malinaw na talaga ang lahat. Mahal ko si Suzy!
"Hansel, are you ok? Why are you crying?"
Tanong ni Zoe while hugging me and rubbing my back. Kumalas ako sa pagkakayakap nya.
"Zoe, please help me."
Sabi ko at pinunasan ang mga mata ko.
"Why? Nabankrupt ba ang Company?"
Tanong nya, sinimangutan ko nga. Kinamot nya naman ang ulo nya.
"Malinaw na saakin ang lahat.."
Simula ko. Seriouso akong binibitawan lahat ng salita sa bibig ko. Nakatingin lang sya saakin na nagtataka.
"Zoe, Mahal ko si Suzy."
Sabi ko at humagalpak naman sya ng tawa.
"HAHAHAHAHAHAHAHA, HANSEL GRABI.. HAHAHAHA, SERIOUSLY? HAHAHAHA, YAN LANG ANG INIIYAK-IYAK MO DYAN? HAHAHAHAHA, MATAGAL KO NG ALAM YAN! HAHAHAHA, NASA INDENIAL STAGE KAPALANG ALAM KO NG MAY GUSTO KA KAY SUZY! HAHAHAHAHA"
Sabi nya habang tumatawa. Sinamaan ko nga ng tingin. Tumigil naman sya sa pagtawa at umubo-ubo pa.
"Tapos kana?"
Sabi ko ng seriouso.
"Kung tapos kana, Hala! Sige tumawa kapa!"
Nginitian nya naman ako.
"Congrats!"
Sabi nya na nakangiti.
