"Oh my God. That was a lame joke, Sir!" I laughed and tried to sound cool even the truth is my insides were churning.
All the while, his face is just serious kaya nawala ang pilit kong tawa at sumeryoso na din ang mukha ko.
"I'm serious here and that was not a joke" After he said that, I feel like throwing all the foods for compensation. He really looks so serious and all.
"Bakit?" Ang tanging lumabas sa bibig ko. Isa akong straightfrorward na tao at ayoko ng maraming pasakalye, lalo na at lalaki ang kausap ko.
He sighed. "Seriously, I really don't know" Halos mapatawa ako sa sagot nya. Ano 'to, trip trip lang at kapag sinakyan ko para ka ng nasa Cloud 9, Sir Cloud Marcus?
"Look. I appreciate you for reaching out on your students and being approachable, but being close to them is not really necessary. Now if you'll excuse me, I'm going home. Thanks again for the food and for being a gentleman. Goodnight Sir." He looked dumbfounded but I chose to turn my back on him. Hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil baka maloka nanaman ako.
I opened the gate of my house and as soon as I opened the main door, I slumped at the living room's king sized settee. "Ang laki laki ng lecheng pamamahay na 'to pero wala namang sumasalubong sakin kapag umuuwi ako." I muttered habang iginagala ang paningin sa buong kabahayan.
May isang malaki at magarang hagdan paakyat sa apat na kwarto. Mayroon ding maaliwalas at malawak na living room na may mga kasangkapang mamahaling mwebles at malalaking vase. This house also have a green house na ako na ang nagpatuloy sa pag aalaga. Ang buong bahay ay interior designed at ang mga kurtina ay yung mga tatlong layers na ipinapa arrange pa. Maaliwalas na kulay puti ang pintura ng mga pader pero pag akyat mo sa mga kwarto, naka personalize wall paint lahat ito.
Once, this is a HOME. Masaya kaming pamilya kahit nag iisa lang akong anak. Para akong prinsesa ng Papa ko. Hanggang ngayon ay dinig ko pa din ang mga hagikgik ni Mama kada uuwi si Papa at may dala sakanyang bulaklak.
Hanggang ngayon ay dinig ko pa din ang palitan nila ng matatamis na salita at yung mga kislap nila ng mata na nagbibigay tanda kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
"Sheng my little princess, nandito na ang Papa! May pasalubong ako sayong ice cream!" Tatakbo ako papalapit kay Papa at pupupugin sya ng halik sa pisngi even if I'm already thirteen years old.
"Dad, ako walang pasalubong?" Kunwari'y nagtatampong himig ni Mama sabay ilalabas naman ni Papa ang nakatagong bouquet ng Yellow Tulips na paborito nya. "Thanks Dad! I love you!" Mom will exclaimed, "I love you more!" Dad would answer with a kiss. We will hug him and that's a happy family picturesque.
Hindi ko namalayan ay sunud sunod na pala ang tumutulong luha mula sa mga mata ko. Kasi kahit gaano pa ako katapang, kapag mag isa nalang ako doon bumabalik ang lahat. Sa kabila ng mga masasayang ala ala, mas nanunuot sa sistema ko ang mga masasama.
Kung paano sila magmurahan, magbatuhan ng kung ano, magsumbatan, magsisihan at higit sa lahat, kung paano sila sumukong pareho na pati ako ay sinukuan nila. Iyon ang nanunuot sa sistema ko. The kind of pain that will keep you from restraining yourself from others. Not to trust easily cuz when there is trust, there's betrayal. And true to my words, that douchebag Mori betrayed me.