Chapter 29

74 2 0
                                    

    

     

                                     ***

   

Maingay na nung makarating kami ni Geff sa loob ng University’s Stadium, kumapit ako sa braso nya and he just smiled. Pareho kami ng mask na suot ni Geff kasi kasama din ito doon sa ibinigay nyang gown. Habang naglalakad kami papasok ay napapalingon ang mga tao samin, pawang mga naka gown, tux at mask din.

    

“Ano ba naman itong gown na bigay mo Geff! Hindi kaya magka pulmonia ako nito?” Napangiwi ako habang nararamdamang tumatama sa hubad kong likuran ang may kalamigang temperatura ng lugar dahil sa centralized airconditioner na nakabukas ngayon.

    

Nilingon ako ni Geff, he leaned closer para makasagot sakin ng maririnig ko sya dahil maingay na sa buong lugar. “Sorry, gusto mo ba ng jacket? Are you cold?” Nag aalala ang tono nya at umiling ako kaagad.

   

“Nope. Kaya ko naman tutal ilang oras lang naman ito.” Ngumisi ako at tumango sya. May biglang umakbay sakin mula sa gilid at pareho kaming nagulat ni Geff.

    

“Hi, Prinsesa! You look perfect!” Hinagod nya ng tingin ang kabuuan ko habang nakaakbay pa din. Kung hindi ko lang kilala ito, malamang ay nabigyan ko na sya ng isang suntok sa mukha.

   

He’s Kino with his red mask pairing his red tux. Napangiwi si Geff at kaagad namang tinanggal ni Kino iyong kamay nyang nakapulupot sa balikat ko.

   

“Nasaan yung iba Kino?” Tanong ni Geff habang nagpapalinga linga sa buong paligid. Iginala ko din ang paningin ko. Nagbabakasakaling mamataan ang dalawa kong kaibigang si Yana at Bianx na hindi man lang nagtext sakin para iinform kung anong kulay ng mask at gown nila.

   

Obviously ay hindi kami magkakakilanlan dahil sa mga maskara. Baka ako pa, makilala nila dahil ako lang naman ang bukod tanging may kulay ash blonde na buhok at ang trademark kong high boots na suot. Walang magbu boots sa isang ball, I only have the guts.

    

“Come on, follow me.” Sagot ni Kino at nauna syang maglakad samin. Sinundan namain sya at may mga tumitili na nadadaanan namin, nakikilala na yata kami unti unti.

    

“That’s Lavigne! Ang astig talaga!” Sumipol pa iyong lalaking sumigaw and I felt a little conscious dahil sa exposed back ko. Napahigpit iyong kapit ko sa braso ni Geff at nilingon nya ako.

   

“You don’t feel  comfortable, wear my coat—” Pinigilan ko kaagad ang kamay nyang huhubatin na sana ang suot nyang coat at ngumiti.

   

“Don’t mind me, keri ko ‘to. Bilisan na natin at nawawala na si Kino sa dami ng tao” Tumango sya ng mapagtantong may kalayuan na nga si Kino samin.

   

Umalingawngaw ang Chandelier ni Sia habang patuloy kami sa paglakad. May biglang humila sakin kaya napahinto kami sa paglalakad ni Geff.

   

“Miss beautiful, papicture!” Hinampas ko kaagad ang braso nya dahil sa gulat.

   

Three Months To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon