Naging abala ako sa pagrereview para sa NCII sa mga sumunod na araw. Kahit pa gaano naman akong katalino ay hindi ko naman pwedeng maniin yung thirty pages na codes, divided into three modules, back to back, nine in font size at talagang nakakaduling at nakakadugo ng utak.
Maaga akong gumising para sa gaganaping exam sa university. May mga baon din akong pagkain at drinks dahil whole day yung NCII at bawal lumabas ng room. Nagmadali ako sa pagkilos and do my morning erands kahit pa hindi naman ako morning person. Nagsuot lang ako ng isang plain white v-neck shirt, ragged jeans at boots bago sumakay sa kotse ko.
“Avril!” At sino pa ba ang tumatawag sakin ng ganon kundi isang tao lang?
“Bakit Ul– I mean Sir?” Kapag nasa school kasi at may mga estudyante ay nakakahiya naman na tawagin syang Ulap, so that’d at least Sir for respect.
Ngumiti sya bago lumapit sakin. “Goodluck sa exam! You can do it!” After nyang sabihin iyon ay ginulo nya ang napakaganda at napakahaba kong buhok then walked away.
“Baliw talaga ‘yun!” I muttered habang papasok na ako sa assigned room. Mabuti nalang at by section ang exams kasi ang awkward naman kung ibang section ang magkakasama.
Namataan ko na nakaupo na sa mga assigned seats ang classmates ko including Bianx, Yana and Geff and apparently ay ako nalang pala iyong kulang. Damn, I told you I’m not a morning person.
Naupo na ako sa assigned seat ko and in no time ay dumating na yung proctors namin. Sayang nga at hindi si Ulap ang nandito, mga taga-–Tesda kasi ang magbibigay nung exam kaya ganun.
“Goodmorning Com–Sci students, I’m Sir Mikel.” Magiliw na pakilala nung isa na obvious naman dahil sa nameplate nya. “Call me Sir Dale, you’ll have to finish the 3 modules at exactly 5PM. You’d only have a fifteen minutes break at 10 and 3 and a thirty minute lunch break inside this room” Sir Dale firmly said at halos mapairap ako dahil mukha itong mataray at istrikto.
Hindi ko nalang sya pinansin nung magsalita muli si Sir Mikel. “You have to pass this unless you want to repeat until you succeed” Bahagya syang natawa at nagtawanan din ang buong klase, well except me. Gusto ko na kasing masimulan at baka makalimutan ko pa ang mga pinag aralan ko.
About sa sinabi nya, kapag hindi mo naipasa itong first try, you need to take the exam again pero may bayad na. And it’s mandatory if you failed the first try.
May biglang umappear sa mga PC na kaharap namin at bumukas doon iyong VB .Net. na language na ginagamit namin.
“Goodluck, you can start now.” Malamig na utas ni Sir Dale at naging seryoso na kaming lahat.
Base sa designs na nakikita ko sa first module palang, ay may pagkakahawig nga ito doon sa reviewer na ibinigay samin ni Ulap pero marami pa ding loopholes base sa nakikita ko.
I started typing in codes at napunta ako sa kabilang mundo, kung saan wala akong nakikita kundi ang computer lang na kaharap ko. I managed to analyze every designs and what would be the appropriate codes that I should use to run it.