***
Again for the nth time, I felt the familiar pain inside my chest seeing his retreating back. Naramdaman kong hinagod ng palihim ni Bianca ang likod ko at nilingon ko ulit si Geff na kanina pa naghihintay sa sagot ko. Nagsimula ng magbulung bulungan ang mga tao sa paligid dahil sa tagal kong sumagot.
Huminga ako ng malalim.
“Yes...” Kaagad akong niyakap ni Geff after I answered at nagsimula nanaman maghiyawan ang mga tao.
Humiwalay na sa yakap si Geff at kahit sobrang ingay, naintindihan ko naman iyong sinabi nyang “Thanks!” at may bigla nalang humila sakin papaalis sa dagat ng mga tao.
“Hi Lavigne!” Bati sakin ni Kino sabay yakap din na ikinagulat ko naman. Ang tagal ko na ding hindi nakikita ang buong banda. Hindi pa man ako nakakasagot ay may humablot na kaagad kay Kino at tumambad naman sa harapan ko si Oliver.
“Yo Lavigne! We missed you!” He said sabay yakap din. Inihiwalay sya ni Geff sa yakap sakin at nakipag high five naman sakin si Coby.
“Galing ka bang abroad? Ngayon nalang kita nakita ulit!” Coby joked and I laughed. Nilingon ko ang pinanggalingan ko kanina para hanapin sina Bianx at Yana pero natabunan na din sila ng mga tao.
Bigla namang sumulpot si Brye sa gilid ko at ginulo ang buhok ko. “Pumayag na ang prinsesa ng Black Star, let’s practice now?” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya and I turned to Geff.
“May special performance ang Black Star sa gaganaping ball.” Geff shrugged after saying that.
“Guys, I think we should go now.” May inginuso si Oliver at nanlaki ang mga mata ko ng makitang papasugod na ang mga estudyante samin na nagsusumigaw ng “Black Star! Waaaaaah!”
Bago pa man ako makapag react, nakita ko nalang ang sarili kong hila hila ni Geff habang tumatakbo kaming anim papatakas sa mga fans ng Black Star. Nadala na daw kasi sila nung isang beses na may nangyaring ganito at nagkaroon ng stampede.
“Whooo! That was close!” Coby muttered, still catching his breath after we reached his van at sumakay kaming lahat. Sobrang hapong hapo din ako.
Geff handed me a mineral bottled water at kaagad kong ininom iyon.
Wala kaming ginawa maghapon kundi ang magpractice. We practiced four songs at nang matapos ay nagkayayaan na ding umuwi dahil sa pagod din kaming lahat.
“Hatid na kita Ivee.” Said Geff.
“Okay.” Ngumiti ako at sumakay sa kotse nya.
“Thanks for saying yes, akala ko tatanggi ka kanina.” Napangiti nalang ako ng pilit. Hindi naman sa ayaw ko syang maging date sa ball, pero naalala ko nanaman iyong malungkot at puno ng sakit na mata ni Ulap kanina at eto nanaman ako at nalulungkot at nasasaktan din.