Chapter 20

76 4 0
                                    

     

“OMG! Papirma Ms. Lavigne!” Niyakap ako ng mahigpit ni Bianx at umarteng nagfafangirling habang abala naman si Yana sa pagsusuklay sa laylayan ng buhok ko.

    

This is the day. The battle of the bands. Nakasuot ako ng fitted dirty white shirt na may pink skull na design sa gitna, itim na skater’s skirt at sa ilalim ay fishnet at may pangkamay din akong suot. To complete my attire, nagsuot ako ng itim na high boots.

    

Naka brush up ang buhok ko at mayroon akong makapal na eyeliner na katulad ng sa idol ko. My lips was in an apricot’s shade.

    

“Bianx! Wag ka ngang yumakap masyado at nagugulo ang buhok ni Ivee!” Saway ni Yana kay Bianx at napairap nalang ang huli.

    

“Salamat sa suporta guys. Labyu!” Halakhak ko sa dalawa at ngumisi lang pabalik sakin si Bianx.

    

“Wala yun V! Look at your ‘boyfriend’ kuno, kailangan ay sobrang ganda mo din dahil sobrang gwapo nya kaya! Kung wala lang siguro akong boyfriend baka nilandi ko na yan! Aray!” Halakhak ni Yana dahil kinurot ko yung kamay nyang nagsusuklay pa din hanggang ngayon.

    

Sa may di kalayuan sa pwesto namin ay nandoon ang mga kabanda kong nakaitim lahat at nag aayos ng mga instrumento nila. Ako lang yung nakaputi, o dirty white. Yung mga pantalon nilang faded ay may naka embroidery na isang itim na star.

     

Coby looked so cool with his base guitar on. Ganun din si Brye na isinisukbit na ngayon ang kulay itim nyang gitara na kumikintab dahil sa mga stars na nakapalibot dito.

    

Si Oliver naman ay abala sa pagpipindot ng kung ano sa sarili nyang keyboards at si Kino ay ipinapalo ang puti nyang drumsticks sa hangin, na may mga disenyong maliliit na itim na stars.

  

And there is Geff. Look dashing on his black polo that was rolled up to his elbow, with his black transparent lead guitar na may simpleng disenyo at iyon ay ang Black Star na nakasulat sa magandang font.

     

“Sige na, labas na kayo at magsisimula na yata.” Pagtataboy ko sa dalawa kong kaibigan dahil baka mawalan sila ng pwesto sa labas.

    

Ngumuso si Bianx. “Galingan mo ha V! Bring home the hotdog! Ouch!” Binatukan ko nga dahil kung anu ano ang pinagsasasabi.

    

“Guys! Goodluck! You can do it!” Sigaw ni Bianx sa buong banda na nasa likod namin and they said thanks! In chorus.

    

May pahabol pa si Yana na, “Geff, i-goodluck kiss mo itong si V para hindi kabahan!” Sinamaan ko lang ng tingin kaya nagtatakbo na yung dalawa palabas ng room.

    

Pumasok iyong isang crew ng battle of the bands at may dalang garapon para sa palabunutan. Kailangan kasing magbunutan para malaman kung pang ilan ang banda nyo sa tutugtog. Sampung banda ang maglalaban laban.

    

“Slowly ‘tol!” Sabi ni Kino kay Geff dahil nasa kanya na iyong papel na nabunot nya kanina. Maging ako ay kinakabahan kung pang ilan kami, but no matter what, lalabas at lalabas din naman kami sa gitna ng stage para tumugtog.

Three Months To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon