Kinabukasan, habang nakain ako ng tanghalian, tumunog yung phone ko na nakapatong sa table sa living room. Grunting, I stood up and picked up the call with annoyance.
“Ivee Sheng Ricardo!” Matinis at galit na boses ni Bianx ang sumalubong sa tenga ko. Lalo tuloy akong naasar.
“Why the hell are you shouting!?” Sigaw kong pabalik.
“Care to explain?!” Malakas pa din ang boses nya at nainis na talaga ako.
“What are you talking about? Bianca, you know what? I’ve just lost my appetite by answering your call at lalo mo akong binibwisit sa paninigaw mo!”
“Hindi mo nga siguro alam! Well, just open your goddamned social media accounts for you to know kung bakit ako ganito. Now na! Bye!” Then I heard a toot toot sound.
“Bruhang iyon! Ano bang pinagsasasabi nun?!” Umakyat ako sa kwarto at binuksan ko ang ipadair na ilang linggo ko na yatang hindi binubuksan. Luckily, full bat ito.
Binuksan ko yung facebook ko at nagulantang sa dami ng notifications, friend requests at messages. Napakunot ang noo ko.
“Ano naman kayang kaguluhan ito?” I asked myself at binuksan ang isang notif na sa palagay ko ay picture at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung ano iyong naka-tag na picture sakin.
“Shit!!” I angrily murmured as I scrolled down the comments of that picture.
Rockstah couples, great!
Wow? Kayo nba?
Damn, kakilig!
Black and Avril?
Whoa, kasali pala c Lavigne sa BS?
Magjowa of the year!
Congrats pre!
Huhu!Wla n ko pgasa ky Geff mylabs!
Condolence mga tol, Lavigne is taken.
At madami pang ibang comments. Nakakatanga lang! Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa sobrang frustration. Sinong hindi mafufrustrate?
Ang picture na nakatag sakin ay iyong aksidenteng nangyari kagabi! The unwanted kiss! Na ang title ay ‘A gratis welcome from Black Star. The couple’s kiss’ at may hashtag pa na #RockStarsKissed!
“Tangna! May mga taga university nga pala dun kagabi! Arghh!” Pinagpapalo ko yung ipad na parang mabubura ang nangyari kapag ginawa ko iyon. Damn! I’m doomed!
Tinignan ko yung nag tag at hindi ko sya kilala. Nagpunta ako sa settings at inayos lahat iyon. Hindi pala naka ON ang review tag pictures first ko. Ngayon prinivate ko ng lahat. At para masaya, nag deactivate ako!
Sunod kong binuksan ay yung twitter ko at nagtrending yung picture na ganun pa din ang caption at hashtag. Binuksan ko yung instagram at ganun din ang nakita ko.