“Do you want an honest answer Geff?” I met his gaze at puno ng lungkot ang nakikita ko sa mga mata nya.
“Even if it would hurt me Ivee.” He answered back at kinagat ko ang loob ng pisngi ko dahil sa lungkot na nakikita ko sa mukha nya.
“Ang totoo, hindi ko din alam ang sagot dyan sa tanong mo Geff.” I honestly answered dahil kahit ako man ay hindi ko talaga alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Ulap.
Mahabang katahimikan ang nangyari after I said that. Siguro maging si Geff ay naguguluhan na sa kung anong nangyayari. Bumaba ang tingin nya sa leeg ko. Sa kwintas na suot ko, na bigay nya.
“I’m glad you’re still wearing that” He said, half smiling. Mula kasi ng ibinigay at isinuot nya ito ay hindi ko na ito hinubad pa. It’s ivory anyway so I’d really love to wear it forever.
Napangisi ako at hinawakan iyong ivory pendant ng necklace. “Syempre, it’s ivory and it’s my weakness.”
Napailing sya. “I thought you’d say, syempre bigay mo ‘to eh.” May himig nanaman ng lungkot sa tono nya kahit pa nakangiti sya. Ipinilig ko ang ulo ko para maiwasan ang mukha nya.
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko na nakapagpalingon sakin. “Ivee, nag alala ako ng sobra kanina.” He sincerely said at ngumiti lang ako. Hinugpitan ko iyong pagkakapit nya sa kamay ko.
“Thanks for your concern Geff.” Ewan ko ba, pero at ease na ako sakanya ngayon kahit hawakan nya pa ang kamay ko, o akbayan ako. Okay lang sakin, no wild palpitations.
He smiled and leaned closer. “I love you so much Ivee.” He said then kissed my forehead as someone cleared his throat.
“Avril....” Malamig ang tono ni Ulap at humiwalay na sa halik sa noo ko si Geff pero hindi pa din nya tinanggal iyong pagkakahawak sa kamay ko.
Nakita kong bumaba ang tingin ni Ulap dun sa kamay namin at ewan ko ba kung bakit pero kaagad kong hinigit yung kamay ko mula kay Geff. Nilingon ako ni Geff at nakita ko nanaman ang malungkot nyang mga mata na halos gusto ko ng mapamura.
Tumikhim ulit si Ulap na nnakapagpabitiw sakin sa pakikipagtitigan kay Geff. “This is your sugar apple Avril.” Inilalahad nya iyong dalawang basket na puno ng Atis. Kumalam kaagad angg sikmura ko sa pagkakita ko noong malalaking Atis.
Lumapit sya sakin without looking at Geff na nasa gilid ko lang, dun naman sya nagpunta sa kabila kong gilid. Kukuha na sana ako ng isa pero pinigilan nya ako.
“Ipagbabalat kita.” He said at kumunot ang noo ko. “Hindi yan binabalatan, hinahati lang tapos kukutsarahin.” Paliwanag ko pero ngumisi lang sya.
“Just wait, you’d love it this way” At sinimulan nya na ngang balatan? I mean tinatanggal nya iyong balat isa isa at lalo akong natatakam dahil sa matamis na amoy at nakikita ko na parang ang sarap kagatin nung Atis.