***
As usual, pinagtitinginan kami ng mga tao. They’re murmuring again and I rolled my eyes. Sinubukan kong higitin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Geff pero lalo nya lang hinigpitan ang hawak sakin kaya hindi na ako tumutol pa. Iginala ko ang paningin ko sa pagbabaka sakaling makita ko sina Yana at Bianx but they’re no where to be found.
Nang makarating kami sa carpark ay saka nya lamang ako binitawan ni Geff at hinarap ng may nag aalalang mukha.
“Are you okay?”
“I’m not. Siguro nga totoo yung sinasabi nila, na manggagamit ako, na malan—” He cut me off by pulling me then hugged me.
“Stop it Ivee. You’re not a user nor anything that they’re saying.”
“Geff, bakit ba sobrang bait mo? Nakakainis ka. Pakiramdam ko tuloy ang sama sama ko!” Hinagod nya ng kamay nya iyong likod ko.
“Hindi ka masama okay. I wanna protect you cuz I love you even if I know from the start that it’s just unrequited love.” I froze at his statement. Humiwalay ako sa yakap at nagtatanong ang mga mata kong tumitig sakanya.
“I know you love him Ivee. I knew it very well.” He gave me a weak smile as I blink countless times and my tears started to fall one by one.
“Kung ganun, bakit mo ako kailangang pagtakpan? Magalit ka dapat sakin!” I angrily blurted dahil pakiramdam ko, dahil sa sobrang bait nya ay napakasama kong tao.
Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at tinitigang mabuti sa mata. “Hindi ko kayang magalit sayo Ivee. Ang kaya ko lang gawin ay mahalin ka.” Pain registered on his eyes despite of his smiling face.
Natulala ako at hindi na nakapagsalita habang patuloy sa pagbuhos ang luha kong dala ng pinaghalong sakit, lungkot at konsensya dahil sa mga taong walang ginawa kundi ang mahalin ako pero heto ako at walang maibigay na pabalik sakanila kundi sakit.
***
SA mga sumunod na araw ay naging abala kami ng grupo para sa thesis namin. Halos nakakalahati na kami sa documentation. Tapos na yung design at iyong sa codes naman ay halos papatapos na rin. Regarding sa rumors na kumalat about me and Ulap, pinatay kaagad nila ang issue. Kung paano? Hindi ko din alam. Basta the other day pag pasok ko, parang walang nangyari at napaka peaceful ng buong university.
Sinabunutan ni Bianca ang buhok nya. “Pwede bang magbigti nalang?!” She grunted habang pinagmamasdan ang mga nagkalat na iba’t ibang libro, mga drafts, research materials at apat na laptop na nakabukas.
“Pasalamat pa din tayo at hindi yung Sales and Inventory System ang nabunot ni Ivee. Mas malawak ang sakop nun at mas kumplikado.” Tumawa si Geff at ibinalik ang pansin sa laptop na kaharap nya. Mula nung confrontation namin ni Geff the last time, maayos pa din ang pakikitungo nya sakin na parang walang nangyari at lalo akong nakokonsensya.