Epilogue

138 3 0
                                    

     

                                     ***

  

“Batch 2014-2015, congratulations!” Sobrang nagsasaya ang lahat, except me. Sinong hindi matutuwa, sa wakas gumraduate na rin kami? Tapos na ang lahat ng paghihirap, pagsubsob at pagsusunog ng kilay. Walang tulog na mga gabi. All the hardships were done at papasok na kami sa tunay na mundo.

    

Mundo kung saan bubuo ka ng matatag na mga pangarap. Pangarap na kailangan mong isabuhay at pagsumikapan.

    

Ngiting aso ako habang nakikita ko si Bianca na yakap yakap ng Mom at Dad nya, habang si March naman ay nandoon din. Ganun din si Yana na naluha pa ang Mami at tuwang tuwa ang Dadi kahit pa wala na syang Andrew.

   

Si Geff na hinahalikan ng nanay nya sa pisngi at tinatapik ng tatay nya sa balikat. Lahat sila may pamilya. Lahat sila sobrang saya. Siguro nga hindi mo pwedeng maayos ang lahat ng bagay kung saan mo sila gustong ipwesto.

   

“Bakit naman malungkot ang Magna Cum Laude na tanging may ash blonde na buhok?” That snapped me out. He spread his arms so wide at lumapit ako para yakapin sya ng mahigpit.

    

“Kuya naman eh...” Naiiyak na sambit ko habang hinahalikan nya ang noo ko.

    

“Ives, biruin mo ‘yon? Magna Cum Laude ka! Be happy, c’mon! Give me your genuine smile!” At napangiti nalang ako sa inakto ni Kuya Gab. Yeah, I graduated with flying colors and with the highest academic distinction.

    

“I’m so proud of you Ives!” Biglang pagsulpot ni Ate at hinalikan ako sa pisngi.

    

“Asan si baby Seth Ate?” Ngumuso si Ate kay Kuya.

   

“Ayaw kasing isama nitong Kuya mo, ayun naiwan sa baby sitter nya.” Hinapit sya ni Kuya sa beywang and give her a quick kiss at namula naman ng todo ang mukha ni Ate. Nakakatuwa silang panoodin, hanggang ngayon ay kilig na kilig pa din si Ate kay Kuya.

    

“We need to treat our little sister here Mahal, maiintindihan naman tayo ni baby.” Halakhak ni Kuya at nagkatawanan nalang kami dun.

    

Hindi ko maiwasang hindi magpalinga linga sa buong paligid sa pagbabaka sakaling maligaw si Ulap at makita ko man lang kahit anino nya.

    

After kasi naming matanggap ang mga grades namin, bigla nalang kumalat ang balitang nagresign sya at hindi ko maiwasang hindi maguilty. Sobrang lungkot ko nung bigla syang nawala na parang dinudurog ang puso ko araw araw dahil sa sakit.

    

Maging sina Tito at Tita, hindi din alam kung nasan sya. Simula kasi nung confrontation na nangyari noon, hindi pa nila ulit nakita o nakausap man lang daw si Ulap.

    

Isang malalim na bunttong hininga nanaman ang pinakawalan ko.

   

“Aray!” Napahawak ako sa ulo ko ng may malakas na bumatok dito at napasimangot ako ng makitang si Bianx ‘yon.

    

Three Months To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon