@Racosa's House

342 3 0
                                    

5months na kami ni mike. Magpapasko na. Kinikilig ako kasi pinapapunta niya ako sakanila makakasama ko na naman siya. Parang bahay ko nadin yong bahay nila pag andon ako feel at home talaga, yon kasi sabi nila hahaha.

*Knock knock*

Si ate mich nagbukas dala yong baby niya. Cute cute talaga ng future 1st inaanak ko, pusta bente gwapo yan paglaki. Ganda ba namang lahi ng RACOSA ehh :)

Pagpasok ko wala sina tita rara si mike tulog pa. Loko talaga yon!

ATE MICH: Ayy naku miki ikaw na gumising don alam mo namang ikaw lang nakakagising dyan aalis na kami ni jayix uhh.

ME: Ehh? Asan po sila tita? Okay lang po ba kami lang dito.

ATE MICH: Bahay mo na toh diba may tiwala naman kami sainyo. Osya babush!

ME: Asus sige ate ingat po kayo :)

Grabe feeling ko mag-asawa na talaga kami. Boto pamilya niya sakin ehh, kasundo ko pa silang lahat. THANKS GOD :')

ME: Babe! *inaalog ko*

MIKE: Ano ba yon?

ME: Babe gising na dinalhan kita ng sinigang luto ni nanay :)

MIKE: *niyakap ako pahiga sakanya* panget mo!

ME: Lul mas panget ka! Babe tayo ka na kain kana anong oras na ehh.

Ang gwapo niya grabe! Kaso ang baho hindi pa naliligo. Joke lang hahaha! Love love ko tong lalaking toh kahit walang toothbrush kahit walang ligo.

MIKE: Kiss muna *nagpout*

Ayy naku ganyan lagi yan pag ginigising ko gusto ng kiss. Sino ba naman ako para tumanggi? Hahaha naku miki ang harot uhh! Hahaha ehh kese nemen :">

*smack*

MIKE: Isa lang? Bitiiiin! T^Tv

ME: Ohh eto madami ohh *mwah mwah mwah mwah mwah*

MIKE: Nire-rape mo na ako nyan babe ehh T^Tv

ME: Ayaw mo?

MIKE: Gusto :p

Hahahahahaha kulet talaga namin ehh nohh! Haaaays sana laging ganito :">

Pagkatapos niyang kumain tinuruan niya akong magdota, marunong na naman ako pero yong tamang pag-creepings kase mahina pa ako don. Tapos niyayabangan ko siya pag nakakapatay ako.

ME: Ohh anoooo nakita mo yon weak ka babe weak!

MIKE: *kiniliti kiliti ako*

ME: Rape! Rape!

MIKE: Kapal uhh? Panget ka panget!

ME: Suggestion lang naman babe ehh.

MIKE: Siraulo ka talaga. *kinotongan ako*

Hahahahahaha ganyan kami kabaliw! Kaya patay na patay yan sakin ehh. Hahahahahaha!

Nang mapagod kami sa harutan humiga kami sa kama. Nag-usap kami ng kung ano ano. Syempre di mawawala yong ka-sweetan namin sa isat isa. OMG KINIKILIG AKO KASE BAGO YON NALIGO YAN! ACHIEVEMENT MGA TEH :">

*calling*

JO: Hoy punta ka dito bday ko!

MIKE: May spaghetti?

JO: Oo tyaka inuman.

MIKE: Di ako pwede ehh andito si miki.

JO: Bright idea!

MIKE: G*go hahaha!

JO: Sigesige enjoy nalang pre >:)

Adik talaga yong si jo kung ano anong sinasabi hahaha!

1 text message from ate mich:

"Magsaing na kamo si mike 7pm na!"

ME: Tara babe saing na tayo.

MIKE: Ikaw na kaya mo na yan.

ME: Dali na para alam mo kung paano.

MIKE: Tinatamad ako ikaw na!

ME: Isa!

MIKE: Babe nemen ehh *pout*

ME: Hindi mo ako madadaan sa pout pout mo ngayon! Ayaw mo ba talaga?

MIKE: Sabi ko nga magpapatugtog lang ako tas magsasaing na tayo ehh :)

Tong lalakeng toh napakatamad pero pag ikikiss ako o yayakapin ang sipag sipag. ALOLOLOLOLO! Hahaha :"> Pampasarap daw kase ng sinaing pag may kissing scenes :p Alam niyo na guys? Hahaha!

Dumating na sina tita at mga kapatid niya may dalang andoks.

TITA RARA: Dito kana kumain miki tapos mike hatid mo na yan mag-9pm na.

Naghuhugas na kami ng pinggan ni mike, siya taga-sabon ako taga-banlaw. Syempre mauuna siya matapos kaya yakap yakap niya ako sa likod.

TITA RARA: Ikaw lang talaga sinusunod nyan miki pag wala ka ang tamad tamad nyan.

ATE XIAN: Oo nga kaya dapat lagi kang andito ehh.

ATE MICH: Tignan mo si mike ma, kiss ng kiss kay miki.

TITA RARA: Ano ba yan mike maubos naman pisnge ni miki. Hahaha!

MIKE: Taba taba ng pisnge neto ehh! *bumulong ng iloveyou, wag ka ng lalandi uhh akin ka lang."

Aba lumalandi ba ako? Hahaha imbento naman tohh -,- :) Sweet namin noh parang mag-asawa na talaga. Promise! Ang sarap sarap sa feeling na kahit nag-aaway kami kahit na halos maghiwalay na talaga kami eto padin kami nagmamahalan, iniintindi ang isat isa. <3

Dota Is Just A BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon