Nandito ako ngayon kina mike, hindi na kami naggagala okay na kami na magkasama sa bahay nila. Gagawin namin? Walang sawaang halikan at yakapan! JOKE hahaha! Walang sawaang kulitan at asaran =))))))
Kasalukuyang nasa taas ako ni mike sinasabunutan ko siya tuwang tuwa naman pamilya niya si tita rara nakikisali pa sa wrestling, nilalagay niya yong paa niya sa mukha ni mike hahaha! Pag gumanti naman si mike sa pangingiliti sinusuntok naman siya ni ella pangalawang bunso sakanilang magkakapatid
TITA RARA: Sige miki bugbugin mo yan ng magsipag naman sa pag-aaral.
MIKE: Masipag ako.. matulog!
ME: Uhh loko ka uhh eto sayo! *kiliti sabunot*
HAHAHAHAHAHA Kulet namin noh! Natapos lang wrestling namin nong mapagod na kaming lahat. Nasanay na akong doon nagdi-dinner kasi nagagalit si tita rara pag tumatanggi ako.
Hahatid na ako ni mike pauwi. Bigla akong nawalan ng sa mood kasi nabasa ko inaaya na naman siyang dumayo pustahan ng dota. Okay lang naman sakin kaso si tita rara kasi ayaw tyaka 9pm na, ang babaw tignan para mainis ako pero isipin niyo mahal ko si mike ayoko lang na may manyaring masama sakanya. Yon yong hindi niya maintindihan -,- Ehh may pasok pa siya kinabukasan.
Gusto ni mike lagi kaming sabay bababa ng hagdan. Arte nu? Hahaha! Pero that time nagmadali akong bumaba, naiwan siya sa taas.
MIKE: Bumalik ka dito!
ME: Amina na yang bag ko wag mo na akong ihatid.
MIKE: Alam mong ayoko na hindi kita naihahatid tyaka anong oras na!
ME: Alam mo naman pala ehh bat dadayo kapa?
MIKE: Lalake ako! Babae ka!
ME: Ang disgrasya ba namimili ng gender? Nag-aalala lang naman ako.
MIKE: Halika na babe! Hahatid na kita.
ME: Ayoko nga ehh! Amina yang bag ko -,-
MIKE: Ma! Si miki ohh ang kulet!
TITA RARA: Kayong dalawa una okay maya maya aso't pusa na! Magpahatid kana kay mike anong oras na ehh.
Bumaba na kami ng hagdan hindi ko siya pinapansin nasa labas na kami ng bahay nila ayaw padin niyang ibigay yong bag ko. Hindi ko siya sinasabayan binibilisan ko talaga paglalakad ko. Nasanay kaming naglalakad pauwi para masulit pa namin isat isa.
Malapit na kami samin, paglingon ko wala na siya. SHIT WALA PA NAMAN AKONG LOAD! NASAN NA YON? TAE NAMAN KAILANGAN KONG GUMAWA NG PARAAN :( MIKEEEEE!
ME: Ate pwede po bang makitext?
ATE1: Wala akong load sorry.
ME: Ate pwede po patext? Hindi po ako magnanakaw. Nawala po kasi bigla yong boyfriend ko.
ATE2: Sige ayos lang.
"Babe sorry na! Wait mo ako sa kanto wag ka kagad uuwi uhh."
Text ko sakanya.
ME: Ate salamat po maraming salamat po!
ATE2: Welcome, ingat ka ne.
WAAAAAH TATAKBO NA AKO BAKA IWAN NALANG NI MIKE YONG BAG KO SA BAKOD NAMIN :( AYOKONG UMUWI NG HINDI KAMI OKAY! ANO BA TONG GINAWA KO HAAAAYS MIKI :'(
Nasa kanto siya! OH GOD THANK YOU!
ME: Babe sorry na!
MIKE: Anong bago? Ge .
ME: Ehh babe sorry na! Hindi mo na ba ako mahal? :(
MIKE: Mahal pero paulet ulet nalang tayo, lagi kang ganyan.
ME: Ikaw din naman uhh, topakin ka!
MIKE: Alam ko kaya nga paulet ulet nalang ehh, hindi kaba nagsasawa?
ME: Hindi! Kase mahal kita.
MIKE: Umuwi kana! Daddy mo ohh.
ME: Hayaan mo siya, gusto ko bago ka umalis okay tayo.
MIKE: Okay naman tayo uhh.
Lumapit ako niyayakap ko siya.
ME: Sorry na babe uhh! Iloveyou iloveyou iloveyou! Akin ka lang uhh?
MIKE: Ikaw ba sakin lang?
ME: Hindi. Sayong sayo lang :p
Nakita ko na yong KILLER SMILE niya. Hahaha mukha siyang ewan kanina tae ang sama sama ko :( Para siyang kawawang engot na nawalan ng candy hahaha!
MIKE: Kiss ko? T^Tv
ME: *mwaaaaaah* ingat babe! Text mo ako uhh :')
MIKE: Labyu :*
OHH DIBA? TOPAK LVL 999999999! GANYAN AKO GANYAN SIYA GANYAN KAMI GRABEEEE ^_^ Pero ang importante hindi padin kami sumusuko.
Habang naglalakad siya palayo sinasabi ko sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin kundi si MIKE RACOSA lang. (Y)
BINABASA MO ANG
Dota Is Just A Beginning
RomanceMiki Fiao had a family vacation in Baguio City so she decided to take a rest while surfing on facebook when a friend messaged her to add someone. This someone named Mike Racosa, he is a dota player and kinda popular in his school Dota Community of t...