MARCH 08 2014

352 3 7
                                    

Ilang araw ang nakalipas after ng break up namin chinat ko siya, tnry ko kung magiging okay pa. Pero naiyak lang ako sa last message niya :'(

"Mahal na mahal kita miki pero ang sakit sakit na. Wala kang pagbabago! Yong ayaw ko ginagawa mo padin. Hahaha nakakatawa nga ehh habang umiiyak ako ngayon soundtrip ko yong PAALAM by SILENT SANCTUARY. Sayang tayo miki pero wala ehh. Last chat ko na toh bye!" -Mike

Sinong hindi maiiyak dyan? Yong taong mahal ko napaiyak ko na naman, nasaktan ko na naman. Sige bibigyan ko muna siya ng space, hindi ko siya kakausapin hindi ko siya pupuntahan kunwari okay lang na wala na kami pero gagawa ako ng paraan para bumalik ulet siya sakin :)

2weeks later, March 08 2014

After class umuwi muna kami ng mga kaklase ko para magbihis, I prepared the props, my lines & my plan.

Dito na kami sa chowking dimasalang pinag-usapan naming magkaklase kung anong gagawin namin mamaya sa ichill.

Tinetext ko mga tropa namin ni mike na kailangan makapunta talaga siya. Nong una akala ko boset kase may dayo sila sa blumentritt pero dahil cute ako dejoke hahaha pero dahil malakas ako sa mga tropa niya na tropa ko natuloy.

Sa KFC dapitan kami ngayon hinihintay ko text ni Zi kailangan muna kasing makapasok nina mike sa ichill bago ko gawin yong plano.

Nagtext na si Zi nasa loob na daw sila mike. Pumunta na sa tapat ng ichill mga kaklase ko na may hawak na SORRY BABE banners. Ako naman nasa loob ng milktea store, yong simple line. Masarap don lagi kong binibili don Caramel Milktea with pearl. Luh? Nagpromote pa hahaha!

May taga signal ako kung lalabas naba ako don sa store, pagkalabas ni mike umingay na sa labas ng ichill, pag lapit ko nagsigawan na sila. Hawak hawak ko yong krushers na favorite niya.

ME: Can you take this krushers and give me another chance?

MIKE: Blahblahblah ano? Hahaha!

TROPA/CLASSMATES: Tanggapin mo na mike! Wag ka ng pakipot! Miki na yan!

MIKE: Anong trip toh miki? Hahaha!

ME: Hindi to trip, totoo toh. Pag tinanggap mo to it means okay na tayo.

Tinanggap niya kaya nagtilian sila. Tapos medyo lumayo kami para mag-usap. Dahil 9pm na yon umuwi na mga kaklase ko pero kinausap muna nila si mike.

CLASSMATES: Wag mo ng iiwan si miki gago talaga yan pero mahal na mahal ka nyan, ikaw lang talaga.

MIKE: Hahaha parang di naman.

CLASSMATES: Sapakin ka kaya namin? Nag-effort nga siya ng ganito kahit 50/50 yong sagot mo.

MIKE: Oo na hahaha ingat!

Nang makauwi sila pinakain ko yong mga tropa namin pati siya. Takaw takaw talaga ng babe ko ang cute cute :')

MIKE: Bat ginawa mo yon?

ME: Mahal kasi kita.

MIKE: Baliw ka talaga! Lika nga dito. *inakbayan niya ako*

Umakyat na kami sa ichill may kapustahan kasi sila ehh. Yon plano ko para pumunta si mike ehh nagkatotoo pa bigla hahaha!

Sa isang upuan magkatabi kami, imagine ang taba taba non. Joke hahaha! Ayaw kasi niya na pag naglalaro siya hindi niya ako katabi. Asuuuuus :')

Dahil 1am na yon kina drea na ako natulog. Epic nga ehh masaya ako pero parang hindi. Hays! Makapag-online nga muna. Nagchat si mike :') Keleg eke!

2days later, March 10 2014

Hindi ko lang siya na-replyan agad maya maya nagchat siya. Lokong yon may pasok yon uhh! Siguro cutting na naman -,-

MIKE: Ayoko na

ME: Anong ayaw mo na?

MIKE: Sayo. Hindi na kita mahal.

ME: Ano? Ehh bakit mo tinanggap yong proposal ko sayo sa ichill?

MIKE: Sinong hindi mapipilitan don? Tyaka nakakahiya naman kung hindi diba.

P*t*ng*n*! Hindi ko na mapigilan yong pag-iyak ko buti wala kaming klase non.

MIKE: Sorry kung hindi ko na matutupad yong mga pangako ko sayo pero makaka-move on ka din.

ME: Ayoko babe mahal kita ayokong mawala ka sakin.

MIKE: Pake ko?

ME: Babe naman ehh sorry na :(

MIKE: Katamad mag-girlfriend ehh. Ge out na ako wag ka ng mangulet uhh .

Tulala ako wala akong maramdaman kundi pagpatak ng luha ko at yong sobrang sakit na naiipon sa dibdib ko. BAKIT? ANO PANG PAGKUKULANG KO? ANG SAKIT ANG SAKIT SAKIT :(

After class tulala padin ako hindi ako nagsasalita kahit yong mga close kong kaklase na tumulong sa effort ko nakakahalata na kasi ibang iba ako. Hindi ko talaga alam gagawin ko! Naglakad ako kung saan saan pahid dito pahid don. Kung pera lang ang luha ang yaman ko na hahaha :'(

Tapos after a week malalaman ko nagkakamabutihan na sila ng ex niya? Hahahahahaha nakaka-ul*l sir.

March 22 2014, naging sila ulet.

ABA MATINDE! Ayaw niya munang mag-girlfriend pero girlfriend niya yon. Harap sa salamin miki! Uki uki fine ^_^

Sweet sweet nila sa facebook si mike post ng post, oa uhh? Pero ako tahimik lang that time. Sige go saktan mo lang ako :)

Inuman @Chard's crib hahaha walang uwian talaga. Sakit ehh! :) Nagka-realtalkan na.

ME: Bakit yon pa? Ehh alam niyang selos na selos ako don kasi yong babaeng yon kami na papansin padin wew uhh.

ATE GELL: That's the point! Rebound lang yon.

ME: Kaya nga daw niya hiniwalayan yon kasi ang landi landi tapos babalikan niya? Edi balikan na niya ako kasi malandi naman ako para sakanya diba -,-

SON: Pero pwede kasi hindi babalikan ng isang tao ang ex na pinagseselosan ng ex niya kung hindi rebound lang.

ATE GELL: Oo tama! Kaya kung ako sayo hayaan mo nalang sila, maganda ka madami pa dyan.

CHARD: Andyan naman si son!

ME: Pero si mike talaga mahal ko :'(

Umiiyak na ako sa harap nila hahaha may amats nadin ako ehh. EMPI PA MORE WOOOOH!

SON: Yon lang si mike mahal mo pero tignan mo pinapaiyak ka lang niya.

Omsim! Pero that's life! Mahal ko ehh mahal ko </3 HAHAHAHAHAHA Tropa niya tong mga to sa dota buti nalang may nasasandalan ako tulad nila. Sarap sanang mahalin ni son, sobrang ma-effort toh sakin promise. Lahat ibibigay niya! Pero wala ehh, mike padin ^_^ BOOM ENGOT HAHAHAHAHAHA!

Dota Is Just A BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon