"Home alone :(" status ni mike, sa mga oras na yan hindi talaga kami okay sobrang labo na talaga namin. Tinext ko ate niya kung pwede akong pumunta sakanila, ayoko kasing mag-iba tingin nila sakin lalo na kaming dalawa lang don. Pumayag naman si ate mich :)
OKAY MIKI IBABA ANG PRIDE! MAHAL MO EHH! INHALE EXHALE!
*toktok*
Sumilip siya sa pintuan. Pusta ko hindi pa siya naliligo hahaha!
MIKE: Ohh bat andito ka? Wala dito sila mama.
ME: Ikaw naman talaga pinunta ko ehh.
MIKE: Umalis kana!
ME: Buksan mo na yong pinto.
MIKE: Ayoko! Umalis kana nga!
ME: Babe naman ehh buksan mo na.
MIKE: Ayoko nga ehh! *umalis*
Hindi ako umiimik kunwari umalis na ako, maya maya sumilip na naman siya. Hahaha kala mo uhh hindi mo ako matitiis pakipot pa ehh. Binuksan niya yong pintuan pumasok ako.
MIKE: Feel na feel mo namang bahay mo toh.
ME: Ohh bakit hindi ba?
MIKE: Letse dyan kana nga.
Pumunta siya sa laptop nagdodota ehh. Kinukulet ko. Niyayakap yakap ko kinikiss kiss ko. Lambing dito lambing doon nag-iinarte padin. Nong tumigil ako siya naman nanlambing ako naman nag-inarte. Tas nagtawanan nalang kami bigla. Sweet namin. Sobra! Kinotongan pa ako kasi ang landi ko daw nakita na naman niya kasi facebook ko na ang dami kong kachat na lalake -,- tropa lang naman ehh zzz
Nawala siya sa mood nong mabasa niya yong chat namin ni rafa. "Bh3" kasi tawagan namin non walang something tawagan lang talaga kasi mukhang bakla yon hahaha! Sa tingin niyo ba talaga makakalandi pa ako kung ang laman ng facebook ko si mike diba? Hay naku.
MIKE: Hindi kana talaga magbabago ehh noh?
ME: Babe naman wala naman yan ehh.
MIKE: Ohh? Ge .
Binigay niya sakin yong cellphone tas tinakpan niya ng unan mukha niya. Ewan ko kung naiiyak siya ehh. Basta alam ko nasaktan siya at badtrip talaga. OMG! Kakabati lang namin eto na naman :( Nakahiga kami parehas sa kama ehh.
ME: *niyakap ko siya* Babe sorry na!
MIKE: *siniko ako* doon kana sa bh3 mo! Magkikita kayo sa ledion diba?
ME: Pumunta ba? Diba andito ako kasama ka.
MIKE: Landi landi mo padin.
ARAY! Loyal na naging malandi pa. Kada lalambingin ko siya pumapalag siya ang sakit uhh -_- Pero tinitiis ko kase ayokong masayang pagpunta at pakikipagbati ko sakanya.
Pero wala talaga ang tigas niya. Pinapaalis niya na ako! Puro masasakit na salita na sinabi niya sakin. Tinanggap ko lahat yon pero yong fact na taboy na taboy na tang in a jar talaga mapapa-walk out ka ehh with matching iyak pa.
Nasampal ko siya pero hindi naman malakas. Nagulat siya kasi first time yon, nagpantig lang siguro talaga tenga ko sa mga masasakit na salitang binitiwan niya sabay taboy na taboy pa wew nalang sir.
Nasa hagdan na ako nong marinig ko tong sinabi niya: "Pumunta ka ng ledion malandi ka naman eh!"
Punta akong pacific non kasi nalaman kong yong kuya-kuyahan ko na si alo nandon. Nagdodota tournament. Unexpectedly, andon din si rafa nilibre akong 2hours nagdota din kami pubgame lang. Pagkatapos ng 1stgame namin tinignan ko facebook ni mike, walang bago bnlock na naman ako. Tas pagtapos ng 2ndgame namin nagpm yong stalker dati ni mike hahaha heartthrob din kasi si mike sa DCP :)
CAMS: Bnlock ka na naman ni mike noh?
ME: Oo nga ehh bakit?
CAMS: Wag mong sasabihin uhh?
ME: Oo sige ano ba yon?
CAMS: Pinapa-view niya yong facebook mo tinatanong kung anong mga posts mo.
ME: Uhh sige.
Wala akong pake dama ko padin yong mga salita niyang tagos sa buto ehh kaya kahit 11pm na hindi padin ako umuuwi kailangan kong maglibang.
From pacific pumunta kami nila alo sa ichill ehh kami kami kasi magkakatropa kaya kasama din namin si rafa. Nagkataon pa na andon mga tropa ni mike sa labas nong tinanong ko kung asan siya kay van nasa loob daw. Syempre kumabog dibdib ko baka makita niya kami ni rafa na magkasama isipin pa non pumunta talaga akong ledion ehh hindi naman. Sa pacific ako pumunta, si alo pinuntahan ko nagkataon lang din na andon si rafa.
Hindi naman gwapo si rafa pero selos na selos siya don hahaha p*ta! Ganon nga ata pag mahal na mahal mo isang tao pagseselosan mo kahit sino. Kaya umalis nalang kami nina alo sa ichill tas nagpahatid na ako sa sakayan para umuwi.
Ilang araw ang nakalipas nakikipagbati ako kay mike, inunblock na ako ehh kaya na-chat ko na.
MIKE: Tama na miki nagkakalokohan nalang tayo, pupunta ka samin para makipagbati tapos may reserba ka sa ledion?
ME: Anong ledion? Sa pacific ako nagpunta non.
MIKE: Wag ako! Alam mo ba yong pakiramdam na sasabihin ng mga tropa mo na "MIKE NAKITA KO SI MIKI UHH MAY KASAMANG IBANG LALAKE" tama na!
ME: Tamang hinala ka ehh noh?
MIKE: Ayoko na.
ME: Hindi mo naba ako mahal?
MIKE: Tigilan mo nako sa kakaganyan mo . Ge .
BREAK NA TALAGA KAMI! OO BREAK NA AS IN HIWALAY NA KAMI NG TULUYAN <///3
BINABASA MO ANG
Dota Is Just A Beginning
RomanceMiki Fiao had a family vacation in Baguio City so she decided to take a rest while surfing on facebook when a friend messaged her to add someone. This someone named Mike Racosa, he is a dota player and kinda popular in his school Dota Community of t...