9months. 2months bago naging tayo. 7months naging tayo. And now, 9months nang walang tayo. They say mahirap makamove-on sa taong minahal mo ng totoo, well yes. Hindi basta basta mawawala ang nararamdaman mo when its true. Sabi din naman nila hindi mo siya makakalimutan kung hindi ka magmomove-on, well yes again. Nagtatalo kasi yong gusto sa dapat at yong puso sa utak. Mahirap na masakit!
Mahirap kasi yong memories, yong longing at yong thought na PAANO KUNG BUMALIK SIYA SAYANG NAMAN DIBA?
Masakit kasi kailangan mo ng masanay na wala na yong kinasanayan mo at kailangan mo ng tanggapin na may bago ng magmamay-ari sakanya.
Mababaliw ka muna bago ka matauhan, nandon na yong maiiyak ka bigla magdadrama ka bigla kung ano anong gagawin mo pag naramdaman mo yong pain & longing sa taong yon. Maaalala mo lahat lahat ng binigay mo, sinakripisyo mo at moments niyo.
Moments na masaya kayo sa sariling mundo niyo, kulitan at sweetan tapos moments na nag-aaway kayo sa maliit/malaking bagay pero hindi padin kayo naghihiwalay.
Sabi nila 7months lang naman daw yong para dibdibin ko masyado unang una hindi naman daw ganon kalaki dibdib ko hahaha pero wala kasi silang alam sa pinagsamahan namin. 3in1 na kami. Bestfriends/Lovers/Mag-asawa <3 NOON HEHEHE!
Hmmm kamusta naba ako ngayon? Nakamove-on na kahit papaano. Nakakaloka din naman kasing malaman na sasabihin niya sa mga kakilala namin na "Wala na kami pero obsessed padin sakin." KAPAL LANG NG MUKHA HAHAHA! Pero wala nadin naman sakin yon kasi alam ko naman yong totoo, sadyang mahal na mahal ko lang siya NOON HEHEHE! Ako lang talaga ang nagmukhang naghabol kasi nong siya naggaganon sakin hindi pa ganon ka-public yong relasyon namin :)
Basta ngayon mag-aaral na akong mabuti ang gago ko kase ehh hahaha! Ie-enjoy ko yong buhay na binigay ni God sakin. Sa love experience ko na yon mas naging better naman ako, mas naging wiser stronger and more matured. Tama nga sila na may 2 rason kung bakit natin nakikilala ang isang tao, BLESSING .. LESSON! Si mike? Masasabi kong blessing noon at lesson sakin ngayon :) Kung magkikita man ulet kami hindi na sorry ang sasabihin ko sakanya kundi thank you.
Advice ko lang sa mga kaibigan ko na COMMIT WHEN YOU ALREADY KNOW THE WORD CONTENTMENT! Hindi yong may pagkukulang yong partner niyo hahanapin niyo sa iba. KNOW YOUR LIMITATIONS! Hindi porket komportable na kayo sa isat isa kapag galit kayo sasabihan niyo na siya ng masasakit at masasama na salita, kawalan na ng respeto yon. KNOW TO WAIT! Nowadays, ang sex ay kasama na talaga sa relasyon kasi DAW mas nagiging matatag yong pagsasama niyo. Well yes, medyo yes. Pero wag niyong madaliin yong partner niyo sa sex, hindi naman kasi yong pang3p lang o pangraos lang, kung mahal niyo talaga siya makakapaghintay kayo. Diba nga SEX IS THE MOST PRECIOUS GIFT FROM GOD! Kung mangyari edi mangyari but its more fun kung marriage muna (Y) But honestly nasa TRUST niyong dalawa yon. Trust na as in tiwala uhh kung bakit tumatatag ang isang relasyon hindi trust condom hahaha! KNOW HOW TO MAKE EFFORTS! Wag puro salita dapat may gawa. And KNOW HOW TO CHILL! Hindi 420 uhh pero pwede din bonding niyo tas dota 2 BOOM! Charot hahaha! Chill as in easyhan niyo lang yong mga bagay bagay, mga babae moody talaga pero lambing lang katapat nyan gusto kasi namin surprises hihi. <3 :)
"If its meant to be, it will be." Kung kayo, kayo talaga. "Letting go is not giving up, its accepting things that cannot be." Give chance to others, malay mo may mas deserve ka kaya hindi nagwork sakanya. "You only live once!" Live your life to the fullest!
BINABASA MO ANG
Dota Is Just A Beginning
RomanceMiki Fiao had a family vacation in Baguio City so she decided to take a rest while surfing on facebook when a friend messaged her to add someone. This someone named Mike Racosa, he is a dota player and kinda popular in his school Dota Community of t...