Chapter 20

2.4K 63 27
                                    

Final Game!!!

Kinabukasan sinundo si Jane ni Fifth at sila  Ara at Aby naman ay dumiretso na sa kanilang dorm.

Naghahanda naman ang Green Archers para sa game kasalukuyang nasa dug out sila. Maaga pa lang ay punung puno na ang Araneta dahil sa dami ng sumusuporta sa dalwang team. Blue at green lang makikita mong kulay sa loob ng Araneta.

"Mukhang di na pagtatantrums si Bimby ah. About tenga ang ngiti natin Bimbs." puna ni Bolick

"Ikaw ba naman ipagluto ng bebe mo at take note my good luck kiss at hug pa. San ka pa!!" pagsaang ayon ni Gab

"Eh si King Archer naman..hahahahaha" Terrence

"Yan ang matindi, di na yata natulog yan at nagbantay sa baby nya baka daw madapuan ng lamok..hahahaha" kantyaw ni Almond

"Kayo talaga guys ako na naman ang nakita nyo." reklamo ni Jeron

"Aminin mo na kasi kinilig ka ng makita mo si baby!! Hahahahaha" pang aalaska nila Almond at Kib

"Kay Bolick naman guys!!" Gab

"Umay na kami dyan, mas gusto ko ang Jaron kasi bago sa paningin ko. Ang magbabes na yan luma na.." sagot ni Almond

"Anong Jaron??" nagtatakang tanong nila Thomas, Kib, Bolick at Jeron

"Duh! Jaron lang di nyo pa alam. Like Thomara din yan. Jane + Jeron = Jaron, Thomas + Ara = Thomara... Simple mathematics you don't know!! How come!!" mahabang paliwanag ni Almond

"Ikaw talaga Elmend kung anu anung kalokohan ang naiisip mo." saway ni Bolick

Nagtawanan na lamang sila sa kulitan ng buong team. Parang di finals ang laban ngayon dahil sa asta nila.

"Archers mukhang di kayo kinakabahan ah!" bungad ni Coach Juno ng makitang nagkukulitan ang team nila.

Ang Boyfriend kong King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon