Chapter 23

2.2K 60 53
                                    

Hong Kong trip!!! part 3

Maayos na nakarating ang grupo nila Thomas sa Hong Kong.

"Thomas alam ba ni Jeron na ngayon ang dating natin?" Tanong ni Bolick habang nakasakay sila ng bus.

"Nope.. he knows na tomorrow pa tayo makasunod sa kanila.." sagot ni Thomas

" Eh ang auntie mo? She knows ba?" Gab

"Yup..i called her last night and nung nasa airport tayo... para mawait tayo sa lobby ng building. Di kasi basta basta nagpapasok dun if di ka resident." paliwanag ni Thomas.

"Anu ba yan.. walang nagtitinda sa loob ng bus..Nagugutom na ako." reklamo ni Kim

"Kimmy wala ka sa pinas.." saway ni Camille

Tumayo si Kib sa aisle ng bus at nagkunwari bus vendor. Palibhasa sila lang ang pasahero kaya umandar na naman ang kalokohan ng mga ito.

"Hopia.. Mani.. popcorn.. kayo dyan.." Kib

Tumayo din si Gab at nakigaya sa kalokohan ni Kib.

"Tubig.. C2.. epol at limun ti ang pleybor bili na kayu." Gab

Naiiling na lang si Aby sa kalokohan ng dalwa. Malakas ang loob nila magkulitan dahil nasa upper deck at walang maninitang driver sa kanila.

***************

"Hi auntie.." bati nila ng makita ito sa harap ng building.

"Kamusta na ang flight nyo?"  Tanong ni Auntie

"Okay lang po auntie.. yung dalwa pala kamusta?" sagot ni Thomas

"Umalis sila kanina after lunch na. Di ko lang sure kung nakabalik na sila. Nag iwan nga ng note na mamasyal sila." Auntie ni Thomas habang naglalakad papunta sa flat kung saan sila mag i stay lahat.

Tahimik ang loob ng flat ng pumasok sila. Malinis ang loob ng bahay.

"Tsinek ko kanina ito kung may kalat pero mukhang naglinis muna ang dalwa bago mamasyal. May naiwan pa nga silang mango pudding para sakin. Siguro alam nila na pupunta ako dito para i check sila." Nakangiting pahayag ng auntie ni Thomas.

"Ang bait naman ng lovebirds na yun.."  singit sa usapan ni Gab.

"Pumasok na kayo and feel at home lang kayo mga hijo at hija. Kung may kailangan kayo akyat lang kayo sa taas. Kayo na rin bahala kung anu sleeping arrangement nyo basta ayoko ng monkey business mga hijo. Alam kong may mga kasintahan kayo." marahang paliwanag ng auntie ni Thomas

"Don't worry tita you can trust us." nakangiting sagot ng mga lalaki na sumaludo pa.

"Makakaasa ako sa inyu guys... Maiwan ko na kayo dito ng makapagpahinga na kayo." nakangiti sabi ng auntie ni Thomas.

"thank you po tita!!!" tugon nila lahat at ngiti lang ang itinugon nito bago lumabas ng pinto.

"Guys!!! ayusin na natin ang ating mga gamit then let's check if anu pwede lutuin for late lunch." suggestion ni Aby.

Sumunod sila sa sinabi ni Aby at nagsipasok sa kwarto para ayusin ang mga gamit nila. Dahil 2 rooms lang ang flat kaya nag tig isa na lang ang mga boys at girls. Ang boys ay pumasok sa inoukupahan ni Jeron at ganun din nga girls.

***************

Samatalang sila Jeron at Jane ay nasa Botanical Park. Inienjoy nila ang magandang tanawin dito.

“Tomorrow you wanna go to Tsim Sa Tsui?” tanong ni Jeron habang naglalakad papuntang bus stop.

“Sure and I want to buy gift for kuya Dan.” Sagot ni Jane

“Mukhang mapapalaban ako sa long journey ah..” biro ni Jeron sa kasintahan. Di man mahilig magshopping si Jane pero matagal itong pumili.

Natawa na lang si Jane sa biro ng kasintahan.

Sumakay na sila ng bus pauwi sa tinutuluyan.

********

Nagpapahinga ang buong barkada at hinihintay na dumating sila Jeron.

“Saan kaya nakarating ang dalwang yun?” tanong ni Kib habang nakahiga sa sofa.

“Grabe inenjoy ni Jeron na masolo si Janey..hahahaha”  natatawang turan ni Gab.

“Anu nga pala plano natin tomorrow? Remember 3 days lang tayo ditto?” tanong ni Ara

“ Disneyland tayo then night market .. next day ocean park and last kung saan na lng tayo dalhin ng ating paa." sagot ni Aby

"Isasama ba natin yung dalwa baka may plano na sila for tomorrow." Camille

"if ever na may plano sila , i know they will cancel it."  Ara habang kumakain ng pizza.

Nagpadeliver na lang sila ng food dahil tinatamad na sila magluto at lumabas. Nasa living room silang lahat at duon na lang hinihintay ang dalwa.

 Bumukas ang pinto ng walang nakakapansin na dumating na sila Jeron at Jane.

"Bae may tao yata? nakabukas ang tv?" nagtatakang tanong ni Jane 

"Huh! i thought.. they will be here tomorrow pa." kunot noong sagot ni Jeron.

"What do you mean Bae?" Jane

"Mmmm.. i think Thomas and the rest of the gang  are here na. Let's go." hinila si Jane papuntang living room at natagpuan nga nila ang barkada na nagkakatuwaan na naman. Di nila napansin na nakalapit na sila sa mga ito.

"GUYS!!!!!!!" sigaw ni Jeron

 "Fafa Je i miss yah!!" sigaw ni Kib pagkakita sa dalawa. 

Lumapit naman sila  Jeron at Jane sa mga ito. Nagulat naman si Jane dahil wala syang idea na susunod pala ang mga ito.

"HI Janey!!!" sigaw ng mga girls pagkakita sa kanya.

Agad naman nakabawi si Jane sa pagkagulat at magiliw naman sya bumati sa mga ito. Nagkamustahan muna sila bago ituloy ang kulitan at kwentuhan.

Pinag usapan na rin nila ang mga iterinary nila para sa susunod na tatlong araw dahil kailangan din nila makabalik dahil sa mga nakabitin na mga schedules ng archer.

Maaga na lang sila nagpahinga para may lakas sila sa pamamasyal kinabukasan.

 ************

DISNEY LAND

 "Wow... eto pala ang disneyland" masiglang wika ni Kim 

"Uo nga noh Baks disneyland na pala ito akala ko enchanted kingdom." sang ayon ni Cienne

"Nandyan kaya si Hello Kitty at Miffy." seryosong tanong ni Camille 

"Sweetiepie mamaya hahanapin natin sila Hello Kitty at Miffy tapos magpapicture tayo sa kanila." sagot naman ni Kib

"Sige sige tapos sila batman at robin hanapin din natin ha." nakapout na turan ni Camille

Napafacepalm na lang sila Aby at Ara sa kalokohan nila Kib at Camille.

Nagsipasok na sila sa loob at nag umpisa na sila magpapicture.

Continuation...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfriend kong King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon